Chapter 1

10 0 0
                                    

Ito nanaman ang kaba na nararamdaman ko tuwing unang araw ng klase. Iba't ibang uri nanaman ng tao ang makikilala ko. Syempre, karamihan ay mga kakilala ko na pero mayroon ding mga bago. Isa pa sa aking kinakatakutan ay mga bagong guro. Marami ang mga nagsasabi na pag tungtong mo sa third year high school ay mas terror na ang mga teacher. Sana ay sabi sabi lang iyon.

"Lu!" Narinig kong may tumawag sa akin. Agad naman akong lumingon at napangiti ako nang makita ko ang kaibigan ko simula pagkapanganak, si Connor.

Kumaway ako habang nakangiti sa kanya. Nang makalapit siya sa akin ay hindi na ako nagulat nang salubungin niya ako ng yakap.

"Sobrang namiss talaga kita, Lucy!" Sambit nito habang mahigpit pa rin ang yakap sa akin.

Matagal kaming hindi nagkita ni Connor dahil namayapa ang kaniyang lolo at kinailangan nilang umuwi at mag stay sa Bohol para damayan ang kanilang lola.

"Ano ka ba? Late na tayo hano!" Sabi ko upang bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin.

Natutuwa akong makitang nakangiti na siya ngayon. Kahit na magkalayo kami ay nagagawa pa rin naming mag video call paminsan minsan upang magkamustahan. Noong huling beses ko siyang nakausap ay malungkot pa rin siya sa pagpanaw ng kanyang lolo. Sabi nga niya, hindi man niya ito nakakasama ng madalas ay malapit ang kanyang puso dito dahil sa mga tulong na walang sawang inaabot nito sa kanila tuwing may kailangan pinansyal man o hindi.

"May gusto akong ipakilala sa iyo, Lu!" Masaya niyang sabi habang kami ay nag lalakad papunta sa classroom namin. Ako naman ay abala sa pag babasa ng pangalan ng teacher namin para sa buong araw na ito.

"Sino?" Wala sa loob kong sagot at sakto rin naman na nasa tapat na kami ng pinto ng aming classroom.

"Me!" Naka ngising sagot ng babae na nasa aking harap. Nang inangat ko ang aking tingin ay isang hindi pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

"Yes?" Nag aalinlangan kong sagot. Hindi ako sanay makipag usap sa mga bagong kakilala kung kaya ay awkward ako sa mga unang pag kakataon.

Ang nasa likod kong si Connor ay agad nag punta sa tabi ng babae sa harap ko at inakbayan ito.

Nakangiti si Connor na sinabing, " Uhm Lu, girlfriend ko. Si Mari."

Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Dalawang linggo lang ang lumipas nang huli kaming nag usap pero wala siyang nabanggit na may girlfriend siya.

"Hello, Lucy!" Kumakaway niyang sabi sa akin habang nakangiti ng malaki. Maganda si Mari. Maikli at itim na itim ang kanyang buhok. Singkit ang mga mata at matangos ang ilong. Pantay pantay ang kanyang mga ngipin kaya siguro proud syang ngumiti ng todo. Payat ang build ng kanyang katawan at morena ang kutis nito.

"Kilala mo ako?" Napaturo pa ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung nahihiya pa ba ako, gulat, awkward, o naguguluhan.

"Oo naman. Connor always talks about you! At alam mo sobrang tamang tama lahat ng description niya tungkol sayo. You are tall, ang puti puti ng skin mo at nakaka inggit yung face mo girl sobrang kinis ha," napahawak pa ako sa aking pisngi, "and girl anong secret mo sa hair ha? Bakit sobrang shiny? OMG, I so like you already!"

Sasagot pa lamang ako nang biglang nag labasan ang aking mga kaklase. Sinundan ko ng tingin kung saan sila papunta. Napatingin ako kay Connor na parang nag tatanong. Wala rin siyang sinabi kundi nag kibit balikat lang din.

Tutal ay nasa pinto lamang ako, lumingon ako kung saan nag puntahan ang mga tao at nakita ko ang mga lalaking ngayon ko lamang nakita. Sabay na nag lalakad sa hallway ang dalawang lalaki. Mapoporma ang mga ito at halatang mayayaman. Ang isa ay mahaba ang buhok at naka bun, habang ang isa naman ay clean cut.

Halata siguro sa aming mukha ang pagtataka kung kaya ay lumapit sa amin ang isa naming kaklase at sinabing, "Huy ano ba kayo? Si Adler Perez at Liam Castro yan. Best friends daw sila at parehas na iridero. Galing silang parehas sa Manila pero kailangan lang nilang lumipat dito sa Baguio dahil sa family business! Ang g-gwapo, hindi ba?"

Nagulat na lamang kaming lahat dahil biglang tumunog ang bell. Tanda na time na para sa aming unang klase. As usual, values subject at adviser namin ang aming nakilala.

Nag susulat siya sa board ng kanyang pangalan, mga gagawin namin para sa first quarter, librong kailangan bilhin, requirements sa kanyang klase, at nag hihintay pa lamang kami sa susunod niyang isusulat ay tumatakbong papasok ang isang babae mula sa hallway.

Napatingin kaming lahat dahil naagaw niya ang aming atensyon habang siya ay pumapasok. Akmang uupo na ito sa bakanteng upuan nang mapalingon si Mrs. Basa.

"May I know your name and may I know the reason why you are late, Ms?"

Dumiretso ng tayo ang babae at inayos ang kanyang sabog sabog na buhok.

"I am Sofia Garcia. I am sorry for being late. We just arrived today from Manila." Napatingin naman din ako sa mga bagong transferee at napatingin yung lalaking naka bun ang buhok na ang pangalan ay Adler, at napatingin din siya kay Sofia.

"Oh, so you are from Manila too? Do you somehow know each other?" At napatingin din si Mrs. Basa kina Adler at Liam.

Alanganin namang tumingin si Sofia kina Adler at Liam at umiling siya. "No, Mrs. Basa. I do not know them." Habang nakangiti ng alanganin.

Bumulong sa akin ang katabi kong si Mari, "I think they know each other." Ngumiti lamang ako sa kanyang sinabi dahil parehas kami ng iniisip.

"Okay Ms. Garcia, you may now sit down. Welcome to Baguio High."

"Thank you." Sabay upo niya.


Mabilis natapos ang unang subject namin at mayroon kaming 30 minutes break bago ang ikalawang subject.

"Lu, pwede mo ba akong samahan sa canteen? I want to buy you snack so we can be friends too." Nakangiting sabi sa akin ni Mari.

Napatingin ako kay Connor at tumango siya.

"Okay, Mari." Sagot ko. "Mauna ka nang lumabas, susunod ako." Lalong lumaki ang ngiti ni Mari at lumabas na siya.

Humarap naman sa akin si Connor at sinabing, "Lu, kilalanin mo sana si Mari. Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. Gusto ko kasing makilala mo na siya in person at hindi lang ako makahanap ng tiyempo kung paano sasabihin tuwing magka video chat tayo. She's a good person, I -"

"No worries, Connor. Makikipag kaibigan din ako kay Mari at nakikita kong masaya ka." Pinutol ko na ang sasabihin nya at lumabas na rin papunta sa naghihintay na si Mari.

Habang nag lalakad kami papunta sa canteen ay may humarang sa aming dinadaanan. Napatingin ako at nakita ko si Adler. Humarang lamang siya at walang sinabi.

"Can we help you?" Tanong ni Mari habang nakatitig lamang ako sa kanya.

"I think I like you." Sabi sa akin ni Adler habang seryoso ang kanyang mukha at diretso ang pagkaka tingin sa akin.

"Oops, I think I should go first. Sunod ka na lang sa canteen Lucy ha." Sabi ni Mari at nagpatuloy sa pag lalakad. Susunod na sana ako nang hinawakan ako ni Adler sa braso.

Napatingin ako sa kanya. "I said, I like you."

"I don't like you." Sagot ko sa kanya at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"I am sure you'll like me too, Lucy! Lucy pala ang name mo ha!" Sigaw niya habang diretso pa rin akong nag lalakad.

Love Letters We Cannot KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon