I'LL MISS YOU, GOODBYE
He opened the door of his condo when someone knocked. He immediately smiled when he saw the woman he loves smiling at him.
"Honey, I miss you so much." aniya at niyakap ito nang mahigpit.
Hindi niya alam pero may nararamdaman siyang kakaiba. Gusto na lang niya ay yakapin ito buong magdamag. Miss na miss na niya ito.
Galing itong France dahil sa trabaho. Isa kasi itong reporter at doon ito pinadala para kumuha ng balita."I miss you, hon." Anito at hinalikan siya sa labi. Napangiti na lang siya at pinapasok ang kasintahan bago sinarado ang pinto.
"Kailan ka pa dumating?" Tanong niya habang papunta silang kwarto.
Naka-dress pa ito at mukhang pagod.
"Just minutes ago. Dumiretso agad ako dito dahil miss na miss na kita." Saad nito.Bumilis ang tibok ng puso niya. She still has the same effects on him. Kahit pitong taon na silang magka-relasyon, kahit kailan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa babae, mas nadagdagan pa ito.
He planned to propose that night and he's excited. Nakahanda na ang surprise niya sa rooftop. Hindi na niya kayang pakawalan ito.
"Aw, I miss you too, so much." At niyakap niya ito sa likod saka pinagha-halikan sa leeg.
Napapahagikgik ito. "Stop it, Jase. I'll clean myself first so let me go." Anito kaya natatawang bumitaw siya.
"Alright." He then kissed her forehead. "But after that, go to the rooftop. I'll have something for you." Bulong niya dito.
Kuminang naman ang mga mata nito
at ngumiti nang malawak. "Talaga?"He nodded. "Yes, so better hurry up."
Tumango lang ito at nagtatakbong pumasok sa bathroom. Naiiling na kinuha niya ang cellphone at nagsimulang maglakad palabas.
Nakangiti siya habang sakay ng elevator papuntang rooftop. Pero siya na lang ang kaba niya pagkahinto ng elevator sa nasabing lugar. Ewan niya ba kung bakit siya kinakabahan.Hindi naman siguro niya ako i-re-reject? Mahal naman ako ni Aina.
Sabi niya sa sarili.Huminga siya nang malalim bago tumapak palabas. He shrugged the negative thoughts away. It won't do good for him.
Napatingin siya sa hinandang candlelight dinner. Napangiti siya at naiisip na niya ang future nila ni Aina. How he badly wants to build a family with her.
Napakatahimik ng buong lugar at tanging mga lanterns lang ang nagsisilbing ilaw sa rooftop na iyon. Sa kanya naman ang condominium kaya wala siyang problema.
Napapitlag siya nang tumunog ang phone niya. Napakunot ang noo niya nang makita ang caller.
Honey calling...
Kahit nagtataka ay sinagot niya ang tawag ng kasintahan. "Hello, honey? Wha—" hindi niya natuloy ang sasabihin nang parang umiiyak ang nasa kabilang linya.
"Kuya Jase, si Ate Aina..." Boses nang kapatid ng kasintahan.
What? Aina was in my condo!
Kinabahan siya at biglang nanlamig. Hindi niya gusto ang pakiramdam.
"Aileen? A-Anong ibig mong sabihin? Aina is here with me!" Kinakabahang wika niya.
"N-No, Kuya. Kasama si Ate sa mga namatay sa plane crash kaninang umaga. Kuya, w-wala na si Ate Aina. Wala na siya!" Iyak nito.
Umiling siya nang umiling habang tumutulo ang mga luha. Nanginginig na rin ang buong katawan niya.
Sino ang babae sa condo ko?! Si Aina 'yon, e! Panaginip lang 'to! Hindi pwede!
"Y-You're joking, Aileen. A-Aina is here with me. Andito siya, Leen! Kasama ko siya! H-Hindi pa siya patay!" Sigaw niya. Parang matutumba na siya sa kinatatayuan niya.
"Kuya! Wala na si Ate! Patay na siya! Nasa morgue na ang katawan niya! K-Kuya, wala na ang Ate ko." Sigaw din nito.
Iling siya nang iling. "Hindi! Buhay pa ang b-babaeng mahal ko. Leen.. s-sabihin mong hindi 'yan totoo. Parang-awa mo na. H-Hindi 'yon totoo." Pagmamakaawa niya.
Nahihirapan na rin siyang huminga. Hindi siya naniniwala! Buhay pa ang babaeng mahal niya! Hindi siya nito pwedeng iwan. Magpo-propose pa lang siya. Magpapakasal pa sila. Magkakaanak at magkakapamilya.
Nabitawan niya ang cellphone sa sobrang panginginig. Nang biglang may yumakap sa kanya sa likod.
Napatulos siya sa kinatatayuan. Imbes na matakot ay nakaramdan pa siya ng saya."A-Aina..." Aniya at humarap dito. Namumutla na ito at unti-unting nakikita ang mga sugat at dugo sa mukha at buong katawan.
Malungkot itong nakangiti. "Mahal na mahal kita, Jase. Lagi mo 'yang tatandaan. Patawad dahil iiwan na kita. Hindi ko na matutupad ang pangako kong 'hanggang sa huli'. Ang maipapangako ko lang ay mamahalin
kita hanggang sa kabilang buhay."Napahagulgol siya at walang pakialam na niyakap ito nang mahigpit. "N-No, no, no. Aina, don't leave me. I'm not yet ready. Mahal na mahal na mahal kita. Please, h-honey. If you're going to leave, take me with you. Hindi ko kayang mabuhay na wala ka. Nagmamakaawa ako sa'yo."
Umiling ito. "I love you. Always remember that. And please, forgive me." At ramdam niyang unti-unti nang nawawala ang katawan nito.
"NO! AINA!" Sigaw niya.
"I'll miss you, goodbye." Huling bulong nito bago tuluyang naglaho.