UNCRUSH
"Ayoko na talaga! Uncrush ko na siya!"
Ilang ulit na ba niya iyan sinabi? Hindi na niya mabilang. Uncrush siya ng uncrush pero tuwing nasisilayan niya ang mukha nito ay nahuhulog ulit siya."Jusko naman, Tallie. Naririndi na ako kakarinig ng 'uncrush' na 'yan. Pero pagkatapos ang araw na ito, maririnig ko na crush mo na naman siya ulit. Ano ba talaga?" Sabi ng kaibigan niya.
"Ang hirap niyang kalimutan, Loraine." Ginulo niya ang buhok.
"Paano mo siya makakalimutan kung hindi ka naman nagsisimula na kalimutan siya?" Wika ng kaibigan.
Hindi na lang niya ito pinansin kahit tama naman ito. Nasa kanya ang problema. Napatigil ang kanilang pag-uusap nang pumasok ang kanilang guro.
"Tallie!" Tawag pansin ni Loraine.
"Ano?!" Mahinang sambit niya.
"Gawin mo na ngayon ang 'uncrush' na 'yan! Simulan mo sa pagtigil sa kakatitig sa kanya." Sabi nito.
Oo, classmate nila ang crush niya. Ang nag-iisang Kit Hidalgo. The love of her life.
"H-Hindi kaya ako nakatitig." Tanggi niya at nakinig na lang sa guro nila.
Umismid lang ito.
Nag-uunahang lumabas ang mga kaklase nila nang tumunog ang bell. Every students' favorite, recess.
Dumiretso sila sa canteen. Pero napatigil siya sa pagpasok nang makita si Kit na nakikipaglampungan sa isang schoolmate nila. She rolled her eyes even if her heart was tearing apart.
Maybe they're still in highschool. Maybe it's what they called puppy love. But it's still love. And in every love, there comes the pain. Siguro ang 'love' sa highschool ay mababaw sa iba pero sa mga taong nagmamahal, it's deep. Hindi nila mararamdaman ang pakiramdam dahil hindi naman sila ang nagmamahal.
"Tara na, Tallie! Sa garden tayo." Aya ni Loraine nang makita kung ano ang tinitignan niya.
"Mas mabuti pa nga." Mahinang saad niya.
Umupo sila sa ilalim ng malaking puno kung saan may bench at isang
round cement table. Nilabas niya ang baon at padabog na kumain."Oh, dahan-dahan. Huwag mong ibunton sa pagkain ang inis at selos mo." Pang-aasar nito.
"Hindi ako nagseselos, okay?!" May inis na sabi niya.
"Hindi daw. Pero mukhang papatay ka na sa mga oras na 'to."
Napatigil siya at napasigaw habang nakasabunot sa buhok niya. "Bakit hindi na lang ako, Loraine?! Bakit ba sa dinami-dami ng lalake diyan, sa kanya pa ako nahulog? Bakit hindi ko siya malimot-limot?"
"Dahil tanga ka. Alam mo namang hindi ka niya magugustuhan pero sige ka pa rin. Alam mong hindi mo abot standards niya pero umaasa ka pa rin. Alam mong marami siyang nilalandi pero hindi mo parin pinigilan ang feelings mo. Alam mong imposible pero hindi mo pa rin siya kinakalimutan. You have many reasons to forget him but you chose to ignore them. Instead, you keep on loving him."
"Anong magagawa ko? In this battle, my opponent is my heart. And unfortunately, I lose. Alam mong kapag puso na ang kalaban, never kang mananalo. I knew you experienced what I'm experiencing right now. Alam mong mahirap kalaban ang puso. Na kahit harap-harapan nang sinasampal sa'yo ang mga rason para kalimutan siya, hindi mo magagawa dahil nga ang puso mo na ang magdidikta. They say 'do not just use your heart but also use your brain'. Hindi magpapadala sa pag-ibig dahil palaging puso daw ang ginagamit. Siguro mali sila sa part na 'yon. Because brain, specifically frontal lobe, makes decision. So when you decides, your heart takes place. And that is when I chose to love him."
Saglit na natulala ang kaibigan niya at dahan-dahan at mahinang pumalakpak hanggang sa lumakas.. "Wow. That was... unexpected. Tumalino ka ha?! Sino nagturo sa'yo no'n? Love guru ikaw ba 'yan? Naks!"
"Loraine naman, e! Seryoso ako rito!" Nakasimangot na saad niya.
"Bakit ba? Seryoso din ako no'ng sinabi kong kalimutan mo na siya! Kita mo na kanina! Iba na naman nilalandi ng Kit mo na 'yon! Kaya mas mabuti pang kalimutan mo na siya. At maghanap ng iba!"
"Seryoso ka ba diyan?" Nanlalaki ang mga mata niya.
"Oo! At dapat ramihan mo para kapag nag-fail ka sa isa, lipat ka sa isa! Kaya gora na! Uncrush mo na 'yang Kit mo!"
"Sige! Uncrush ko na siya! As in!"
Natigilan ulit ito. "Seryoso na 'yan? Uncrush na talaga? Hanapan kita ng bago, don't worry, my friend! Uncrush na? Hindi ka na magba-backout?"
She heaved a deep sigh and put a determine expression. "Hindi! Final na ang desisyon ko! Uncrush ko na talaga siya! Decision sealed. Period."
Nang may biglang nagsalita sa likuran nila. Pareho silang napalingon ni Loraine.
Si Kit! Sigaw ng utak niya.
"Final na talaga 'yan? Uncrush mo na talaga ako? Eh kung sabihin ko kayang.." lumapit ito sa kanya. Sobrang lapit. 'Yong tipong konting galaw na lang ay maglalapat na ang kanilang labi. "..kina-crushback na kita? Ano? I-u-uncrush mo na talaga ako?"