Chapter Three

143 5 0
                                    

THREE

MARTIN

*knock knock knock*

Nagising ako because of the sound ng katok sa pinto. After few knocks pa, narinig ko ang pagbukas nito. I wanna sleep pa. Inabot ko yung kumot using my right feet sa bandang paanan then nagkumot ako. Ang lamig, sarap pa matulog.

"Alam kong gising ka na. Bumangon ka na d'yang bata ka" It's Manang Rosa, our kasambahay

"Manang, gusto ko pa mag-sleep. Inaantok pa ako, five minutes pa" sabi ko sa kanya. Yung boses ko parang batang naghihingi ng favor

"Kaka-five minutes five minutes mo na yan, mahuhuli ka sa klase mo" naramdaman ko ang pag-upo n'ya sa gilid ng kama ko then she removed yung kumot ko "bumangon ka na d'yan at mag-ayos para sa pagpasok mo, dali na"

"Ihh, nitatamad pa akong bumangon. Five minutes nalang" kinuha ko yung pillow from my side then I hugged it

Bakit ba kasi too early ng pasok ko ngayon, e! Every wednesday, I have six-thirty in the morning class. Nakakatamad kayang gumising ng sobrang aga.

"Kapag hindi ka pa bumangon d'yan, si mommy mo ang papupuntahin ko dito, sige ka"

When I heard that, kusang bumukas yung eyes ko and mabilis akong napa-get up.

"Sabi ko nga po I'll get up na, e" tumingin ako kay Manang Rosa, and she's slighty laughing. Hay, she knows well how ako mapapa-bangon.

"Manang naman, ih! You're so ano. You know naman na ayokong si mommy yung gumigising sa'kin kasi she's going to be an armalite, like ratatatatatatat beng beng!"

Mas lalong natawa si Manang Rosa sa sinabi ko na with action pa na parang bumabaril. I'm just telling the truth lang naman e. Everytime na si mommy kasi yung gigising sa'kin, hindi pwedeng hindi s'ya madaming sabihin and to make sermon. Like, I should be responsible enough daw na gumising ng maaga on my own because matanda na daw ako. Pero sila nga yung kung i-treat ako, as if I am a little kid pa. Ang gulo nila, diba?

"Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan. Buti nalang hindi ka naririnig ng mommy mo" tumayo s'ya "Sige na't ikaw ay maligo na at magbihis nang makakain ka na. Baba na ako para ipagluto ka"

"Noted po, Manang! Thank you!"

"Bilisan mo lang ang kilos mo, ah" then she leave my room

I took my phone, and checked the time. It's five fifteen. Mukhang Manang Rosa is right nga, I need to be quick kung ayaw kong ma-late. I get up from my bed na then, I took my bath towel na naka-hanger sa door ng walk-in closet, and rushed to the bathroom.

Twenty minutes later, lumabas na ako sa bathroom. Usually, it takes me thirty to forty-five minutes to finish taking bath. Pero, this time I need to rush na para hindi ako ma-late. Next wednesday, aagahan ko na ang gising. I wish.

I start dressing up. I picked cream with thin grey stripes trouser, pastel pink T-shirt, gold wrist watch, and white Nike Air Force sneakers, for my outfit. I tucked-in the shirt para mag-mukhang neat tignan. For my hair naman, I brushed it up lang. Every wednesday and saturday kasi is what they call 'wash day', kaya we are allowed to wear casual attire or 'civilian'.

Hello, Señorito (BL)Where stories live. Discover now