03

22 0 0
                                    


"Maricel hindi biro ang alok mo, napag isipan mo ba iyan nang maayos?" Seryuso ang tanong ni Sir Raul. Huminto na ang sasakyan sa harap nang hospital.

"Opo, nakapag desisyon ako kagabi pa. Kong tatanggapin niyo po ako handa po akong magpa test." Pinal na sabi ko, ang masasayang mukha nina Mercy,Marie at Tatay ang nasa isip ko ngayon.

Napabuga nang malalim na hininga si sir Raul, Madam Lucille stayed quiet sa buong oras na pag uusap namin ni sir.

"Puntaha mo na muna ang mga kapatid at Tatay mo hija. Mag uusap pa kami ni Lucille. Mag iingat ka."

Nag unlock ang pinto, nag pasasalamat ako sa kanila at mahigpit na hawak ko ang aking bag at ang pagkain na pumasok ako sa hospital.

"Ate!" Si Marie ang unang lumapit sa akin dala at kinuha ang bag ko at ang plastic na may laman nang lunch namin.

"Anak, umuwi na tayo." Bakas sa mukha nang Tatay ang sakit, pag aalala at lungkot.

"Bakit tayo uuwi Tay? Mag papagaling kapa ho!" Pinilit ko na siglahan ang boses ko. Si Mercy ay nakatingin lang sa amin sa may gilid.

"Anak, nakokonsensya ako. Ako dapat ang kumakayod para sa inyo, pero ako itong nagpapahirap sa atin nang husto." Agad kong pinahid ang luha na nag landas sa mukha nang Tatay. Kahit ako ay gusto nang umiyak din, nag pigil ko. Kailangan kong maging malakas para sa kanila.

"Tay, ano ka ba. Huwag mong isipin iyan, may ipang babayad na tayo, baka nga makuha pa natin ang lupa natin. May raket ako!"

"Ano naman iyan Marcela! Huwag naman sana galing sa dumi anak. Bahala nang mamatay ako huwag mo lang syangin ang buhay mo."

"Ano ba Tay! Hindi ko po iyon gagawin, safe po itong raket ko. Kain na nga tayo nagutom ako kakasalita!"

Agad na inilapag ni Marie ang uoam at kanin na dala ko, may binili rin akong tubig papasok.

Bahala na nga, buo na desisyon ko.

Alas sinco nang hapon nang makatanggap ako nang tawag mula kay sir Raul. At sinundo ako sa tapat nang hospital, ang paalam ko kay Mercy ay papunta ako sa kina Madam. Pero ang totoo hindi ko alam kong saan ako dadalhin. Pero may kutob na ako, alam kong may kinalaman na ito sa alok ko.

Huminto ang sasakyan sa tapat nang isang napaka tayog na building, sumunod lang ako kay sir hanggang sa makaapak kami sa twentieth floor.

Pag bukas nang magarang pinto, bumungad sa akin si Madam at isa pang lalaki na nakasuot nang pormal na damit.

"M-magandang gabi po."

Pinaupo ako ni madam sa tabi niya. Ai sir ay umopo sa bakanting couch.

"Ako nga pala si Dr. Fabian Rumolo. I'm their family doctor, nandito ako para ipaliwanag sa iyo ang mga bagay na kailangan gawin sa katawan mo kong magpapatuloy ka sa pagiging surrogate mother."

Napa kagat labi ako. Hinawakan ni Madam ang dalawa kong mga kamay.

"Gustong gusto kita Marcela, but I don't want you to rush your decision. Fabian will explain everything you have to know, and you can give us your answer after that. I want to give you time, so don't rush."

"O-opo."

--

It's been two days simula nang ma makausap ako ni Dr. Romulo.

"Ate, anong nangyayari? Saan dadalhin si Tatay?" Natatarantang tanong ni Mercy na kakagising lang, na gising dahil sa mga nurses at Doctor na sinundo ang Tatay dito sa ward.

"Lilipat na tayo sa isang private Hospital Mercy, mas maluwang at mas tahimik." Isang simpling ngiti ang pinakawalan ko. Mag simula na akong mag ligpit nang gamit namin.

"Bayad na ba tayo ate? Saan ka kumuha nang pera?"

Bakas parin sa mukha ni Mercy ang pag aalala. Si Marie naman ay nagliligpit narin.

"Sina Madam ang tumulong sa atin. Sila na ang nag bayd nang bill, nang bitay natin sa upa. Paid nadin tuition fee mo, at mapapasaatin narin ang bahay at lupa na nasanla natin."

Nag liwanag ang mukha nang dalwa kong kapatid. May lumapit na nurse sa amin para pumirma, at wala pang isamg oras ay nasa ambulance na kami para lumipat sa pribadong hospital.

--

Matapos kong pirmahan ang kontrata ay agad kumilos si Sir Raul. Next week, ay aalis kami papuntang Europe isasama nila ako para isagawa ang insemination. Hindi na ako pina test nina Madam dahil tiwala sila sa akin, at totoo namang malinis ako at wala akong karamdaman.

Sa araw nang alis ko ay siya ring araw nang operasyon na Tatay. Wala man ako ay alam kong magiging successful ang operasyon dahil galing pang Russia ang kinuha nina Madam para sumagawa nang operasyon kay Tatay.

"May pag uusapan pa tayo hija." Ngayon ay naka upo sa aking harapan ang mag asawa.

"Ano po iyon Madam?"

Pinag lalaruan ko ang singsing na bigay pa sa akin nang sumalangit kong ina. Isa itong silver na singsing na may desenyong sunflower na bulaklak at may diamante sa ibawbaw nito.

"Dapat ay walang maka alam na ipag bubuntis mo ang anak namin hija. This has to stay a secret until na masigurado naming ligtas na." Ani sir Raul. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"These days, we've been receiving death threats hija. It's nothing new, but hindi kami pweding maging kompyansa. Ang bata ay ang magiging sole hier nang Natividad Corporation at mag mamana nang lahat nang pinaghirapan naming mag asawa. Marami ang nag hahangad na makuha at mapa taub ang aming emperyo Hija." Napaka seryuso ni Madam na dahilan nang may mamuong kunting takot sa dibdib ko.

"So, until the baby is born. This will be kept as a secret to only four of us. You, me and Raul at ni Fabian. Kasali sa penirmahan mo, namin at ni Fabian ang kasundoang kahit anong mangyari ay ang kaligtasan nang bata ang uunahin natin."

Nabasa ko nga iyon, of course dapat talagang ang kaligtasan nang bata ang unang iisipin nang isang ina o kahit sinong magulang.

"Opo, nabasa ko po iyon."

"And one more thing hija. Kung may mangyari man sa amin, you have all of the rights to our money and lands and everything we owned as the bearer of our child. Until the child is of age, ikaw ang may hawak nang lahat."

Napa awang ang bibig ko habang sinusubokang intindihin lahat nang sinsabi nila sa akin.

Ngayon ko napag tanto na mukhang may mas malaking problema ang mag asawa, at hindi ko dapat suwayin ang lahat nang bilin nila. This is not a joke, this is something serious. At dahil sinimulan ko na ito, pananagutan ko ito.

"I-I will be the m-mother. I will be a mother to this child."

"This is why we accepted you Maricel, ano man ang mangyari nasa mabubutung kamay ang magiging anghel namin."

Isang panatag na ngiti ang ipinakwalan nang mag asawa.

Bad Love   Isla Majeca #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon