04

23 0 0
                                    


"Ilang araw daw kayo doon ate?"

Tinutulongan ako ni Marie na mag impake, nasa kama siya ngayon at ako ay kumukuha nang mga damit na naka hanger sa my bintana.

"Hindi ko sure bunso e, hindi sinabi nina Madam. Basta raw mag impake na ako."

"Maganda raw ang Resort nang mga Natividad ate, sana mag enjoy ka roon. Sobrang stress muna mukha ka na tuloyng matandang hukloban."

"Hoy Marie ah! Maka Hukloban ka naman. Hindi ka ba nagagandahan sa ate mo?" Nag biroan lang kaming mag kapatid.

Hindi ko sinabi sa kanila na aalis akong nang bansa, ang tanging alam nila ay dadalhin ako ni Madam sa pribadong resort nila. Na mag tatrabaho ako doon, para ma panatag ang loob nila. Hindi ko pweding sabihin ang lahat.

"Alam mo iyong Isla Majeca ate?"

Biglang tanong niya, nag patuloy lang ako sa pagliligpit. Pamilyar ang pangalan pero hindi ko maalala kong saan ko ito narinig dati.

"Pamilyar bunso, bakit? May Resort ba sina Madam ron?"

"Wala, napa ka ganda at tahimik raw nang Isla na iyon. Pribado daw at walang nakakapasok nang basta. Nabasa ko lang iyon sa Magazine na dala nang kaklasi ko. Sabi niya wala pang kahit ni isang babae ang naka apak doon."

"Talaga? Gusto mo bang maka punta doon?"

"Hindi naman, na curious lang ako. Medyo malapit lang kasi iyon sa pupuntahan mo. Mga tatlong oras lang na byahi tapos sasakay nang boat or chopper para maka apak doon."

"Ang arti naman nang may ari nang Isla naiyan. Baka bakla ang may-ari at puro lalaki lang ang pinapapasok." Biro ko.

"Nako, ang sabi nang kaklasi ko, Mayaman at maemplowensya raw ang may ari. Baka matandang lalaki na may galit sa mundo at gusto lang mapag isa."

Marami pa kaming nagpag usapan ni bunso, hanggang sa mag haponan na kami. Kami lang dalawa ang nasa bahay, si Mercy nasa hospital parin kasama ang itay, may mahihigaan naman doon sa private room na kinuha nina Madam. May sariling banyo narin na pwedi ligoan kaya komportable naman siya doon, may aircon pa.

Mag papasa na ako nang resignation letter mamaya kaya aalis nanaman ako nang madaling araw. Matapos namin kumain ay sabay na kaming natulog ni bunso.

--

"Bakit ka naman mag reresign Marcy? Diba kailangan mo nang pera para sa operasyon nang Tatay mo?" Si Nita, isa sa mga close kong kaibigan dito sa trabaho na tudo kayud rin para sa nag iisang kapatid.

"May bago na akong trabaho Nita, mas malaki ang kita. Kaya mag reresign nalang ako at mag full time roon."

"Masaya ako at mulhang hindi na magiging mabigat ang problema mo. Mukhang hindi mo na kasi pasan ang mundo." Napaka genuine nang ngiti na ibinigay ni Nita. Hindi ko talaga makakalimutan ang babaeng ito.

"Yaan mo pag makaluwag ako tutulongan rin kita Nita."

"Okay lang Marcy, pareho tayong bumabangon para sa pamilya natin. Unahin mo ang pamilya mo, mas importante sila at ako naman ay ang pamilya ko rin. Kay dapat mag pakatatag tayo!" Hindi ko napigilan at niyakap ko siya. Isa si Nita sa mga maituturing kong tunay na kaibigan.

Matapos kong isurender ang badge ko at nag free up na nang space sa locker ko ay tuluyan ko nang nilisan ang Companya. Mga forty-five days ay may matatanggap raw akong email with my COE And my last pay.

Dumeritso ako sa hospital mag aalas nuebe na nang umaga, gising si Tatay at si Mercy ay may pasok kaya ay ako ang mag babantay ngayon.

"Anak, maraming salamat ah? Ipag pasalamat mo narin ako kay Madam Lucille. Napaka laki nang naitulong nila sa atin, yaan mo ay ma babayaran rin natin sila."

"Tay, mag tatrabaho po ako ulit sa kanila. Parang advance lang po ang mga ito, at may benefits." Tumango lang ang Tatay at pumikit.

"Inaantok pa ako anak, nag Netflix kami ni Mercy kagabi. Matutulog lang ako saglit."

"Sige tay.!"

Mabuti pa sila may pa Netflix.
Habang unti unting nagiging pantay ang hininga ni Tatay at tuluyan na siyang makatulog, pinagmamasdan ko lamang siya. Payapa ang mukha ni Tatay ito ang gusto kong mukha ang nakikita sa kanila nang pamilya ko. Bukas na ang alis namin, nakapag paalam na ako sa kanila, kukunin ako nina Madam rito sa hospital at dediretso na kami sa Airport.

At kinabukasan nga noon ay ang family picture namin ang hawak hawak ko habang naka sakay kami sa business class nang erpolano.

-

"Lutheran closed a business deal with the Samaniegos, Ibang klase talaga ang kapatid mo, Hon."

May proud na ngiti ang Madam habang nag uumagahan kami. Nasa bahay nila kami ngayon sa Basil, para akong na sa ibang mundo pagka apak ko palang sa semento pag baba nang napakataas na byahe namin sa erpolano.

Halos hindi ko maisara ang bibig ko habang bumabyahe kami papunta rito sa bahy nila. Nag mistulang palasyo ang bahay nila na medyo malayo sa mismong syudad. Sa pagkaka alam ko ma gastos ang pag punta palang nang Basil , isa ang syudad sa sikat na bakasyonan nang mga foreigners.

Madam even offered to tour me around pero tumanggi ako. Iba ang dahilan kong bakit kami naandito ngayon, at hindi ang pumasyal sa mala paraisong lugar.

"I am proud. Growing up he was so distant at hindi palasalita, kaya ay nangamba ako na baka ay maging mahirap sa kaniya ang pumasok sa business. But he never fails to surprise me."

May iba pang pinag uusapan ang mag asawa habang kumakain kami, business at ang successful na buhay nang kapatid ni Madam. Grabi sobrang bigatin na pala talaga ni Sir Marcus, parang nanliit ako nang maalala ko ang pag amin ko sa kaniya. Nakakatawa ka talaga Marcela.

Nang magbihan nag dinner kami sa isang mamahaling hotel, nahihiya nga akong sumama mag luluto nalang ako but the couple insisted na isama ako. Kaya ayon sumama narin ako, pinahiram ako ni madam nang magandang damit.

Iba talaga ang may pera, mas napag tanto ko na ibang iba talaga ang mundo nila kesa nang sa amin. Kaya siguro iyong ibang mayayaman ay iba ang tingin sa aming mahihirap. Iyong mga mukha nilang parang nan didiri, siguro dahil sanay sila sa malinis, sa kulay ginto at pilak. Para sa iba kasi pag mahirap, Dirt agad ang maikukumpara nila.

Nang gabing iyon, sinikap kong maka tulog nang mahimbing dahil bukas ay makikipag kita na kami sa doctor na mag sasagawa nang insemination.

At dapat handa ako bukas.

Bad Love   Isla Majeca #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon