CHAPTER 2
"ATE dang! Gising na ikaw" nagising ako dahil paulit ulit na paghalik ni bunso sakin.
"Hmm" minulat ko naman ang mata ko saka niyakap si bunso na nakangiti sakin.
"Ate dang! Bangon na ikaw" sabi niya habang pilit akong hinahatak pabangon. Umiling ako.
"Ayoko!" Aniko. mas niyakap siya ng mahigpit.
"Ih ate dang gutom na ako" nakanguso niyang sabi. Ang kyut kaya di ko napigilang panggigilan ang mga pisngi niya.
"Ah gutom na si bunso?" Nakanguso naman siyang tumango. Nakaisip ako ng kapilyahan.
"Ate dang! hahaha tama na haha ate dang" tawa niya habang paulit ulit ko siyang kinilti. Di ko mapigilang matawa.
Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya. Kapag pagod ako galing sa trabaho makita ko lang siya balewala na ang pagod ko.
Si bunso ang pinaka importante sakin mawala na lahat wag lang siya. Kahit napulot ko lang siya sa may tabing dagat. Mamimingwit sana ako nun kaso di ko namang akalain na iba yung mabibingwit ko. Ni report ko naman sa kabilang bayan pero hanggang ngayon wala pang nagpapakita. Maraming nagsasabi na baka daw sinadya nilang itapon sa tabing dagat si bunso kaya hanggang ngayon wala pa ding naghahanap sakanya pero syempre hindi ako naniniwala. Sino ba naman kaseng magulang ang gagawa nun sa sarili nilang anak. Lalo na't 5 months palang siya nun at ngayon 3 years old na siya.
Sobrang pasasalamat ko sa diyos kase biniyayaan niya kami ng batang muling bubuhay sa pamilya namin.
Simula kase nung mamatay si tatay nawala na yung dating sigla ng pamilya namin. Bata palang ako nung mamatay siya. 10 years old palang ako nun. Namatay siya sa mismong kaarawan ko at kasalanan ko yun. Lahat sila ako yung sinisi. Sinisisi ko din yung sarili ko kaya bilang kapalit tumigil ako sa pag aaral kahit alam kong ayaw ni tatay.
Pangarap ni tatay para sakin ang makapagtapos ako ng pag aaral at matupad lahat ng pangarap ko pero nakakalungkot mang isipin hindi na yun matutupad kase ako mismo yung sumuko at sumira sa lahat ng pangarap niya para sakin.
Kung hindi ako titigil sa pag aaral mas lalo kaming mababaon sa utang. Simula nung mamatay si tatay halos wala kaming makain. Naputulan kami ng kuryente tapos si nanay laging lasing. Yung mga kapatid ko nagkanda loko loko na. Hindi na pumapasok sa school tapos laging barkada ang inaatupag.
Napagkasunduan namin na titigil na ako sa pag aaral basta aayusin nila yung buhay nila. Masakit man para sakin pumayag ako. Kung yun lang ang paraan para bumalik kami sa dati gagawin ko.
Kaya heto ako ngayon. Ang dakilang kusinera, waitress at labandera ng probinsya namin.
"Ate dang!" Napatingin ako kay bunso na umiiyak. Nataranta naman ako.
"Luh! Bunso bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Hah?" Nag aalalang tanong ko. Umiling naman siya.
"Kung ganon bakit ka umiiyak?""Kase iyak din ikaw" sabi saka hinawakan ang mata ko. Umiiyak pa rin siya.
Napaawang ang labi ko. Wala sa sariling hinawakan din ang mata ko. Di ko akalaing umiiyak na pala ako. Sa loob nang ilang taon pinilit kong wag mag isip ng kahit na ano tungkol sa nakaraan pero sa isang iglap lang pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon.
Pinilit kong ngumit "Napuwing lang si ate bunso" sabi ko. Pinahiran ang mga luha niya saka siya niyakap.
Humiwalay siya ng yakap sakin saka ako tinignan na parang hindi naniniwala. Natawa na lang ako.
YOU ARE READING
LOVE HURTS (ON-GOING)
Teen FictionSi Zahra Sanchez napilitang tumigil sa pag aaral para sa kanyang pamilya. Nagsakripisyo para sa pamilya Nasaktan para sa pamilya. At kakayanin para sa pamilya. Kaya ikaw kung may problema ka o may pinagdadaanan wag kang sumuko agad. Lumaban ka h...