━ OO6

288 19 26
                                    

if we fall
- chapter six

- MACEY'S

naiirita na tumayo ako mula sa pagkakahiga at nag laad patungo sa pintuan.

sino ba 'tong nakatok? 11 pm na, istorbo eh. tumingin muna ako sa peephole para tignan kung sino ang nandoon.

wala naman akong nakita na kahit sino, aalis na sana ako nang may kumatok ulit. binuksan ko ng maliit ang pintuan at nakita si Chan na nakaupo sa may lapag at nakasandal sa dingding.

napabuntong hininga ako, lumuhod para mapantayan siya. tumingin siya sa akin, " Macey.." naluluhang banggit niya sa pangalan ko.

inalalayan ko siyang tumayo at nag tungo sa loob ng unit ko, inupo ko siya sa sofa. umupo ako sa tabi niya at sinandal niya ang ulo sa balikat ko.

" ayaw na niya, h-hindi na niya ako mahal " sabi ni Chan, naramdaman kong nababasa na ang balikat ko pero wala na akong pakielam.

sinuklayan ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. " baka naman kailangan lang ng space? " tanong ko.

umiling siya, " ikaw kasi eh! palagi kang nakadikit sa kaniya, yan nasakal tuloy " biro ko, pero sineryoso niya ata at mas lalong umiyak.

hinarap ko sya sa akin, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at ngumiti, " iinom nalang natin 'to " yaya ko.

pero dapat pala ay di na kami nag inom, dahil naging wild nanaman itong si Chan.

" kung nasasakal na siya edi dapat sinabi na niya hindi yung biglang ganito na makikipag hiwalay siya! " sabi niya at inubos ang natitira sa pang lima niyang bote.

tumango-tango ako, " siguro natakot lang siya " sabi ko habang pinaglalaruan ang bote.

tinignan ko si Chan at nakaupo na siya sa tabi ng mini table ko sa sala at nakatingin sa malayo.

" hindi naman siya kawalan! " sabi niya pa na ikinairap ko, kanina puro siya sabi ng "kawalan si Stacey, di ko kaya na mawala siya" tapos ngayon- hay ewan ko sa iyo Chan!

tumayo siya at nag tungo sa speaker na katabi ng tv, nagpatugtog siya at bigla nalang nagtatalon-talon at sumayaw.

napailing ako sa ginawa niya, nag tungo ako sa kaniya at nakisayaw na rin.

" marami pa namang iba diyan! hindi lang si Stacey, andiyan pa si ano..si Macey! " sabi niya, natigilan ako sa huli niyang sinabi, hays.

hinampas ko siya sa braso, " hindi kita papatulan! " sabi ko dito.

bigla siyang lumuhod sa harap ko,
" pumayag ka naaa, hahanapan kitang boyfriend pag nagkabalikan kami ni Stacey " pagmamakaawa niya.

umiling-iling ako, " ayokooo " sagot ko. hinawakan niya ako sa paa at nagmakaawa pa.

patuloy lang kami sa pagkukulitan at pagsayaw, natigilan kami nang biglang tumahimik ang buong unit at mag play ang theme song nila ni Stacey.

taray 'no, may theme song sila- sana all.

papalitan ko sana ang kanta nang pigilan ako ni Chan na mukang lasing na nga. inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya habang ang mga kamay niya at nasa bewang ko.

" s-sayaw na tayoOo " yaya niya, napailing ako tiyaka tumawa at nakisabay na rin.


nilapit niya ang katawan namin sa isa't isa at sumabay sa kanta, walang nag salita sa amin ng ilang segundo.

isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya, binanggit niya ang pangalan ko na ikinabilis ng tibok ng puso ko. tumingala ako, nagtama ang mga mata namin.

" please be my fake girlfriend " sabi niya. tinitigan ko siya sa mata, seryoso at mukang desperado siyang maging 'fake girlfriend' ako para lang pagselosin si Stacey.

" paano kung palpak? kung hindi siya magselos? edi nag sayang lang tayo ng oras " sabi ko, bumuntong hininga siya.

" two months lang naman, Macey" sabi niya pa.

" eh kung mag move on ka nalang kaya sa dalawang buwan na yun? mag bakasyon ka, malay mo may makilala kang bago at mas better kay Stacey " suggest ko.

umiling siya siya at pumikit, " si Stacey lang ang gusto ko " bulong niya.

tumingin sya sa akin, " please, Macey? " pagmamakaawa niya.

" what if mahulog ako? " bulong ko pero alam kong sapat na iyon para marinig niya.

natagalan bago niya sagutin iyon, yumuko ako at malungkot na ngumiti. isinandal ko ulit ang ulo ko sa dibdib niya.

" huwa- " pinutol niya ako.

" edi susubukan kong saluhin ka " sagot niya. umiling ako, huwag mo akong paasahin.

" pwede ba yun? susubukan mo akong mahalin kahit na mahal mo pa ang kapatid ko? isa lang ang puso, Chan " sabi ko.

kung dalawa lang siguro ang puso ko nag mahal na ako ng iba. kung madali lang sigurong makalimot, kinalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa iyo.

bumuntong hininga ulit siya, " hindi ka naman mahirap mahalin" sagot niya.

kung hindi ako mahirap mahalin, bakit hanggang ngayon kaibigan pa rin ang turing mo sa akin? bakit si Stacey ang minahal mo kung ako naman ang nauna?

natapos na ang kanta, " sige, payag na ako " sabi ko. kahit na peke lang ang lahat, gusto ko lang maramdaman na mahal rin ako ng mahal ko. kahit na pagiging tanga 'to, basta para sa iyo.

-

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
If We Fall [ bang chan ] √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon