page 1

2 1 0
                                    

Sa isang lugar na tila mala-paraiso ang kapaligiran kung saan sa kabila ng pristeryosong kagandahan nito ay mayroon pangyayari na hindi magandang nagaganap. Ito'y mula sa dalawang magkapatid na nagsasagupaan sa gitna nang napaka gandang hardin na ito. Ito'y sina Henry at Estefan ang mga anak ng isang magiting na Hari. Halos magpatayan ang dalawa gamit lamang ang dala nilang armas na espada at ang nagsisilbing proteksyon nilang pananggalang.

Sa napakalaking kadahilanan nang kanilang pagsasagupaan, isa sa kanila ang nag-nanais na makuha ang nag-iisang trono at makuha ang inaasam na katayuan bilang isang Hari upang maging pinuno nang kanilang nasasakupan.

Sa pagitan nang kanilang pag-sasagupaan ay may isang paslit ang nais na pumigil sa kanila, ito ay ang bunsong kapatid nilang lalaki na si John Steven. Tila mahina ang pangangatawan nito at masasabing wala itong magagawa sa mga nangyayari.

.
Ayon sa mapipiling magiging Hari wala nang dahilan upang magsagupaan ang dalawa upang pag-awayan nila ang trono. Sapagkat noon pa lamang ay may napili nang magsisilbing mamumuno. Ang napili at napagpasyahang mamumuno sa kanilang dalawa ay ang pangalawang anak ng Hari na si Estefan na matagal nang napili ng kanilang Ama dahil sa ipinakita nitong galing sa taktika sa pakikipaglaban. Ngunit hindi lamang iyon ang tinitignan ng kanilang Ama na maging kakayahan ng isang pinuno kundi sa pagiging mabait, busilak at mapagmahal nitong puso mula sa kanilang mamamayan kanilang nasasakupan.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang disisyon ng Hari ay tutol dito ang panganay na anak nito na si Henry dahil hindi siya napili na maging pinuno, sapagkat siya ay ang unang anak ng Hari na dapat ay sa kaniya lamang mapupunta ang Trono at sa kadahilanang dapat ay nasusunod ang batas ukol dito.

Dahil sa tindi ng galit, lihim niyang ipapapatay ang sarili nitong kapatid, upang hindi matuloy ang paglipat ng trono ng kanilang Amang Hari sa pangalawang anak na si Estefan.

Isa sa dahilan kung bakit hindi napili ang Panganay na si Henry ay dahil sa pagiging makasarili nito at sa pagiging uhaw nito sa kanilang yaman.

Sa katunayan isang matalinong panganay na anak ng hari itong si Henry, dahilan din kung bakit maaari paring siyang maging isang mahusay na pinuno ay dahil sa husay nito sa mga taktika at pamamahala sa pangaraw-araw na gawain ng mamamayang kanilang nasasakupan. Ngunit dahil sa pagbabaliwala sa kaniyang kakayahan, nagalit siya ng lubos sa kaniyang kapatid, kaya't gumawa siya ng paraan upang magawa niyang dakpin ang kaniyang kapatid na si Estefan.

Sa pamamagitan ng kaniyang kayamanan, binayaran niya ang kaniyang mga pinagkakatiwalaang mga alagad sa malaking halaga, upang sa ganun ay hindi maaaring pumalya ang kaniyang plano sa pagtugis sa kaniyang kapatid. Isang pinag-isipang plano na masisiguro niya na walang sinuman ang makakasira.

The Mythical Spirit and the Secret Garden.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon