KABANATA I

45 1 1
                                    

"Asahan mong ang pag-ibig ko sayo ay walang hanggan. Magkikita tayong muli aking mahal."

NAPAMULAT na lamang ako ng aking mata at kinusot iyon nang marinig ang malakas na pag-alarm ng aking cellphone. Bumangon na din ako agad upang makapag-asikaso na para pumasok dahil araw na naman ng Lunes.

Isang lalaki ang nasa aking harapan. Maputi, matangos na ilong, manipis na labi at mapungay na mga mata.

Nasa harap ako ng salamin at patuloy na nag-aasikaso para pumasok na naman sa eskwela. White polo with black necktie, black pants at black leather shoes ang aking suot na uniform ng University na aking pinapasukan.

Lumabas na ako sa aking kwarto at patuloy na bumaba sa unang palapag ng aming bahay. Walang tao sa bahay sapagkat kanina pang madaling araw umalis para pumasok sa kanyang trabaho si Papa (Dante). Samantalang si Mama (Ariana) naman ay inihatid sa paaralan ang aking bunsong kapatid na si Dana na nasa edad pitong taong gulang at nasa unang baitang na.

Lumabas na ako ng aming bahay at patuloy na naglakad papunta sa sakayan. Maaliwalas ang kalangitan, Tirik na rin ang araw ngunit di pa masyadong ramdam ang init sapagkat alas-syete pa lamang ng umaga at umiihip ng marahan ang hangin.

Nakababa na ako sa Bus na nasakyan ko kanina at nandito na din ako ngayon sa University na pinapasukan ko. Maraming estudyante ang nasa paligid.

May mga nakaupo sa mga mahabang upuan habang masayang nagkwekwentuhan, may mga estudyante ding tumatakbo dahil mahuhuli na sa kanilang klase. Mayamaya ay nakita ko ang aking kababata at kaklase na si Alfred Geronimo na may mga kausap na mga babae.

Kilala si Alfred sa aming University bilang isa sa mga Heartthrob na hinahangaan ng maraming babae. Matangkad, maputi, singkit ang mga mata, matangos na ilong at nakakaakit na mga labi. Kilala din siya bilang Matalino at MVP sa larong basketball kaso may pagka-babaero nga lang.

Kinawayan ako ni Alfred dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kausap niyang babae. Napangiti naman ang mga iyon. Kinawayan ko din siya at lumapit sa akin. Umalis na din ang mga kausap niyang babae habang tumitili pa.

"Ang babaero mo talaga." biro ko sa kanya.

"Syempre! Gwapo tayo e." pagmamalaki niya sabay akbay sa akin.

"Hindi naman ako kasing-gwapo mo." wika ko. Nagtawanan na lamang kami habang naglalakad.

Napatigil na lamang siya at tumingin sa akin bago nag-salitang muli.

"Alam mo na ba Dex?" tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako sa naging tanong niya.

"Anong alam ko na?" tanong ko habang inaalala kong may mga naikwento ba siya sa akin nang mga nakaraan na araw.

"Girlfriend mo si Chloe 'di ba?" diretsong tanong niya.

"Oo, Bakit? Ano meron kay Chloe? Wag mong sabihing..." hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil napatawa na lamang siya dahil alam na niya ang ibig kong sabihin at muling nagsalita.

"Wag kang mag-alala Dex. Kaibigan mo ako at hindi ko magagawa ang nasa isip mo. Mas importante ang pinagsamahan natin kaysa sa mga babaeb na yan." wika niya habang ginugulo ang aking buhok.

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" Pagtatanong ko dahil nagtataka at kinakabahan na din ako sa mga nais niyang sabihin sa akin.

Tumingin siya ng seryoso sa akin at muling nagsalita.

"Nakita ko si Chloe kahapon na may kasamang ibang lalaki sa isang mall malapit dito sa University." diretsong wika ni Alfred. Nagulat ako sa ibinalita niya ngunit may tiwala ako kay Chloe. Natawa na lamang ako sa kanyang sinabi.

Unfading LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon