KABANATA III

27 2 0
                                    

"A-ako? Ako ang nasa painting na ito"

NAGTATAKANG tanong na naibulong ko sa aking sarili matapos ko makita ang nakapintang larawan sa painting na iyon. Pinagmasdan ko pa ng mabuti at inusisa iyon.

Isang lalaki na nakasuot ng coat at sumbrero na kulay itim na katulad ng suot ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga larawan ang nasa painting na iyon.
Makikita rin sa itsura ng pintang iyon na ito ay niluma na ng panahon. Ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit kamukhang-kamukha ko ang lalaking nakapinta doon. Marahil ay isa siya sa aming mga ninuno kung kaya ganoon na lamang ang laki ng aming pagkakahawig.

Ilang minuto ko din iyong pinagmasdan dahil gulong-gulo pa din ang aking isip hanggang sa may narinig akong mga yabag na dahan-dahang humahakbang palapit sa aking kinatatayuan.

"Nakita mo na pala apo ang larawan ni Señor Diego na kapatid ni Lolo Saturnino." wika ng isang matandang lalaki na nasa aking likuran.

Napalingon ako nang marinig kong magsalita ang lumapit sa aking kinatatayuan kanina. Paglingon ko sa matandang lalaki na nagsalita ay nakita ko ang aking Lolo Dionisio na nakangiti habang tinitingnan ang painting na iyon at tumingin sa akin.

"Kamukhang-kamukha mo talaga si Lolo Diego apo." wika niya habang nakangiti sa akin at muling pinagmasdan ang painting na iyon.

"L-lolo D-diego? Sino po siya Lo?" nauutal ngunit nasasabik kong tanong dahil baka magkwento si Lolo tungkol sa painting.

"Oo apo, Siya si Lolo Diego Cepeda. Isa sa mga ninuno natin, Siya rin ang nakakatandang kapatid ni Lolo Saturnino na aking Lolo." paliwanag niya.

"Sumunod ka sa akin at ipapakilala ko sayo ang pamilya ni Lolo Diego, Lolo Saturnino at ang pamilya ng ninuno natin." patuloy niya pa habang naglalakad papunta sa isang malaking lamesa na napapatungan ng mga libro at iba pang bagay na naroon.

Nakatayo na kami sa tapat ng isang malaking lamesa. Hinawakan at ginalaw ni Lolo Dionisio ang isang lumang globo na naroon dahilan upang umikot ang bilog ng lumang globo na iyon. Mayamaya ay dahan-dahang lumulubog ang sahig na kinatatayuan namin at ng malaking lamesa. Napatingin ako kay Lolo Dionisio dahil sa gulat. Napatingin din siya sa akin. Marahil ay batid niya ang aking naging reaksyon.

"Wag kang matakot apo." wika niya habang tinatapik ng marahan ang aking balikat upang kahit papano ay mapakalma ako at mawala ang aking kaba.

Dahan-dahang iyong bumababa hanggang sa marating namin ang isa pang malaking kwarto na punong puno din ng mga iba't ibang libro. Namangha ako sa laki at dami ng mga libro na naroon. Mas malaki pa ito sa aklatan na nasa itaas kanina.

"Sumunod ka sa akin apo." wika ni Lolo Dionisio habang diretsong nag-lalakad sa pasilyo ng aklatan na iyon.

Sumunod na lamang ako sa kanya. Ilang minuto ay narating namin ang pinto ng isang kwarto. Pumasok kami sa kwarto na iyon, May mga libro ngunit hindi iyon ganun kadami. ito ay isang lihim na opisina ngunit hindi iyon ang naka-agaw ng aking pansin kundi ang malaking larawan ng isang masayang pamilya na nasa anim na miyembro na nakapinta at nakasabit sa dingding sa loob ng kwartong iyon.

Tinawag ako ng aking Lolo Dionisio upang ipakita sa akin ang nakapintang larawan na nasa kanyang harapan ngayon. Lumapit ako doon upang pagmasdan ng malapitan ang larawang iyon. Nang makalapit ako ay muli siyang nagsalita.

"Sila ang ating mga ninuno apo. Ang pamilya nila Lolo Diego at Lolo Sarurnino, Ang Pamilya Cepeda." pagpapakilala sa akin ni Lolo Dionisio habang nakangiti at nakatingin sa malaking painting na iyon.

Napangiti na lamang ako at pinagmasdan din ang larawang iyon. Namangha ako dahil nakikita ko ngayon sa aking harapan ang pamilya ng aming mga ninuno kahit pa nasa isang lumang painting na lamang sila. Sa aking pagmamasid ay nakita ko sa ibabang bahagi ang nakasulat na pangalan at taon. Marahil ito ang pangalan ng nagpinta at taon kung kailan iyon ipininta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unfading LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon