KABANATA II

24 1 0
                                    

"Sana nasa maayos siyang kalagayan. Nais kong magkita kaming muli."

NAIBULONG ko na lamang sa aking sarili habang nakaupo at tinatapos ang aking mga project sa aking study table na nakaharap sa isang malaking bintana. Tinatanaw ko ang madilim ngunit maaliwalas na kalangitan dahil sa mga bituin.

Last Day of Classes na ngunit kailangan ko pa ring pumasok para ihabol ang mga project na kailangan kong ipasa bago ang bakasyon.

Naabutan ko sa unang palapag ng aming bahay sila Mama, Papa at ang aking bunsong kapatid na si Dana na kumakain ng agahan. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at dire-diretsong pumunta sa pintuan.

Nasa edad apatnapu't pitong taong gulang na ang aking Papa at ang aking Mama naman ay nasa apatnapu't anim taong gulang na.

"Dexter, Anak? Hindi ka ba kakain ng agahan?" magkasabay na tanong at lingon sa akin nila Mama at Papa habang tahimik na kumakain ang aking bunsong kapatid.

"Hindi na po. Nagmamadali na din po kasi ako. May mga kailangan pa po akong ipasa na mga project ngayon." sagot ko habang kumakamot ng aking ulo.

"Sige Anak, Dalhin mo na lamang itong sandwich na inihanda ko para sayo at para may makain ka man lang sa byahe at hindi ka nalilipasan ng gutom. Magiging Doktor ka pa naman pero hindi mo inaalagaan ang iyong sarili." sermon sa akin ni Mama habang nakangiti at pabiro pa akong kinurot sa aking tagiliran.

"Pa? Alis na po ako. Dana? Wag ka masyadong magpapasaway kay Mama para may Chocolate ka sa akin mamaya." paalam ko habang kinukuha ko ang sandwich na iniabot sa akin ni Mama.

Tumango at nagsalita naman si Papa.

"Ipasa mo na ang mga dapat mong ipasa sapagkat bukas ay pupunta tayo sa Lolo niyo. Doon muna kayo sa inyong Lolo Dionisio habang bakasyon at wala pang klase, Doon na din natin icecelebrate ang iyong 21st Birthday."

"Opo Pa, Ipapasa ko po lahat ngayon." sagot ko. Tumakbo papalapit sa akin ang aking bunsong kapatid na si Dana na nasa edad pitong taong gulang at nagsalita.

"Opo Kuya, Hindi po ako mag-papasaway Promise!" sabay taas ng kanang kamay niya upang ipakita sa akin na maniwala ako.

"Naniniwala naman ako sayo Dana." ngiti ko sabay kurot sa matabang pisngi niya at niyakap siya

"Sige na po, Alis na po ako."  paalam ko ulit sa kanila.

"Mag-iingat ka Anak." paalam sa akin ni Mama matapos akong yakapin.

Paalis na ako ng bahay ng biglang tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.

"Ano na Dex? Wala ka bang balak pumasok ngayon? Hindi ka na ba papasok ngayon dahil last day of classes na? Anong oras na kaya!" sagot ni Alfred na nasa kabilang linya.

"Oo papasok ako. May mga dapat pa akong ipasa na mga project dahil bukas doon muna kami kanila Lolo habang bakasyon. Sige magkita na lang tayo diyan dahil pasakay na ako." sagot ko habang mabilis na naglalakad patungo sa sakayan.

"Sige Dex, Ingat! Hihintayin na lang kita. Sabay na tayong pumasok sa klase natin" tumawa na lamang siya at nagpaalam.

Sumakay na ako sa Bus papunta sa University na aking pinapasukan. Naupo na ako sa bakanteng upuan na nasa bandang likuran ng Bus at isinuot sa aking dalawang tenga ang headset at nakinig na lamang ng mga kanta.

Pagkadating ko sa University ay nakita ko agad ang aking kaibigan at kababata na si Alfred.

"Ang tagal mo naman Dex! Late na tayo ng one minute sa first class natin. Sana wala pa si Prof. Baltazar doon." sabi niya habang hinahawi ang kanyang buhok.

Unfading LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon