December 15, 2018

2 1 0
                                    

A character hurts their hand.

* * *

Magdamag na gising si Charles, hinanap niya ang presensya ni Dolores ngunit kahit anong kanyang gawin ay mayroong humaharang para matagpuan iyon. Iisang dahilan lamang ang kanyang naiisip, magkasama silang dalawa ni Laurence.

Kinuyom niya ang kamao, sa ginawa ay sinalakay siya ng mumunting kirot. Napangiwi siya at pinakawalan ang nadaramang galit sa isang buntong-hininga. Kailangan niyang maging mahinahon kundi baka magwala na naman siya. Mabuti na lang ay mga galos at pilay lamang ang kanyang natamo hindi baling buto.

Author's Note: This is supposed to be December 13 prompt kaso hindi ko nagawa dahil puyat kababantay sa may-sakit. Hindi ko rin nagawa kahapon dahil inaatake na naman ng katamaran. T_T

Mga Walang Kwentang Kwento Ni boredom_slayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon