Guhit Panaginip

90 4 0
                                    

Ang saya ng mga bata tanaw ko sa aking silid. Ang mga ngiting abot langit. Ang mga tuwang kay bukod tangi.

Nasanay ganyan rin ako kabuo, 'Buo ang Pagkatao'.

Na may mga paa na hahabol sa aking mga kalaro, kalarong sanay meron rin ako.

Pinanganak akong lumpo, mahirap at hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Hindi ko ikinahihiya na may kapansanan ako, pero ang hindi ko lang alam kung bakit ayaw sa akin ng mga tao.

Tukso, sumbat at sangkatutak na mga masasakit na salita tuwing papasok akong nakasaklay na sumasaklolo sa aking isang paa.

Pitong gulang na lalaki, pitong gulang na sa aking isipan, ako'y isang pabigat, walang kwenta, walang mapapatunguhan at higit sa lahat walang bilang.

Araw-araw akong kumukulong sa aking silid, ni minsan ay hindi na naisipang lumabas ng bahay dahil sa mga taong walang ginawa kundi ang bumitaw ng mga masasakit na salita.

Na sana'y isang araw sa aking paggising ay makakita rin ako ng diwata at hihiling tulad ng mga sa 'fairytale stories' na aking nababasa. Pero sobrang labo, sobrang labong maging perpekto sa paningin ng ibang tao.

Nang imulat ko ang aking mga mata, isang lapis, papel at krayola ang aking nakita.

Hindi ko lang alintana kung paano ako nagkaroon ng isang lapis na pawang diyamante na kumikinang kinang tuwing nasisinagan ng araw.

Ng aking lapitan, sobra akong namangha dahil sa dala nitong awra.

Napahawak sa papel, lapis at krayola. Sinimulang gumuhit ng prutas, isang ubas. Kinulayan ng marahan at sa isang iglap hindi ko akalaing ang ubas na aking ginuhit ay biglang naging totoo. Isang pung-pong na ubas sa aking harapan na agad kong tinikman, nilasap ang bawat katas na sa buong buhay ko'y ngayon ko lang natikman. Na ang dating nakikita ko lang sa mga aleng nagtitinda sa palengke, ay nasa akin ng mga kamay.

Namangha ako sa mahikang dala ang mga bagay na'to. Kaya agad akong nag-isip ng iba pang bagay na maaari kong iguhit. Napaisip ako, paano kaya kung guguhit ako ng bagay na makatutulong sa akin makatayo ng walang anumang saklay.

Paano kung guguhit ako ng paa na aalalay sa akin?

Paano kung maging totoo rin tulad ng ubas?

Siguro ay tatanggapin na ako ng mga tao. Siguro ituturing na nila akong isang kaibigan, bilang kapwa.

Sana maging totoo.

Kinuha ko ang lapis at papel, sinubukan kong nilagay ang aking lumpong paa sa papel at sinimulang ikumpuni ang kulang, ang kulang sa paningin ng iba.

Inihubog ko ang nais ko, kinulayan at ipinikit ng mariin ang aking mga mata na sana'y maging matagumpay tulad ng nauna.

Sa aking pagmulat ay agad akong nakaramdam ng isang bagay na nakapatong sa aking lumpong paa. Napatulala ako sa aking nasaksihan. Hindi ko akalaing maging totoo, totoong nagka-paa ako. Ang paang kinakabit na kadalasan ko lang nakikita sa telebisyon, pero ngayon ay hawak-hawak ko na.

Siguro tanggap na ako ng mga tao, siguro may bilang na ako.

Tumayo ako at hindi ko akalaing nagawa ko. Nagawa ko nang makatayo ng walang anumang saklay at alalay.

Hindi ko maiwasang mapangiti at mapasabi ng "Salamat Panginoon, salamat sa mga bagay na ito, salamat, salamat, maraming salamat!"

Nagsimula akong maglakad tungo sa labas ng bahay dala-dala ang lapis, papel at krayola.

Sa aking paglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti ng matanaw ang daang pinalilibutan ng magagandang tanawin. Batid sa mukha ko ang tuwa at saya na sa gayon ay nagawa ko na ang isang bagay na gusto kong maranasan. Maranasan ang maglakad sa daan ng walang iniindang suliranin.

Tuloy ang aking paglakad ng mahagilap ng aking mga mata ang isang batang babae na umiiyak sa parke. Mukhang siya ang may-ari ng dilaw na lobo na palutang-lutang sa bughaw na kalangitan.

Pinuntahan ko siya at tinanong kung anong problema. At hindi ako nagkamali sa aking hinala. Siya nga ang may-ari ng lobong hindi sinasadyang nabitawan niya na naging dahilan ng paghikbi niya.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa bagkus ay inilabas ko ang lapis at papel, iginuhit siya ng napakaraming lobo na may ibat-ibang hugis at kinulayan ng mga matitingkad na kulay.

Naging totoo na kaagad kong inilahad sa kanya na hindi makapaniwala sa nasaksihan. Kinuha naman niya makalipas ng ilang minutong tulalang nakatanaw sa papel na hawak ko. Papel na nagbigay buhay sa lobong handog ko sa kanya.

Lubos ang pasasalamat niya bago tuluyang tuwang-tuwa naglakad palayo.

Napangiti ako ng mapagtantong hindi lang ako ang natulungan at napasaya ng mga bagay na to'. Kundi pati na rin ang mga tao sa paligid ko.

Marami-rami na rin akong taong natulungan sa ilang oras kong paglilibot. Hindi rin ako makapaniwalang may mga kaibigan na ako at tanggap na tanggap dahil siguro naging kompleto na ako. Kompleto ang paa at naging galak na buo na aking pagkatao.

Sa di kalayuan, sa aking paglalakad pa-uwi, sa sulok ng parke ay nakakita ako ng isang batang palaboy na lalaki na halos nanghihina na. Dahil na rin siguro sa init ng panahon at kakulangan sa makakain at maiinom.

Gumuhit ako ng napakaraming klase ng pagkain, ibat-ibang uri ng maiinom at tulad ng inaasahan ko ay naging totoo.

At sa oras ng matapos ko ay akma na siyang paalis sa parke at subok tumawid sa kabilang kalye.

Agad ko siyang hinabol para ibigay sa kanya ang mga pagkaing inihanda ko.

Sa aking paghabol hindi ko alintana ang pagtapak ko sa gitna ng kalsada at ang papalapit na sasakyan.

Napasigaw ako ng ilang metro nalang ang layo nito bago ako tuluyang mahagip kasabay ng paghulog ko sa aking higaan at pagbukas ng pinto ng aking silid na lumuwa sa aking ina.

Inusisa ko ang aking sarili kung may mga galos at sugat ako bunga ng aksidente. Tinignan ko ang aking paa kung naging buo. Pero wala. Walang pinagbago.

Hindi ko akalaing panaginip lang pala lahat-lahat.

Panaginip lang ang pagkakaroon ko ng paa.

Panaginip lang ang patanggap sa akin ng mga tao.

Panaginip lang na nagkaroon ako ng mga kaibigan.

Panaginip lang pala.

Sana naging totoo nalang.

Pero di bale na. Naranasan ko rin namang maging masaya at buo.

Naranasan ko ang tanggapin ng kapwa ko tao.

Naranasan ko ang maging isa sa kanila ng walang halong pangamba at takot na iniinda.Na kahit sa panaginip man lang.

Marami rin ang mga gusto kong gawin na nagawa ko. Kaya ayos na yon. At kontento na ako don'.

Nasilayan ko ang aking ina na nakatulala sa tabi, kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-alala at pagkataka kung anong nangyari. Kung bakit narito ako sa sahig nakabulagta at hindi mapakali.

Ginulat ko siya ng isang napakahigpit na yakap ng akma na sana niya akong alalayan patayo.

May inilabas siya mula sa kanyang likuran isang puting plastik na naglalaman ng lapis, papel at krayola.

Sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Sa regalo na kanyang dala. Pati na rin ang walang sawang pagmamahal at suporta.

Kinuha ko ito at nagsimulang gumuhit. Gumuhit ng gumuhit hanggang sa matutong magpinta. Nagpinta nang nagpinta. Ibinenta at nagkapera na kahit hindi nagiging totoo tulad ng aking panaginip ay nagkaroon ako ng paa na aking pangarap sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

The Book of ConsoleWhere stories live. Discover now