1# - Gising Kaibigan

76 5 0
                                    

"If I cease searching, then the woe is me, I am lost. That is how I look at it - keep going, keep going come what may."

~Vincent Van Gogh

The quotation speaks it all. Sa una gusto ng batang bida sa istoryang 'Guhit Panaginip' ang tanggapin siya ng mga tao. Na kahit ituring lang siya ng mga ito na isa sa kanila. Na hindi siya iba kahit na may kapansanan siya. Na may bilang rin siya sa mundong tinatayuan niya. Yan lang rin naman ang nais niya simula't sapul ng isilang siya. Na kahit may kakulangan sa parte ng kanyang katawan ay mararamdaman niyang buo siya sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanya ng mga taong nakakasalamuha niya.

Bakit kaya hindi siya tanggap ng mga ito? Bagkus sa simula ay hindi niya kasalanang ipanganak na lumpo.

Bakit ang sakit-sakit ng kanilang mga binibitawang salita? Ni wala rin naman siyang nagawang masama.

Bakit napaka damot nila? Tanging pagtanggap lang naman ang hinihiling nito.

Yan ang mga tanong na gusto niyang mabigyan ng konkretong kasagutan. Mga tanong na gustong-gusto niya itanong sa mga taong minamaliit ang pagkatao niya.

Pero isang panaginip lang ang nagpabago sa lahat. Panaginip na nagbigay liwanag sa kaniyang mga tanong.

Panaginip na nagpaiba ng kanyang mga pananaw sa buhay.

Matapos ang panaginip na yon ay nagsimula siyang kalimutan ang pagtanggap na hinahangad niya. Dahil napagtanto niyang hindi niya ito maaabot kung hanggang pangarap lamang ang lahat. At isa pa lalo lamang siyang masasaktan kung ipipilit niya ang sarili niya sa mga taong ayaw naman sa kanya. Na lalong maliligaw ang landas na tinatahak niya kung mananatili siyang nakatali sa bagay na gusto niyang mangyari.

Kaya iniba niya ang pananaw niya at nagsimulang gumawa ng hakbang para sa hangarin niya.

Ginamit niya ang talento sa pagguhit at pagpinta hanggang sa kumita siya at nakilala.

Tulad ng nasa panaginip niya ay binili niya ang bagay na nasa isip niyang bubuo sa pagkatao niya.

Ilang hakbang at unti-unti na rin siyang natanggap ng mga tao, hindi dahil sa kakulangan niya kundi sa talento at pagsilbing inspirasyon sa kapwa. Lalong-lalo na sa may mga kapansanan. Ibinahagi niya ang talento at mga pinagdaanan niya para bigyan ng kumpyinsa ang mga katulad niya na sa umpisa ay nalugmok sa mga kutya.

Kaya palagi niyang sinasabi na "Patuloy lang, patuloy lang tayo sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kung ano mang darating ay siyang ating kumkumin, masama man o mabuti. Dahil alam nating lahat, na hindi ito basta-basta darating ng wala lang. Ibinigay sa atin ito ng Diyos dahil alam niyang kaya natin ito at malalampasan natin ng may mga ngiti sa ating mga labi dahil sa naidulot nitong mabuti sa ating pagkatao. Ang humubog ng ating sarili at nagdala sa matatag at matapang na tayo. Tuloy lang! Walang susuko! Walang bibitaw! Hanggang sa makamit ang tunay na kasiyahan."

Kaya wag tayo basta-basta mawalan ng pag-asa. 'Tuloy lang' tulad ng sabi niya dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang hamon sa buhay. Hamon na alam nating malalampasan at malalampasan rin natin. Kung hindi man ngayon. Malay mo mamaya, bukas o di kaya'y bukas makalawa. Na sa isang iglap ay masasabi mong kinaya ko at nagawa ko! Kaya kapit lang!

Laban!

Tuloy lang!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Book of ConsoleWhere stories live. Discover now