Xyrille Philyn's POV
Nag alinlangang ngumiti si mommy at sumulyap pa kay Tito John kaya bumaling din ako rito.
"Is it okay with you tito?" - i asked politely.
"Yes, of course! I still respect your father." - nakangiti at sinserong sabi niya. Kaya napangiti ako ng malawak at di ko mapigilang yakapin siya.
"Thank you so much tito. Thank you for understanding." - natatouch talagang sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap.
"No problem ija. Sige na, hinihintay niya kayo." - sabi ni tito na tinutukoy si daddy. Nagpasalamat lang muli ako at tsaka niyaya si Mommy pero napahinto ako dahil pagtalikod namin ay
"Xyrille"
"Ate xyxy"Ngumiti ako ng nagpakatamis tamis at agad tumakbo sakanila't yumakap.
"Omg mang tomenggg!"
"Congrats 'nak, tiyak kong ipagmamalaki ka talaga ng husto ng magulang mo."
"Salamat poo!" - sabi ko at bumaling naman ako kay Nina na bahagya pang nakatingala sakin. Niyakap ko rin siya.
"Congrats ate xyxy! Balita ko ho ay mataas ang nakuha mong grado at... hmm? Ano nga hong tawag don?"
"HAHAHAH salamat Nina, Suma cum laude ako."
"Opo ayon nga po! Hehehe" - kiniss ko naman ang pisngi niya at nag usap usap pa kami kung pano sila napunta rito. Nagcommute raw sila. Pupunta muna kami ni mommy kay daddy bago kami kumain sa Restaurant para mag celebrate kaya pinasama ko muna sila Mang Tomeng kila Lance na uuwi muna ng condo ganon din sila Rei na sa condo ko ang tuloy dahil kasama rin ang fam niya mamaya.
"Let's go mom" - sabi ko at niyakap ang braso niya tsaka kami sumakay sa kotse ko, dala ko kasi ang sarili kong kotse pero si Ken ang nagdrive non kanina.
"Who are they?" - for sure sila Mang Tomeng ang tinutukoy niya. Minaubra ko muna ang sasakyan bago ko siya sinagot.
Kinwento ko sakanya kung pano ko nakilala si Mang Tomeng, lahat kinwento ko.
"Omg Honey, sana pala sinabi mo agad sakin nang makatulong din ako."
"E Mom parang ikaw na rin ang tumulong sakanila e dahil po ang allowance ko ay nanggaling sayo."
Nangmakarating kami sa Heritage ay bumaba agad kami ni Mommy, di na ko nakatoga dahil ang init sa Pinas!
I started to walk on my dad's tombstone while my mom is still walking slowly! Para pa siyang naiilang.
"Mom! Come here!" - sigaw ko sakanya dahil malayo pa talaga siya sakin. Medyo binilisan niya naman ang lakad niya tsaka naupo sa tabi ko.
"Hi daddyyy! Kasama ko po si mommy hehe! Miss niyo ba ang isa't isa? Yieeee! Muling ibalikkkkk! Ang tamissss! Ng pag-ibiggg! HAHAHAHA joke lang." - bahagya pa kong hinampas ni mommy na natatawa tawa pa.
"So ayon dad! Graduate na ang anak mo hehehehe! Sinugurado ko talagang magiging proud kayo sakin ni mommy. Dad i graduated as suma cum laude." - nakangiti kong banggit.
"I know you are also proud to our daughter right?" - biglang tanong ni mommy kaya napangiti ako.
Medyo nagtagal din kami ni Mommy don at natutuwa ako dahil kinakausap niya rin si daddy.