Identity 1

13 3 5
                                    

"Dwy, hanggang anong oras pasok mo?" Tanong ko sa bestfriend ko.

"2pm yata, di ko sure. Bakit?"

"Punta tayong bookstore mamayang hapon tapos ng klase mo" sabi ko sakanya habang nagsisintas ng sapatos

"Bakit tapos nang klase ko? Anong oras ba uwi mo?" Tanong niya saakin habang inaayos ang buhok niya

"11:30" sabi ko sakanya saka tumayo para kunin na ang bag ko

"Luhh ba't hanggang 11:30 kalang? siguro magcu-cut ka nanaman ng klase mo no?" Bintang niya saakin kaya binato ko siya ng unan na napulot ko sa sofa

"Gaga, kahit gaano ako ka basag ulo di ako nag cutting no. Dalawa lang subject ko mamaya kaya hanggang 11:30 lang ako. Maka bintang ka naman, ikaw ang mahilig mag cutting saating dalawa" sabi ko sakanya sabay labas na ng apartment.

Magkasama kaming dalawa ni dwy sa apartment. Iwan ko ba d'yan at bakit sumama pa saakin yan. Dwy yamashita ang full name niya. Half-japanese and half-filipino siya. Mayaman yang bruha na yan, iwan ko ba bakit mas pinili niyang maghirap kasama ako kumpara sa sumama sa mga magulang niya sa japan.

Fourth year college na kami ni dwy. Bs accountancy ang kinuha ko samantalang architecture naman ang kay dwy.

"Alam mo lerrie, may gusto talaga akong itanong sa'yo" tanong ni dwy saakin habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep.

"alam ko na itatanong mo" sagot ko sakanya

"Oh? Alam mo na? Sige nga ano yung itatanong ko?" panghahamon niya saakin

"Itatanong mo nanaman kung wala ba akong balak hanapin ang mga magulang ko" sabi ko sakanya sabay sakay sa tumigil na jeep.

"Luhh, pano mo nalaman yun?" takang tanong niya saakin

"Dzuhh, ilang beses mo nang itinanong saakin yan" sabi ko sakanya

"Ah, naitanong ko na ba yan? Ba't nakalimutan ko?" Tanong niya. Di ko alam kung saakin niya ba tinanong yun o sa sarili niya

"Tanong mo sa utak mo. Ay teka...wala ka palang utak" sabi ko sabay tawa kaya naka tanggap ako ng sapok sa kanya "aray naman! Maka sapok ka parang wala ng bukas ah?" Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko

"Grabi ka naman sa walang utak. Meron akong utak no...di ko lang ginagamit hahaha" sabi niya kaya natawa nalang din ako

Magkasundo talaga kami ni dwy. Madalas kaming mag-asaran pero ni minsan ay di kami nagka pikonang dalawa. Siya lang ang meron ako ngayon kaya di ko hinahayaang magkatampuhan kami kasi natatakot akong pati siya mawala saakin.

Di ko alam kung nasaan ang mga magulang ko o kung buhay pa ba sila. Lumaki akong nag-iisa kaya kung sino mang tao ang dumating sa buhay ko, iniingatan ko kasi natatakot akong baka mawala.

Oo, di ako takot sa mga taong palaging nang-aapi  o palaging nanghuhusga saakin kasi alam kong kaya kong lumaban. Pero takot akong maiwan nang mga taong malalapit saakin.

Maraming taong tumatawag saakin ng basagulera, maldita, at kung ano-ano pa dahil madalas daw akong napapa-away. Ang hindi nila alam ay pinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko. Di ko hahayaang api-apihin nalang ako ng ganun ganun lang.

Nakarating na kami sa university ni dwy. Kaya nag paalam na ako sakanya

"Magkita nalang tayo mamaya sa gate pagkatapos ng klase mo" sabi ko sakanya

"Akala ko ba hanggang 11:30 lang pasok mo? So hihintayin mo ako ng dalawang oras sa gate?" Tanong niya kaya natawa ako

"Tuleg! Syempre tatambay muna ako sa library. Swerte mo naman kung maghihintay ako sa gate ng dalawang oras no" sabi ko sabay alis na kasi magsisimula ang ang klase ko.

Mistaken Identity (Under Revision)Where stories live. Discover now