Tapos na ang klase ko. Pagkatapos nang away kanina sa pagitan namin ni zhenry, marami nang nagalit saakin, lalong lalo na ang mga babae sa university na may gusto sa gunggung na'yon. Student council president daw ako, sana raw di ko ginawa yun kasi ako raw mismo ang lumabag sa patakaran na bawal ang manakit ng kapwa studyante.
Eh gago pala sila eh. Ano gusto nilang gawin ko? Ang hayaan yung hinayupak na yun na lapastanganin ako? Anong akala niya, porket hearthrob siya dito sa buong university at captain pa ng volleyball varsity men eh hindi ko na papatulan? Asa siya.
Andito ako ngayon sa library at nagpapalipas nang oras. Di ko kasama si jaxon ngayon kasi dun siya kela zhenry sumama.
Habang naghahanap ako nang libro ay may biglang kumalabit saakin mula sa likuran, pero paglingon ko ay wala naman. Nagpatuloy ako sa pamimili nang libro pero nakikiramdam ako.
May naglalakad sa likod ko, sigurado ako ron. Habang namimili ako nang libro ay nagulat ako sa bumungad saakin sa kabilang shelves nang mga libro.
"Ano ba!? Ba't nanggugulat ka!? Akala ko 2pm pa labas mo? Ba't andito ka?" Tanong ko kay dwy pero tumawa lang siya nang tumawa.
"Ikaw ha? Ano yung naririnig kong balita na 'student council president...nanapak at nanadyak nang kapwa studyante'? Ano yun ha? Sino nanamang malas na studyante ang nakatikim nang suntok mo?wag mong sabihing si zhen nanaman?" Mahabang sabi niya kaya tumango ako "anak ka talaga ng teteng,oo. Bakit ba ang init-init nang dugo mo kay zhenry ha?" Tanong niya saakin
"Una sa lahat, dahil mayabang siya. Pangalawa, dahil hambog siya. Pangatlo, akala mo kung sino siyang gwapo na akala niya lahat magkakagusto sa kanya. Pang apat, babaero. Pang lima, nanggigigil akong sapakin siya pag nakikita ko siya. At marami pang iba!" Sabi ko dwy pero nang tignan ko siya ay nakanganga lang siya habang nakatingin saakin
"Tinanong ko lang naman kung bakit mainit ang dugo mo sakanya, binigyan mo na ata ako ng listahan ng pagkainis mo sa kanya" sabi niya kaya natawa ako
"Ayy teka lang, tapos na ba ang klase mo?" Tanong ko sakanya at tumango lang siya "tara, alis na tayo" sabi ko sakanya sabay kuha na nang gamit ko at labas na sa library
"Ano bang bibilhin mo sa bookstore?" Tanong niya kaya napahinto ako
"Baka bibili ako ng sapatos? Bookstore nga eh, malamang libro bibilhin ko. Hampas ko kaya sayo itong librong hawak ko, para magkalaman naman yang utak mo, gusto mo?" Sabi ko sakanya sabay pakita nang librong hawak ko pero tumakbo na siya palayo saakin "abnoy" sabi ko nalang bago sumunod sakanya
Nakarating kami na kami sa mall pero parang tanga parin si dwy kasi talagang lumayo siya saakin at ayaw nang lumapit kahit wala na akong hawak na libro
"Hoy, babaeng hapon. Para kang baliw" sabi ko sakanya kasi tawa parin siya ng tawa at ang layo niya saakin. Mabuti di pinagkamalang baliw to
Nag-ikot ikot muna kami ni dwy bago kami pumuntang bookstore. Nakarating na kami sa bookstore ni dwy kaya pumunta kaagad ako sa mga shelves ng mga librong gusto kong bilhin
"Akala ko naman kung anong bibilhin mo! Watttpad books lang naman pala!!" Pagtataray ni dwy kaya nginisihan ko nalang siya
Pagkatapos kung kumuha ng mga librong kailangan ko at ng mga librong libangan ko ay pumunta na kaagad ako sa cashier para mag bayad.
Kukunin ko na sana ang wallet ko pagkatapos kung malaman kung ilan ang babayaran ko ngunit natigil ako dahil may nag-abot ng bayad sa cashier, tinignan ko naman kung sino yun at agad kumunot ang noo ko.
"Kaya kung bayaran ang binili ko" walang emosyong sabi ko kay zhenry
"Alam ko, gusto ko lang bayaran. Bakit angal ka?" Nakangising sabi niya kaya inirapan ko nalang siya kaya humalakhak siya
"Sagutin mo na kasi ako para araw-araw kang may ayudang libro galing saakin" sabi niya pa pero di ko siya pinansin at kinuha nalang ang mga pinamili ko at hinanap si dwy pero nasa labas na pala siya
"Ayuda? Anong tingin mo saakin? Libro kapalit ng sagot ko? Kung yan lang pala ang habol ko, edi sana sinagot ko na yung manliligaw kung may-ari ng bookstore" sabi ko sakanya sabay labas ng bookstore pero sumunod parin siya saakin.
"Grabe naman 'to" patuloy lang siya siya sa pag sunod saakin kaya pinagtitinginan na kami kasi para siyang bata na nakanguso kasi di binilhan ng laruan.
Nagulat ako kasi may biglang humalik saakin sa cheeks kaya automatiko kong nahambalos sa kanya ang dala kong mga libro. At ng lingunin ko kung sino ang tarantadong humalik saakin at natulala ako sa nakita ko
Nakita ko sa sahig si zhenry na walang malay at namumula ang noo.
S-siya ang h-humalik sa pisnge k-ko?
Napatingin ako sa paligid kasi pinagbubulungan na kami. Hinanap ko si dwy at nakita ko siyang tulala sa gilid ng isang fastfood at nanlalaki pa ang mata habang nakatingin sa walang malay na si zhenry
"Hala! Grabe naman siya! Pag niya pinalo yung boyfriend niya eh hinalikan lang naman siya"
"Kawawa naman yung guy, gwapo pa naman"
"Ayy, amasona ang ate, hahaha"
"Tulungan natin yung lalaki"
Sari- saring bulungan na ang naririnig ko kaya napatingin ako kay zhenry na wala paring malay
Anong ginawa ko? Anong gagawin ko? Ba't niya kasi ako hinalikan! Yan tuloy na pala niya. Sabi ko sa isip ko habang nag-iisip kung anong gagawin ko
Anong gagawin ko sa lalaking to? Di ko alam gagawin ko. Arghhh, kahit kailan pahamak ka talagang lalaki ka!!
Nagulat nalang ako sa biglang sumigaw
"Dumudugo yung ulo niya!!"
"Halaa!! Tulungan natin"
Tinignan ko kung totoo, at totoo nga!! Dumudugo yung ulo niya. Namutla ako at di ko alam ang gagawin ko
A/N: wahhhhh. Sana nagustuhan niyoo. I'll really do appreciate your support, vote and comment if you like my story
Short update muna tayo mga ka precious
-patay, nabagok ang lolo niyo ahahahaha. Ano kayang mangyayari pag nagising ang lolo niyo? Abangan ang susunod na kabanata ahahaha
Lets continue...
YOU ARE READING
Mistaken Identity (Under Revision)
UmorismoIsang palaban na may mataas na tungkuling ginagampanan. Napakaamo ng mukha,pero di mo magugustuhang alamin ang tunay ginagampanan niya sa isang mundong walang ibang nakakakilala sa kanya dahil sa suot na maskara. Ngunit may isang taong iibig sa kan...