Chapter 3

6 2 0
                                    

So yon usapan namin na sa bar nalang dun sa BGC kami mag kikita-kita. Nakapagpareserve na din naman kami e kasi kakilala namin yung may ari nun kaya less hassle na. Buti nalang ang aga ng dismissal namin at naka alis din ako agad kasi baka maabutan ako ng traffic.

I want sana to bring my car nakatengga lang kasi bukod pwede naming walking distance yung school, pagkailangan ko lang talaga or emergency ko siya ginagamit.

And I know na magiging wasted ako mamaya kaya mag bobook nalang ako ng grab or makikisabay o bahala na si batman.

From: bb neal

"Sakin kana sumabay umuwi ha, naghanda na ako ng sukahan mo dito sa kotse ko HAHAHAHA"

Grabe ang harsh nito talaga saken parang di kaibigan ahh.

To: bb neal

"kaibigan ba talaga kita ha? Pero thanks! Labyuuu!"

Ang alam sa family namin na occasionally lang ako nainom pero if they found out naman nila to di sila magagalit basta lang daw alam ko ang limitations ko sa mga bagay like duh Im 19 for petes sake

I dont know pero parang pang patanggal ng stress saken to. Yung alcoholic tolerance ko naman is average so yeah kinda under control naman ako

I finally arrived tapos sakto na kakarating lang den ni Neal

"Hey bitch! I missed you!!!" si Neal

"Wow ang plastik mo talaga parang kanina lang sa text grabe yung insult mo saken" I said then rolled my eyes

"Basta bitch you know how much I love you. Puro ka irap mamaya baka di na bumalik yung mata mo sa normal sige ka" si Neal habang umakbay saken habang papasok na kami sa loob.

"Nami sabi nga pala nila sa GC mauna na daw tayo pumasok sa loob, si DJ may dadaanan muna daw bago pumunta dito"

"Uhm ok baby" pang aasar ko sakanya pero its normal for us naman na magtawagan nun e

Nakapasok na kami and ang dami na agad tao, maybe because its Friday as usual. Naglalakad na kami on our way sa pinareserve namin na lounge. We always do that lalo na more on girls kami na magkakasama, Neal is not enough to take care of just in case.

Wala kaming mga jowa na mag aalaga samin e, hays kelan kaya or sino kaya unang makapagsasama ng jowa in the future with us tapos mag pi- PDA lang sila sa harapan naming ganun jusko baka masakal ko lang sila charot

Bitter much lang sorry na agad kasi naman e ang sasaket kaya sa mata pag ganun

Nakarating na kami sa lounge namin and I sit muna habang na tingin sa paligid, si Neal naman daming binabati at marami din nabati sakanya. Ang famous talaga nito kahit saan, ang daming kakilala at kilala kala mo isang celebrity e

"Nami!!!!! Hello I missed you so much" si Ella sabay beso sakin at yumakap

"I missed you too hoyyyy! Blooming mo yata ngayon ah? Parang di ka naman stress sa engineering ah".

"Duh anong gusto mo mag muhka akong depress na pupunta dito sa bar? No way ghorl paano ako makakabingwit ng fafa niyan"

"Sabagay may point ka"

"Yeah I know. Hmm lets make a bet for tonight Nami, ano g ka ba?"

"Sige basta wag naman yung mga bagay na pagsisisihan natin afterwards ha"

"Jusko for sure basic lang to sayo to teh. Paunahan tayo magkaroon ng fafa ngayong gabi kung sino mauna magkaroon reretohan yung talo sa bet ng fafa within 1 week lang dapat may mairereto na"

"Jusko eto na naman tayo sa reto-reto na yan"

"Dali na Nami please!" si Ella habang nag papacute sakin

"Tss. Whatever oo na"

"Hello girls!" si Val at Lyka na kakarating lang

Tumayo naman ako para makipagbeso at makipag yakapan sakanila. I really miss this girls.

"Hi Val, Hi Lyka! Kamusta naman kayo ha?"

"Eto alaws pa ding nasasakyan na spaceship HAHAHAHA" si Val

"Siraulo ka talaga kahit kelan"

"Nagsasabi lang ako ng totoo hoyy, or kung tinatanong mo kung ok ba ako hell yeah syempre kasama ko na kayo e"

"Hay nako ako naman naistress ako sa mga bagay-bagay lately kaya deserve ko talaga tong gabi na to" si Lyka

"We all do I guess?" si Andrea

"Lunaaa! I missed you so much" ako sabay kumaripas ng lapit sakanya para yakapin

"Nasan si Neal?" tanong ni Luna

"Nanjan lang yan sa paligid, you know naman darling of the crowd yon"

"Yow mah girls! What did I miss?" si Daphne

"We are here na" si Neal

"Sinundo ko don sa may labas yan si DJ" pahabol pa ni Neal

"Since complete na tayo lets start na inom na inom na ako" sabi pa ni Lyka na parang uhaw na uhaw sa alak

"Sige arat na" sabi pa ni Val

Authors Note: Hello guys hope you all enjoy reading my work and thank you so much for the support, May God bless your life. LOL! (Lots of love)

Thru These Tears  (The Lany Playlist Series #1) {On-going}Where stories live. Discover now