[TGBLP Side Story] A Painful Game 2

877 24 3
                                    

Author's Note:

Hello guys! Ganito ang mangyayari ngayon lahat ng point of view sa stiry na ito ay kay Chandrea except when stated okay? Tinatamad na kasi akong maglahay ng Chever's POV diba? Nakakasawa na. Haha basta ganun kay Chandrea lahat ng POVs depende nalang kung nilagay kong kay ganito ang magiging POV. Sana wag kayong malito :)

Naandito na ako ngayon sa airport, ito na ang pinaka kinatatakutan kong araw, ang pinakakinamumuhian kong araw. Ang araw ng pag alis ko at tuluyan nang iiwan si Rence. Ako lang naman ang aalis ngayon dahil ang parents ko ay nauna na sakin last week pa.

"Buti walang pasok ngayon atleast may kasama ka naman dito diba at hindi ka nagmumukhang tanga dahil mag isa ka lang" napatingin agad ako sa kanya. Hindi ko inaasahang pupunta sya dito para ihatid ako "Za-zayne?! Naandito ka ba para ihatid ako?" Kahit papaano ay natuwa ako dahil naandito sya para naman samahan ako.

"Hindi, sino ka ba para ihatid ko? Si Chandrea ka lang naman" kahit kaylan tong lalaking to bwiset talaga. "Utang na loob Zayne last na pagkikita na natin to kaya ayusin mo naman yang ugali mo" inirapan ko sya. Nakakainis naman kasi talaga eh, well sanayan narin lang yan.

"Sige na dahil yan ang gusto mong isipin, isa pa kaawa ka naman talaga ikaw lang ang bukod tanging aalis na wala man lang maghahatid hanggang dito sa airport" sabi nya sakin at umupo sya sa tabi ng inuupuan ko.

"Anong oras ba ang flight mo?" Tanong nya naman sakin, tumingin muna ako sa wrist watch ko bago sya sagutin "Mga 9:30 am. I still have 30 minutes to stay here" ayoko naman talagang umalis. Una sa lahat dahil ayokong iwan si Rence. Pangalawa, bagsak ako sa sinasabi nilang socializing kaya mahihirapan na naman akong makisalamuha sa mga tisoy sa abroad.

"Tagal ko pa palang makikita ang pagmumukha mo. Pwedeng pakibilisan?" Tiningnan ko sya nga masama. Bakit ba ang gaspang ng ugali ng isang to?!
(-д'-)

"Alam mo, kung ayaw mong makita ang pagmumukha ko malaya ka na pong makakaalis hindi mo kaylangang damayan ako dito (¬д¬。)" Nakakainis naman kasi talaga, umasa kasi ako na kaya sya naandito ay para man lang magpaalam ng maayos dahil kaibigan ko sya kaya lang hindi yun ang nangyayari ngayon.

"Ikaw naman, haha bakit ba ang seryoso mo? Dahil wala dito si Rence para ihatid ka? Sus! Gusto mo hilahin ko papunta dito?" Kapag hindi sya nang iinis, nang aasar naman sya. Yung totoo hindi ko maipaliwanang yung ugali nya.

"No thanks, Alam ko namang ayaw nya akong makita" Totoo naman eh, since nakipagbreak ako sa kanya never na nya ulit akong kinausap. "So, any last word?" Tiningnan ko ng masama si Zayne at nginitian lang naman ako nitong gagong to.

"Ano ako mamamatay?! Pwede ba Zayne pakitantanan ak--"

"Ito naman ito na nga lang yung huling pang aasar ko sayo naiinis at napipikon ka pa. Mamimiss lang kasi kita" Hindi ko narinig yung huli nyang sinabi. Tinanong ko sya kung ano yun pero umiling sya at ayaw na nyang sabihin pa.

"Oy, mag iingat ko dun ha? Baka naman pagbalik mo dito buntis ka na. Aba, wag na wag mong ipagsasabing kaibigan mo ko dahil hindi kita kilala" napapikit nalang ako nang mariin sa sinabi nyang yun. Hindi ko nalang sya pinatulan dahil alam kong nanlalambing lang yan dahil nga aalis na ako.

Hindi na ako napikon dahil totoo yung sinabi nya, ito na ang huli. Matagal tagal pa bago ko ulit sya makasama at makita. Si Zayne, ang nag iisang taong inintindi ako dahil oldo boyfriend ko si Rence nung mga oras na yun may mga lihim akong si Zayne lang ang napagsasabihan ko.

Napangiti nalang ako bigla pero naglaho rin ito agad. Kahit naman gagong gago pagminsan tong si Zayne masasabi kong swerte ako dahil kaibigan ko sya. Naaalala ko tuloy lahat ng pikunan naming dalawa, somehow deep in my heart I can feel happiness.

Habang lumilipad ang isip ko nagsalita ang isang babae at tinawag ang flight ko "Flight ko na yun" tumayo ako at nagpaalam na kay Zayne. Naglakad ako papalayo pero bago ako tuluyang umalis tinawag ako ni Zayne.

"Chandrea!" Nilingon ko sya at nakita ko si Zayne na nakangiti "Wag ka nang babalik ha?" Tumawa tawa sya sa sinabi nya, napangiti nalang ako "Gago mo!" Natatawa kong sabi sa kanya bago tuluyang pumasok at umalis ng bansa.

Nang makarating ako sa destinasyon ko sobrang lamig kaya naisipan kong magsweater. Buti nalang talaga nakapagdala ako. Hayy, paano kaya ako makakapag adjust nito? Ibang iba sya kung ikukumpara mo sa Pilipinas.

Sinundo ako nila Mama sa airport, hindi ako masaya di bale sana kung bakasyon lang to diba? Pero hindi eh, hindi sya basta bakasyon matagal akong titira sa lugar na to.

"Mama, kaylan po tayo uuwi ng Pilipinas?" Yan agad ang unang tanong ko sa kanila. Hindi ko sila maintindihan eh. I mean pwede nila akong iwan sa Pilipinas pero bakit ngayon gusto nila akong isama dito?

"Anak kararating mo palang dito eh yan na agad ang tanong mo" sabi sakin ni Mama. Sumakay kami sa kotse at dumiretso na sa bahay namin dito "I want to go back" mahina kong sabi at hindi ko inaakalang maririnig nila yun.

"Chandrea, why don't you give it a try living here?" Hindi nalang ako sumagot dahil gusto ko nang matapos ang pag uusap naming to. Nakarating kami sa bahay namin dito pero I feel so lonely, malaki yung bahay at puno ng magagandang gamit but still I feel so empty. Empty because he's not with me, empty because my friend is not with me.

Ayoko na dito, pakiramdam ko hindi ako belong. Isa pa, hindi ako magaling sa pakikihalubilo sa tao kaya nga ako na-bully noon eh, hindi ako madaling magtiwala. Mabait man ang iba pero may mga baho parin yang tinatago.

"When we will come back?" Napatingin sila sakin. Nakain kami ngayon ng dinner pero hindi ako makakain. "Chandrea, I already told you just give it a try okay? Hindi ko parin alam kung hanggang kaylan tayo dito pero please bear with us" hindi nalang ako sumagot at umalis na.

Wala na akong ganang kumain, wala akong ganang mabuhay sa lugar na to. Nalulungkot ako kasi walang nakakaintindi sa sitwasyon ko.

They leave me for almost half of my life tapos ngayon bigla silang magpapakita sakin to drag me here? What kind of parents are they? Hindi man lang nila inaalam kung ano ba ang gusto at ayaw ko basta sila dapat ang masunod. Hindi ko sila sinagot or pinagtataasan ng boses dahil magulang ko sila but despite of being a good girl in their eyes I hate them.

Asking me why? Because I feel that somehow they are hiding something from me especially my Mom. Whenever I'm asking about my Tito's death she will be paranoid.

My Tito (My mother's older brother) died because of some sort of murder. I don't know who killed him but I think he murdered himself because he can't accept the fact that his wife was died.

I bounced myself on my bed and looked at the ceiling when something hits me. What the! Bakit ganun?! Bakit parang may nagsasabi sakin na accurate yung nangyari sa Tito ko at sa parents ni Zayne, bakit pakiramdam ko may connection. Nalilito kayo? Well ako din.

Pinatay ng isang lalaki yung doktor na nagpaanak sa asawa nya dahil akala nito pinabayaan ng mga doktor yung asawa nya kaya namatay.

Eh ganun yung sitwasyon dati ni Tito eh. Namatay si Tita dahil sa panganganak then sinisisi ni Tito yung mga doktor at paulit ulit na sinasabing maghihiganti daw sya. After that ang tagal namin syang hindi nakita then nalaman nalang naming isang araw na patay na sya.

Hindi kaya co-accident lang lahat o talagang may koneksyon yun? Ah nalilito ako at sumasakit din ang ulo ko sa pag iisip hindi naman siguro si Tito ang pumatay sa parents ni Zayne diba? Haha patawa naman, ang layong mangyari dahil si Tito natagpuang patay sa isang lugar malapit sa bahay nila hindi naman sa bahay nila Zayne.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Imposibleng si Tito ang pumatay sa magulang ni Zayne, imposible talaga. Hindi pwede yun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TGBLP Side Story: A Painful GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon