❤ October 21,2014

78 8 3
  • Dedicated kay Levino Morales
                                    

October 21,2014

                Gumagawa ako ng invitation para sa kaklase ko dahil debut niya.Nagpatulong ako kina Tita at sa mga pinsan ko kasi medyo rush na rin.Naisipan namin na gawin ito ng walang tulugan para matapos na.Lahat ay tumulong,may nang-gugupit,nagdidikit at kung ano pa ang pwedeng gawin.Mga ala-sais na nang dumating ka.Tumulong ka rin sa’min pero ang mas kinagulat ko nang hindi kapa umuuwi kahit oras na.Hinayaan kita kasi akala ko uuwi ka rin naman siguro maya-maya pero umabot na ng ala-una ng medaling araw ay nandoon ka pa rin.Lumipat kami ng mga pinsan ko sa kwarto kasi masyado ng maraming tao may sala.Sa kwarto naming tinuloy ang ginagawa naming at bigla kang pumasok para sa’min tumulong.Doon kita nakausap ng maayos kasi gusto na kitang pauwiin dahil alam kong may trabaho ka pa.Pinilit kita hanggang sa sumuko ako dahil ayaw mo talagang umuwi.Saktong alas-singko na ng medaling nang umuwi ka,diretsong trabaho mo na ‘yun.Wala ka man tulog at pahinga.Pero ang laki ng tulong na nagawa mo kaya nagpapasalamat ako.Lalo na naman nadagdagan ang pagmamahal ko sa’yo.

Author,Author! Ano ang Love Story mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon