❤ November 29,2014

53 8 1
  • Dedicated kay Levino Morales
                                    

November 19,2014

                Sabay tayong nag-hapunan sa Jollibee.First time natin ‘to na kumain sa labas lalo na at ganitong oras.Hindi ko malilimutan ang araw na ito dahil unang beses kitang nakitang umiyak.Alam kong nagpipigil ka na ipakita ‘yun pero kusang tumulo na ang luha mo kaya medyo napaiyak na rin ako.Hindi ko kasi kaya na makita kang ganun.Nag-uusap kasi tayo tungkol sa pag-alis mo,lagi mo kasing sinasabi na para sa’tin naman ang gagawin mo.Pero hindi ko pa kasi na hindi ka nakikita ng matagal lalo na at nasanay ako na lagi kang nandyan.

                 Paglabas natin ng Jollibee wala ng jeep.Oras na rin kasi kaya bigla na akong kinabahan kasi baka hindi tayo makauwi.Sa paghihintay natin ay may nasakyan pa tayong isang jeep kaya nakahinga ako ng maluwag.Kaso bitin ‘yung nasakyan natin dahil hindi ‘yun aabot hanggang sa inyo kaya nag tricycle ka nalang mula kung saan aabot ‘yung jeep hanggang sa inyo.

Author,Author! Ano ang Love Story mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon