Subalit naudlot ang kasayahang iyon nang biglang
lumindol...
at mula sa Manila Bay ay dumating ang
isang
dambuhalang...
TSUNAMI!!! Swooossshhh!!!
Naitaboy ang mga
superheroes.
Hindi nakayanan ng kanilang powers
na pigilin ang dumating
na
sakuna.
Mabilis na bumaha ang paligid at nalunod
kaming lahat.
Oo, pati
sina Aquaman,
Marina, at
Nemo.
Patay kaming
lahat.
Dumilim ang
kapaligiran.
Katahimikan.
"Gising! Gising!"
Isang tinig ng lalaki ang
narinig ko.
Pagdilat ko, nakita ko ang isang
lalaki.
"May tiket na po
ba
kayo? Sa'n po kayo bababa?"
"Huh?!" nagulat ako.
Kunduktor pala iyon ng bus.
Panaginip lang pala ang lahat!
Nasa bus pa pala
ako at pauwi ng
probinsiya.
"Sa Tarlac po,"
sabi ko sa kanya pero
ang mga mata
ko'y nakatitig sa
kanyang t-shirt na may nakasulat
na
"the Oracle".
Parang narinig ko pa si
Morpheus na
bumubulong:
"Welcome to the
real world..."
Buhay pa ako.
May pamilya at mga kaibigang
nagmamahal sa akin.
May
tirahang nauuwian,
may magandang hanapbuhay,
at... virgin pa 'ko!
Habang nasa biyahe,
naisip ko, napakababaw na
dahilan pala ang iwan
ka ng boyfriend o girlfriend mo para
magpakamatay
ka.
I have to stand up and move on.
Lalaki ako at
di dapat ako
maging mahina.
Di dapat ako maging tanga para
sa isang gaga at
walang kwentang babae.
Naisip ko rin na mabuti
na rin ang nangyari at
nakilala ko nang maaga
ang tunay niyang kulay
bago pa man humaba
ang relasyon namin.
Hindi siya ang karapat-dapat
sa akin.
Nasa gate na'ko ng aming bahay nang may
tumawag sa aking pangalan. Si
Rizi, kababata ko, kapitbahay namin. Sabi niya
umalis daw ang lahat
ng tao sa bahay namin at iniwan sa kanya ang
susi.
Nang abutin ko ang susi sa kanya, doon ko
lang s'ya nakaharap
nang malapitan at doon ko rin lang napansin na
maganda pala siya.
Matapos akong magpasalamat ay sinuklian
n'ya 'ko ng isang matamis na
ngiti.
(Cue: shake up christmas )
Pagpasok sa bahay,
diretso agad ako sa banyo
upang makapaghilamos.
Maginaw sa loob ng banyo at malamig ang tubig.
Pero may naramdaman akong mainit na bagay sa
bulsa ng aking
pantalon.
Dinukot ko ito at nakita ko ang isang...
singsing.
THE END
___________________________________________________
Abangan nyo ang fiction story ko
HA ?! ^_^
MY NERD GIRLFRIEND TURNS INTO COOL GANGSTER !!
BALI SINUSULAT KO PA PO KASI
I WANT TO BE INTERESTING !! ;DD
SA UULITIN GUYS !
PLS . VOTE & COMMENT Ü
BINABASA MO ANG
▐▐▐▐ MY ENDiNG <3▐▐▐▐
Truyện NgắnTOP is a cool guy B) Pero kahit gwapo siya nabigoo siya sa kanyang Ünang Pag-iBiG </3 Tunghayan natin kung pano niya malalampasan at mahahanap ang kanyang * HAPPY ENDiNG * Ano kaya pinagdaanan niya •• Let's Find OUT :* READ • VOTE • COMMENT • 100...