“Hindi ikaw ang anak ko!” Sinampal ako nang malakas ng aking ina, sapat na para mapa- subsob ako sa lupa. Dahil sa gulat, nahawakan ko nalang ang aking kaliwang pisngi at umiyak. Kay lamig ngayon ng hangin at nagpapatakan na ang ulan at makulimlim na rin ang kapaligiran.
Sinuri ko ang buong paligid at napagtanto kong nasa likuran kami ng palasyo, dito sa aming hardin na punong- puno ng mahahalimuyak na mga rosas. Ngunit kahit na anong ganda nito ay hindi nito naiibsan ang bigat ng damdaming nararamdaman ko.
Basang- basa na rin ang pareho naming mga kasuotan dahil mas lumakas na ang ulan at nagsisimula na ring kumidlat at kumulog. Lumuluha akong lumuhod at naglakad na ganoon ang posisyon patungo sa kanya.
Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang kasuotan ngunit lumayo siya. Tumingala ako sa kanya, hindi alintana ang ulan.
“I- ina…” tanging tawag ko.
“Layuan mo ako! Hindi kita anak. Wala akong anak na mamamatay- bampira!”
Ako? Mamamatay- bampira?
Noon lang rumehistro sa akin ang kanyang ibig sabihin.
Napatay ko ang reyna.Hindi… pinatay ko ang aking ina.
“I- ina, patawad po. H- hindi ko po sinasadya…” ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong sumubsob ako sa mga kamay ko at humikbii. Mas malakas na ngayon ang ulan, kidlat at kulog.
Ilang sandali pa, biglang namayani ang nakakabinging tahimik.
Pagmulat ko sa aking mga mata, pulos kadiliman ang aking nakikita at sa kinatatayuan ko lamang mayroong ilaw. Lumingon- lingon ako sa paligid. Ngunit hindi ako nagtagumpay na makakita ng kahit na anong bagay.
Bagkus, walang- hanggang kadiliman lamang ang aking namamataan.
Sigaw ako nang sigaw ngunit mapapaos na ata ang boses ko ay wala pa rin akong makuhang sagot. Na para bang ako lang mag- isa dito sa kadiliman.
Nagsimula na akong kabahan at matakot.
Sisigaw na sana muli ako nang may mamataan akong parang sa isang malaking screen ng sinehan. Para akong nabulag sa biglaan nitong pag- ilaw ngunit unti- unti rin itong lumilinaw. Ito ang loob ng palasyo.
“Ina!” sigaw ko matapos makita ang bidyong nasa screen. Naka- higa siya sa isang kabaong, nakabukas ang salamin na pumapagitna dito at sa isang tingin palang, alam ko nang wala na siyang buhay.
Tuluyan nang nagsi- bagsakan ang aking mga luha. Sa loob na ako ng palasyo, maraming mga nilalang at mga maharlika ang nakiramay sa pagkamatay ng reyna.
Maraming nag- alay ng bulaklak at namumukod- tangi ang pinaka- paborito niyang mga bulaklak, ang mga pulang rosas.
Sigurado ako na ang amang hari ang nag- alay ‘nun.
“Our deepest condolences to the bereaved Fergus family and empire. Magpakatatag ka, haring Fergus. Nasisiguro natin na nasa mabuting kalagayan na ngayon ang namayapang reyna,” isang reyna ang nagsasalita ngayon sa harap.
Ang tradisyon namin ay hindi nalalayo sa tradisyong mayroon ang mga tao. Ngunit sa halip na sa ang aming mga huling salita ay para sa kapakanan ng mananalita, buong- puso namin itong ini- aalay sa pamilya ng namatayan, at lalong- lalo na ang namayapa.
“… huwag ka rin sanang mag- alala sapagkat napakabuti niyang kaibigan at reyna.” Marami pang nilalang, na halos lahat na sila, ang nag- alay ng bulaklak at huling pamamaalam sa reyna, ngunit heto ako at umiiyak.
YOU ARE READING
Find the Lady
Vampire[Vampire Series #1] "Handa akong kalabanin ang kamatayan, mabuhay ka lamang..." (A/N) Ito po ang first entry ko sa mundo ng mga bampira. Pasensiya na kung hindi ko man maaabot ang expectations ninyo. HAHAHA basta kahit anong mangyari, isusulat at is...