The Queen's Case

48 15 2
                                    

Naglalakad ako ngayon sa aming pasilyo habang hawak ang basag na salamin sa aking nagdurugong kanang kamay. Pawis na pawis ako ngayon habang naka- talukbong ako upang hindi makita ang aking buong mukha.

I have made a mess. A big, big mess. I was wearing a long, black dress cloak to hide my shirt full of blood. This was supposed to be a night full of dance and fun, but it turns out it’s the opposite.

Hindi ko namalayan na may naka- bunggo na pala ako. “Pasensiya na,” sambit ko habang pinagpatuloy ang paglalakad nang diretso at nang lumingon ulit ako sa aking likuran, sakto namang lumingon rin siya at rumehistro ang gulat sa kanyang mga mata nang mamukhaan niya ako kahit na naka- talukbong, hindi na ako magugulat sapagkat matalas ang paningin ng isang bampira.

Lumingon- lingon siya sa paligid at nang masilayan niya ang aming hingal na hingal na mga guardia, sumigaw siya nang malakas, sapat upang mapalingon din ang iba sa kaniya.

“Nandun ang salarin!” tinuro niya ang gawi ko at lakad- takbo akong pumaroon sa lagusan.
Lahat ng makaka- salubong ko ay tumatagilid nalang dahil sa takot, kahit na kaya naman nila akong kunin sa isang hawak lang ng kamay ko.

Lumiko ako pa- kanan dahil marami ang tao doon. Nagkaka- saya sila dahil sa ball na ganap ngayon. Hindi pa siguro alam ng mga bampirang ito na nagkaka- gulo na sa ibang parte ng palasyo.

Nakahilera ang mga iba’t- ibang malalaking pintuan sa malawak na hallway. Hinawakan ko ang door knob ng isang pintuan ngunit sa kasamaang- palad ay naka- lock ito.

Lumingon ako sa dagat ng mga bampira at mukhang papunta sila dito sa gawi ko ngunit hindi pa nila ako nakikita. Wala akong ibang paraan kaya ginamit ko na ang mahika ko upang mabuksan ang pintuan.

“Tanha loquesta,” sambit ko at tuluyan nang bumukas ang pintuan. Dali- dali akong pumasok saka iyon kinandado habang nagsimula nang magdurugo ang kaliwang kamay ko dahil sa basag na salaaming hawak ko.

“Halughugin ang lahat ng parte ng palasyo. Hanapin ninyo ang salarin. Kung sino ang makakahanap ay mabibigyan nang malaking pabuya!” hingal na hingal parin akong dumikit sa pintuan at pinakinggan ang anunsiyo ng punong guardia sa labas.

Napuno ng singhal ng magkahalong takot at gulat sa labas, nasisiguro ko. Madilim na dito sa aking kwartong napuntahan. Ngunit ngayon lang rumehistro sa akin na ito ang Mirror Room dito sa loob ng palasyo.

Hindi ko parin malaman kung bakit nagpatayo ang hari ng ganitong klaseng kwarto.

2 HOURS EARLIER…

Kumatok ako sa kwarto ng aking inang reyna habang hawak ang aking regalo sa kanya ngayog gabi. My mother is fond of antique hand mirrors. At pumunta pa ako sa bayan ng Sofyia upang bilhin ito sa halagang isandaang gintong barya.

Okay lang sa’kin na makulangan ng salapi ang aking sulares, basta para kay inang reyna.

“Prinsesa Amaris, ano pa pong ginagawa niyo diyan? Halina kayo at naghihintay na sa iyo ang iyong ama.” Nang nag- angat ako ng tingin ay nakita ko si buttler Rolando. Nakangiti siya nang malawak habang nasa likod ang dalawang kamay niya.
Tipikal na postura ng mga buttler.

Nakasuot ako ngayon ng asul na bestidang satin na gown . Faux fur ang V- shoulder part nito kaya medyo lantad ang aking dibdib na tinernohan ko ng dark blue stilettos. Naka- high ponytail lang ako ngayon kasi ayaw ko ng bonggang disenyo sapagkat simpleng pagdiriwang lang naman ito.

“Ah, ikaw pala buttler Rolando. Opo, pupunta po ako kaagad, tatawagin ko lang po si ina.” Nakangiting saad ko pabalik.

“Sige, bilisan mo hija sapagkat ayaw mo namang pinaghihintay ang mahal na hari, hindi ba?” Aniya na animong natatawa. Kaya nakitawa nalang din ako.

Find the LadyWhere stories live. Discover now