Kabanata 11

41 12 6
                                    

Kabanata 11: Welcome back




Ito na ang last practice sa Mr and Ms Intramurals, last practice, last pagod sa practice hays. Kung hindi kasi ako binoto nitong si Nick hindi ako maghihirap ng ganito eh! I don't really wanna dance on stage kaya! At si lola ang nag push sa akin dito, mahilig din kasi siya sa Mr and Ms blah blah na iyan hindi ko lang na I kuwento noong mga nakaraan na halos lahat ng sinalihan ni lola ay kadalasan siya ang panalo.


Hindi ko alam kay lola!


" oh apo, alam kong iniisip mo diyan halika na"


May nakita akong kuya cute dito banda sa harap namin okay na rin para may view nang sa ganoon din ay makalimutan ko ang pag-iisip kay Nick kung anong nangyari dun.


Ilalagay niya sa'kin yung cheek tint na pinaka ayoko, si lola talaga kahit kailan sinasadya ito.

" I don't like that, La pleeaaasee" ani kong naka pout pa sakaniya.

Hindi siya sumagot bagkus ay inutusan pa ako.

" come closer" aniya pa.

Dito sa covered court ng campus ay marami ring mga magulang na nag-aayos sa kani kanilang mga anak, yung iba naman ay mga may dala pang alalay na mag ma make up sa anak nila tapos sakin naman ay lola ko na, make up artist ko pa!


Wala naman akong magagawa pinaiwan dito ang mga susuotin ng mga candidates upang sa Friday ay hindi na magbitbit muli.

" Where's grade 11 C? " ani ma'am Heart na siyang in charge sa mga panahong ito.


Nagtaas naman ng kamay ang kuyang naka itim at sabay sabi ng


" nandito na miss Heart, all set so pretty" anito sabay kislap ng mga mata


" that's my apo bakla ha" ani pa ng lola ko.


" owyes la you're such a good make up artist ha"


wika pa ni kuyang bading. Hmp sayang cute sana bading pala kanina ko pa naman siya sinusulyapan eh. Gusto ko rin sana siyang kausapin at tanungin kung anong name echoss, hindi pala ako ganon hehe, behave lang kasi ako duh. Baka kasi mabugbog ni Raynne si Kuyang cute sana bading lang kaya wag na lang. Hindi ko rin naman maaaring sabihin sakaniya ito dahil lalait laitin lang ako non.


" Our dear candidates, please proceed to your place." ani miss Heart sa mic at rinig ang boses niya dahil sa laki at dami ng mga speakers dito sa covered court.

"May pictorial ngayon kaya kayo nag suot ng mga ganiyan" ani pa ni miss Cynthia

Para sakin mas okay pa na makinig sa Mathematics lesson kaysa sa mag heels ng pagka taas taas, magsuot ng gown na halos madapa at matapakan ko na at lalong lalo ng make up na hindi ako sanay.

Pero si lola ang nag make up sakin kaya sige tiis tiis.


" oh sa practice ng Q&A galingan mo apo ha papalakpak si lola don."

Tumaas naman ang isa kong kilay.

" yes, La kayo naman parang walang bilib saken e" sabi ko na lang. Alam kong may hinanda sila ditong grabeng tanong kaya nag re ready talaga ako noh, parang buffet lang to na dapat di ka muna kakain para pag dating sa buffet ay maka rami ka dahil sayang yung bayad, ganun lang yun.


" hep." anang isang pamilyar na boses sa'kin na parang boses ng araw araw kong naririnig pero di ko nakita yung mukha niya dahil naka mask siya e.

Sabay takbo niya sa stage.


" I'm so sorry miss Heart were late again" anang naka red na girl mukhang bata pa siya kahit may anak na at sakto ang height, Siguro nasa 5'6 samantalang ako 5'2, tss mukhang 13 years old diba.

" it's okay Mrs. Guerrero, ano nga ho ulit ang section ng anak niyo?" tanong ni miss Heart na Ibibigay na ang ballpen dun nga sa Mrs Guerrero.

" ah C" mabilis niyang tugon.


Ang mga boys ay nasa stage at ang mga girls ay maya maya pa papasok o aakyat.


Doon ko lang napagtanto na mommy ito ni Nick a.k.a Mr sungit. Shiiiitt yung ganda niyang 'yan grade 11 na ang anak? Wow woww. Pero in all fairness same sila ng mata ah.


Charming din ang smiles ng mom niya.


Sinabi ko nang mom niya kasi siya si Mrs. Guerrero e tapos boy pa yung anak, tapos Grade 11 C edi si Nick nga! Wala namang ibang Guerrero na campus crush dito, tss. (na hindi ko crush)


Naupo na ang mom ni Nick at pagka sulyap ko sa stage ay nandodoon ang lalaking may natural red lips, boncy hair at matangkad. Walang iba kundi yung ungas na Nick. Gusto ko siyang tanungin, gusto ko siyang kausapin pero huwag na muna ngayon isa pa, wag na muna ngayon.


Edi siya na matangkad! Tss! Hindi naman sa super duper OA ha pero sa lahat ng lalaking escourt sa stage ay mapupukaw talaga nitong si Nick ang atensyon ng bawat tao. Yung tipong parang may magic kapag may titingin sa kislap ng mga mata niya. Pero san ka naman eh yung ugali niyan ekis na tss! Ayaw mag sorry, nang gugulat na parang aatakihin ako, at higit sa lahat ay yung pag tawag niya sakin ng " Miss liit" sino ba naman kasi ang natutuwa pag ganoon ang bansag niya!


Nagulat ako nung sumigaw siya.

" I'm back!" halata ko sa tono ng boses niya ang pag paparinig sa'kin. So ano nanaman ba ito? Nag a assume nanaman ba siya na namiss ko siya?

Lumingon ako, sabay sabing...

" edi welcome back." tatamad tamad kong turan.


He smiled.


Dear Diary,

Bakit parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan noong sinabi niyang nag babalik siya? Nakakainis naman eh!

-Kishika











DS1: Dear Diary | Completed Where stories live. Discover now