Kabanata 19

30 11 0
                                    

Kabanata 19: Nagbago ang lahat

Sa school ay sobrang stressed ako, ni hindi na ako pinapansin ni Mr. Prince Sebastian. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kung dati ay makulit siya sakin, kung dati ay napaka komportable siyang kasama ako, kung dati ay kung mag mura siya sa mukha ko wagas. Tapos ngayon... wala lang, namimiss ko lang yung dating masiglang Prince na palabiro. Yung Prince na hindi plastik, yung dating Prince Sebastian na kilala ko.

Damn, I miss him.

Sa loob ng ilang araw ay nagawa ko na ulit mag update sa Isinusulat kong nobela. Naging busy man sa film ngunit hindi ko tatalikuran ang pag susulat ko.

" Kish, can we talk? " bungad ni Nick sa akin habang ako'y naka upo dito sa upuan kung saan kami nagalaro ng lata kasama ang mga bata kahapon. Wala lang, I just wanna feel the fresh air. May mga puno rin kasi rito sa tabi ng upuan kung saan maaari kayong mag picnic.

" yes? "

Tumingin siya ng diretso sa akin.

" look, I'm sorry."

" so-sorry for what?" ano nanaman 'to? ano nanaman ba ang naging kasalanan nito sa akin? ano nanaman?

" Dahil naulanan ka kahapon, I'm sorry hindi ko naisip na baka magka sakit ka. "

Pati ang mga kamay niyang kumukumpas ay aking sinusundan maging ang kaniyang pananalita ay aking pinakikinggan.

Damn Nick, bakit ganito ang impact sa akin kapag ikaw na ang kausap ko?

" Kish, your mouth. " ani niya. And then he suddenly chuckled.

Naka tunganga na pala ako sa kaniya ng hindi ko manlang namamalayan.

Shit Kish, bakit ganito ka? Ang sarap mong konyatan ng bente!

" No, you don't need to apologize. It's okay. Nag enjoy ako. "

I said and then I smiled wider.

" Wanna see my sexy dance?" ani niya sa malanding tono.

" gago."

" Eto naman joke lang, gusto ko lang naman I practice e."

At tumawa siyang muli. Jusko, yung campus crush talaga ( na hindi ko crush) laging pabida.

Kasi naman, nakikita ko siya everyday naka smile, tapos tatawa ng malakas kapag nag mukha akong tanga. Tss! Ano ba siya? Papansin? Can he just shut his fucking mouth?

Oo nga pala, hindi ko nasabi na nag audition rin dito sa film making itong si Prince. Hindi ko alam kung bakit. Akala ko okay na, pero 'yun pala, iiwasan niya pa rin ako.

Nag bago siya, at hindi ako sanay dun. Naaasiwa ako. Damn, I miss my best friend.

Ganito pala ang pakiramdam ng hindi pinapansin ng kaibigan mo ano? parang naagawan tuloy ako ng lollipop. Hmp.

Promise ko sa sarili ko sa ngayon ay kapag pinansin ako ng bestfriend ko'y papansinin ko na rin siya.

Umalis man siya sa akin. Pinapangako ko na may babalikan siyang kaibigan. Mahihimasmasan rin 'yun. At naniniwala ako roon.

Nag simula na ulit ang film.

5...4...3...2...1... ACTION!

A weeks passed. Tuluyan nang hindi nag pa ramdam si Rich kay Andrei. As in no chats, no calls no lahat. 'Yung tipong parang grounded sila sa lahat.

At hayan na si Nick, nandito siya sa isang sulok at parang nag mumukmok dahil nga sa pag-alis ni Rich na sobrang ikinalungkot niya.

Ni hindi na siya kumakain sa tamang oras. Hindi na siya masaya. Why his life looks so miserable?

Pero walang magagawa eh, ito yung project eh.

Ipinakita rin akong naglalakad sa isang magandang tanawin, para kunwari ay ibang bansa talaga.

Ang role ni Prince dito ay taga cheer up kay Andrei. Siya rin ang mag aadvice about kay God.

At ang twist rito ay....

No, hindi ko muna maaaring sabihin ngayon sapagkat nais ko na subaybayan ninyo.

" And cut!" 

Nang matapos ang another scene ay agad si Nick uminom ng maraming tubig. Accckk! yung Adam's Apple juskooo. Kung may sasapak sa akin ngayon, gawin niya na!

Ani ko sa sarili sabay face palm.

After shoot, nakita ko si Prince sa isang tabi na hawak ang water gun niya.

Ito na siguro ang pag kakataon upang maka usap ko siya.

Kakalabitin ko na sana siya kaso, bigla siyang tinawag sa isang set.

May lakad nanaman siya.

Kaya't agad niyang binalik muli ang watergun sa kaniyang lalagyan at sumakay sa kotse ng isang Co Director. Hanggang sa tuluyan na silang naka alis.

Bakit hindi na siya nag papa alam sa akin? bakit hindi niya na ako ina-update? ganoon ba kasakit yung mga salitang binitawan ko sa kaniya?

Dear Diary,

Sa ngayon, sobra... sobrang bigat ng paki ramdam ko. Ako iyong tipong hindi maka tulog dahil na rin dito. Bakit ganito ang nararamdaman ko? hindi ba in a good way iyong mga salitang binitawan ko sa kaniya? But, yes. I'm still hopeful na ako'y papansinin niya muli.

Balang araw Kish, hindi ka niyan matitiis.

— Beautiful Kishika










DS1: Dear Diary | Completed Where stories live. Discover now