Kabanata 29

32 13 4
                                    

Kabanata 29: Trip kita

Naalala ko iyong sinabi ni Nick sa akin noong mga nakaraan. At hanggang ngayon ay naririnig ako ang boses niyang " I think I'm adopted. " Putek! baka kung ano na ang pinag gagawa non ha?

" Oh mukhang malalim iniisip natin ah? "

Tanong ni Prince na naka upo sa sahig habang nanonood ng Netflix.

" tol ito ah, paano kapag may nagsabi sa iyo na ampon siya? Maniniwala ka ba o hindi? At sasabihin niya ito sa iyo with no proof. "

" Edi.... Hindi. " sagot niya.

" Why? "

" Kasi wala namang ipinakita sa aking katunayan eh. "

Napaisip naman ako roon. Kung tatanungin ko ba si Nick, o hindi na lang.

Kakatapos lamang namin ni Prince na mag research tungkol sa culture, traditions and beliefs ng ibang bansa. Napili namin ang mga women Islam. Iyong nagco-cover ng ulo nila upang panggalang sa Diyos.

Kaya eto ang loko, naka tengga sa bahay ko. At nag netflix pa talaga.

Tumungo na lamang ako sa aking silid at upang maituloy ko na ang pagsusulat ng aking nobela.

" Oh kabanata 29 ka na ah? You so fast "

Ani Raynne na taga basa ko rin.

" ah oo "

" Anak, halika na rito isama mo na si Raynne at kakain na. "

" Apo isama mo na iyang si Prince baka hindi pa iyan kumakain. "

Nakangisi naman sakin si tubol. Kumakain na nga siya ng popcorn ko, makiki kain pa talaga! Mga kaibigan talaga, feeling at home sila tss.

" Yes po tita! " anito at nauna pa sa 'kin

Tss.

Habang kumakain ay nagsasalin si Prince ng tubig. Habang si Raynne naman ay kain lang ng kain with music.

Si Prince ang unang natapos sa kainan at ako ang sumunod.

" Thank you so much po tita sa foods "

Sa ngisi niya ay parang gusto niya pang umulit. Tss.

" aba'y oo naman hijo, basta huwag mong pababayaan iyang anak ko ha, kung Hindi ay ikaw ang patay sa'kin. "

Umirap na lamang ako sa kawalan sa mga winika ni mommy.

Tuluyan na akong hinila ni Prince. Aba'y kaya naman pala ako hinila dahil tapos na rin nito ang episode ng pinapanood niya. Edi hindi ko nanaman naituloy ang pagsusulat.

Tumungo kami sa isang sari-sari store. Pagka pasok na pagka pasok namin doon ay bumungad sa akin si aling Teresa.

" Huy girl! Bagong lalaki mo? " she asked.

" ah, hindi po. He's my bestfriend. " normal kong sagot. Pero sa totoo lang ay naiinis na talaga ako, gusto niyang malaman ang mga bagay na ayokong sabihin sa kaniya? Hay, ganiyan na ba talaga ang mga tsismosa?

" Oh basta Kishika ah, boto ko yung may sasakyan. " bulong niya sa akin ngunit sapat na iyon upang marinig ni Prince.

" Oo nga pala, andun si Mr. Cutie sa may  coffee shop uy grabe girl ang hot. "

Jusko talaga ito.

Alam kong si Nick nanaman ang tinutukoy niya. Bukod na sa kaniya ang resto ay may coffee shop rin dito ang pamilya Guerrero. Paano ko nalaman?

Duh! Unang nag follow sa kin sa Instagram ang mommy nitong si Nick noh at feeling ko, nakita niya na ako noong pageant.

Kabog naman girl! Laging pang office ang damit ng mom niya at wari ko'y pula ang paborito nitong kulay dahil sa kaniyang awrahan na sobra sa pak na pak.

Bumili kami ni Prince rito ng icecream at ako naman ang nanghila sa kaniya patungong coffee shop.

" Halika na muna sandali" ani ko.

" hoy ito ayaw pang umamin e, sabihin mo na, gusto mo si Nick diba?  "

" oh bakit parang pikon ka? "

Nag buntong hininga siya ang sinubukang maging mahinahon.

" H-hindi kaya noh "

Sabay hila kong muli.

Lumakad kami ng mga sampung minuto at natagpuan na namin ang coffee shop.

Dito na rin pumasok sa isipan ko na tanungin si Nick tungkol sa mga bagay na sinambit niya sa 'kin noong mga araw na iyon.

Papasok na sana kami nang bigla siyang bumungad sa harap ko.

" Yes ma'am what's your order po? "

In all fairness, naka uniform siya ng parang katulad ng mga nag tra trabaho rito.

" Nick hindi mo na ako kailangang pag silbihan. "

" Oh, sorry. I owned this coffee shop eh "

" Eto naman may tanong lang naman ako! oo after nito bibili ako. "

" Uy baka naman. " anitong si Prince sa likuran ko.

" Oo na! " wika ko rito.

" Yes? What you wanna ask? "

" Yu-yung tungkol sa-sana sa totoo kang... "

" Totoong ano? "

" A-anak."

Humalakhak ito ng pagka lakas lakas at dahil doon ay nainis na ako. Parang pinagtatawanan ako nito ha?

" No no sis, I'm not. "

" Pero bakit ka umiyak non? "

" Sis, just calm down okay? "

Inirapan ko siya.

" Explain. " i said.

" I just want... "

" Your attention. " yumuko na siya matapos niyang sabihin iyon.

" Ganon? " gulat kong tanong.

" DAMN NICK, ANONG TRIP MO? "

" Huh? Sino ka mo. "  dagdag niya.

" TRIP KITA. " asar niya.

" Oy oy oy, baka inaano mo na ang bestfriend ko ha? alam mo naman tol mas guwapo ako sa 'yo. "

Singit ni Prince sa usapan namin ni Nick.


" FUCK NICK, NAG-ALALA AKO!!! "

" No worries babe. I got you. " and then he winked at me.

Mag wawalk out na sana ako kaso tinawag niya akong muli.

" Hey, your coffee. " sabay bigay ng dalawang coffee.

" Have a great day babe.  "

" uy, salamat tol, nag-abala ka pa. "

Sabay singit at kuha ni Prince sa mga binigay nito.







Dear Diary,

Mukhang pinaglalaruan nito ang feelings ko ha? aaminin kong medyo napahiya ako roon dahil sa pag-aalala ko sa kaniya. Buwisit siya Diary! Buwisit. May araw din itong lalaking ito sa 'kin!

— Kishika












DS1: Dear Diary | Completed Where stories live. Discover now