Kabanata 3: Complicated Heart

2.8K 59 5
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 3 : Complicated Heart

Days later

"Sino si Tiffany Quimson?" tanong ni Ramon.

Nasa opisina si Ramon ng araw na iyon ng kaibigang si Dennis, ang tanging alam niyang makakasagot sa mga tanong niya.

Tinawagan ni Ramon si LJ pero nasa ibang bansa ito, hinanap niya si Rod pero hindi na naman niya ito mahagilap kahit ang kakambal ni Rod na si Rico hindi alam kung nasaang lupalop na naman ang kakambal, kaya si Dennis lang ang alam niyang makakasagot ng maayos sa kanya.

Pero kanina pa si Ramon sa opisina ng kaibigan, at mukha na naman mainit ang ulo ni Dennis, nakaupo ito patalikod sa kanya at nakatanaw sa nagtataasang gusali sa Makati. Lumuwas pa si Ramon ng probinsya para alamin ang tungkol kay Tiffany.

"Kaibigan ng mahal kong asawa." sarkastikong sagot ni Dennis, kanina pa naroroon si Ramon gusto na nga niya itong paalisin dahil may problema siyang gusto solusyunan. Hinahanap niya si Marie at hindi niya ito matagpuan.

"Kaibigan siya ni Marie? Sino siya sa buhay ko?" naguguluhang tanong ni Ramon. Isang beses lang niya nakita si Marie iyon ang araw ng kasal nito kay Dennis, nagulat pa nga siya dahil sobrang bata ng dalaga ng ikasal ito kay Dennis sa Amerika.

"Girlfriend o ex-girlfriend." naiiling na sabi ni Dennis, hindi niya alam kung saan nakita ni Ramon si Tiffany, ang alam nila dati pagkatapos nito nag-graduate sa St. Valentine umalis ang dalaga ng probinsya.

"Totoo bang muntik na sila magahasa seven years ago?" seryososong tanong ni Ramon. Tiningnan niya ang kaibigang si Dennis mukha ngang wala na naman ito sa mood, mula ng takasan ito ng asawa at umuwi sa Pilipinas noong nakaraang buwan lamang, na dahilan ng pagiging mainitin ng ulo ni Dennis.

"Oo," pigil na galit na sabi ni Dennis. Tuwing naaalala niya ang pangyayari na iyon nagsisisi siya at hindi niya isinama si Marie sa bar, nagsisisi siya at iniwan niya si Marie.

"Nasaan na ang mga nang-molestiya sa kanila? Nagahasa ba sila? I mean alam mo na..... rape may nangyari bang...." hindi matuloy-tuloy ni Ramon ang sasabihin unti-unti nabubuo ang galit niya para sa mga lalaking gumawa ng masama kay Tiffany.

"Hindi sila totally na rape pero binaboy sila ng limang iyon at ang limang demonyong iyon, patay na silang lahat," nakangising sabi ni Dennis.

"Lahat sila? Sabay-sabay namatay?" nagtatakang tanong ni Ramon, napaka imposible naman na ang walong tao na halang ang bituka namatay na lamang basta-basta.

"Namatay sa kulungan ang limang ng molestiya sa apat na magkakaibigan. Iyong dalawa namatay sa labas ng kulungan matapos mag-bail ng kaso. Si Calix ang mastermind natagpuang patay sa condo niya sa Manila. Lahat sila namatay o pinatay. " seryosong sabi ni Dennis.

Love or Lust - Ramon and Tiffany (COMPLETED) NJOL #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon