Kabanata 2: If Ever Your In My Arms Again

3.1K 49 4
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang init naman. Late na naman ako.” inis na sabi ni Tiffany, ilang araw na siyang ganito o sabihin natin ilang araw na talagang traffic, dumarami na kasi ang tao sa probinsya nila. Hindi tulad ng dati na minuto lang ang byahe kakayanin.

Maraming pasahero ng araw na iyon kasi Biyernes kung saan parang excited ang lahat sa huling araw ng linggo na may pasok. Maaga naman siya nagising kanina, fresh look nga ang pakiramdam niya kanina pero ngayon feeling niya daig pa ang tumakbo ng isandaang kilometro.

Maya-maya halos isang oras na girian at pakikipagbalyahan nakasakay din siya sa bus. Kaso sa sobrang daming tao na sa loob halos igitgit na niya ang sarili mapagkasya lang ang mahabang katawan niya.

Hirap maging matangkad.” bulong na sabi niya naalala niya tuloy si Marie at napangiti sa naiisip na kakulitan nito.

Halos hindi gumalaw ang bus dahil sa traffic, kalahating oras na siya sa loob at nakatayo pa rin. Hindi niya din magawang kumilos at tuwing nadidikit siya sa ibang balat ay napapaigtad siya, at bumabalik sa ala-ala niya ang nakaraan sa kamay ng manyak na lalaking iyon.

Grabe ang tagal naman tutubuan na yata ako ng ugat dito.” bulong ni Tiffany, masakit na ang paa niya kahit na nga ba naka-doll shoes siya, at panaka-naka niyang iniiwas ang mga hita niya sa mga tao sa paligid niya. Naka skirt pa naman siya, na siyang school uniform ng mga teacher.

Tiningnan niya ang oras, late na siya pero mabuti na lang at panghapon pa ang klase niya. Pang-umaga dapat siya pero naki-pag palit siya kay Lesly dahil sa mga ganitong pangyayari. Tutal naman malapit lang ang bahay ni Lesly sa St. Valentine.

Hay talaga naman. Ang tagal makakagawa na yata ako ng lesson plan ko dito.” naiinis na sabi ni Tiffany, ayaw pa naman niyang nasasayangan ng oras sa walang kuwentang bagay.

Excuse, excuse padaan may bababa.” sabi ng isang pasaherong lalaki may bigote ito at malaking tao. Nang padaan na sa kanya ang lalaki tumingin ito sa kanya at kinilabutan siya samahan pa na parang sinadya nitong ikiskis ang braso sa kanya.

Ahhhhhhhh,” sigaw ni Tiffany, nakuha pang tumawa ng lalaki pag kalagpas nito sa kanya. Nagulat ang mga pasahero sa ginawa niyang sigaw.

Miss okay ka lang?” tanong ng matandang babae.

Sorry, okay lang po ako.” sabi ni Tiffany.

Gusto mo umupo, namumutla ka kasi at parang nanginginig ka.” nag-aalalang sabi ng matanda.

Okay lang po ako, nagulat lang po ako.” sabi ni Tiffany, gustuhin man niyang umupo, naaawa din siya sa matanda dahil may kasama pa itong bata na kandong nito, samahan pa na may katabi rin itong lalaki na
naka-short lamang at siguradong pag-umupo siya makikiskis ang balat niya dito lalo na at parang sardinas na sila sa bus.

Love or Lust - Ramon and Tiffany (COMPLETED) NJOL #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon