Kasalukuyan akong nagpapahinga sa aking kwarto pagkatapos kong mamili ng school supplies.
Today is monday and I still have 6 days before the opening of classes. Medyo excited na rin akong pumasok dahil alam kong marami na naman akong makikilalang kaibigan. The more friends you have the more pleasure you feel...
Umalis ako sa aking kama para bumaba dahil mukhang nagutom ako sa kakaikot kanina.
Pababa na ako nang nakita ko ang aking pinsan na nakaupo sa aming sala. Kaya imbes na pumunta sa kitchen siya muna yung nilapitan ko.
"Blaiza" tawag pansin ko sakaniya dahil mukhang malalim ang iniisip. Wala dito ang parents ko dahil mukhang parehong may inaasikaso.
My mom is an architect while my daddy is an engineer. Ang tadhana nga naman...
"Oh vennice..." tumayo ang aking pinsan tsaka ako sinalubong ng yakap nang nakangiti.
Blaiza has a porcelain skin, her long curly hair looks good on her, she's as tall as me, her pitch dress fits perfectly on her body, she has a beautiful eyes which she probably got from her mother and her pointed nose that's probably from her father... She's one of a kind.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakangiti tsaka sinalubong ang kaniyang yakap. "Kanina ka pa ba?"
"No. Kararating ko lang. Umupo lang muna ako saglit at aakyat na sana pero bumaba ka naman so..." natawa siya sa huli. "Anyways... nakabili ka na ba ng school supplies?" Tanong niya.
"Yes. Kanina. Medyo kakarating ko lang din eh haha... bakit? Hindi ka pa ba nakakabili?" Tanong ko naman...
Magkabatch kami ni blaiza. Magfo- fourth year highschool na din siya sa lunes. Dumadalaw siya dito kung minsan para makapagmasyal.
Kapatid ng mommy ko ang daddy niya that's why we're close.
"Yun nga eh. Papasama sana ako Haha... kaso mukhang pagod kana." Sabi niya nang natatawa.
Well... tama nga siya. Kaso meron ba siyang kasama? Sa tingin ko ay wala. Pupunta ba naman siya dito kung meron?
"No... No. Haha di naman ako masyado napagod eh besides, hindi ko pa naman nabili lahat ng kailangan ko." I lied.
"Sigurado ka? Okay lang naman ako kahit mag isa. Kaya magpahinga ka nalang..." nakangiting pagkukumbinsi niya.
Napangiti ako sa sinabi ng pinsan ko. Kahit kailan talaga hindi niya ako pinipilit sa mga gusto niyang gawin. She's very considerate unlike my friends. Pero kung sakaling katulad siya nga mga kaibigan ko okay lang naman as long as may kasama ako okay na...
"No. I mean sasamahan kita." Nakangiti kong sagot sa kaniya. "Magbibihis lang muna ako. Can you wait?"
"Of course! Come on ven! Haha, I can wait! kahit pa isang oras kang mag ayos no! Ako na nga tong nagpapasama!" Oo nga naman Haha
"Haha sige. I'll be here in a minute." I smiled tsaka ko siya tinalikuran at umakyat.
"Thank you ven! I love you!" Pahabol niya pa.
Natatawa akong umakyat tsaka nagmadaling magbihis. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa ang pinsan ko.
Nang nakapagbihis na ako ay sunod ko namang inayos ang aking buhok tsaka ang mga dadalhin ko. Hindi naman ako masyadong natagalan dahil hindi din naman ako nag a-apply ng kahit anong kolorate sa mukha. I'm not fond of make ups only liptint will do.
Pagkatapos mag ayos ay bumaba na ako at nakitang nakaupo ang pinsan ko at may kinakalikot sa kaniyang cellphone. Nilapitan ko siya.
"Blai... let's go?" Tanong ko nang nakalapit. Natawa pa ako ng bahagya nang nagulat siya sa biglaan kong pagsulpot.
YOU ARE READING
He was destined for you
Novela JuvenilVennice is a kind of person that's afraid of being left. She'd rather give all the things she have so others will not leave her. She's a girl who's afraid of being herself, she's a kind of girl who's afraid of everyone that they might leave her all...