Chapter 1
Aiden's POV
Malalim na ang gabi ngunit heto ako palakad lakad sa madilim na bahagi ng kalsada.
Ako nga pala si Aiden Fernandez. 17 taong gulang.
(Paki ulit nga seventeen taong gulang o labing pitong taong gulang?)
Malayo na ang nalakad ko at hindi na pamilyar saakin ang lugar kung nasaan ako ngayon. Kung kanina ay dikit dikit ang mga bahay ngayon ay layo layo na.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa wala na akong matanawang mga bahay. Nag lakad lakad pa ako at ilang sandali pa ay may natanaw akong gusali nag lakad pa ako hanggang sa narating ko ito.
Napaka luma at nabalot na ng mga lumot at halaman ang gusali.
Pinasok ko ang gusali at agad kong natakpan ang aking ilong dahil sa masangsang na amoy nito.
Lintik na napaka baho naman dito
Nilibot ko ang buong gusali at kung ano ang makikita sa baba ay iyon din ang makikita sa itaas ng gusali.
Nakamamangha lamang dahil natagalan ko ang lugar kahit pa napaka baho noon.
Nasa limang palapag iyon at talagang napakalawak. May iilan ding mga gamit sa loob.
Matapos ang aking pag lilibot bumaba na ako at lumabas sa gusali na iyon at napag desisyonan nang umuwi.
Sa gita ng aking pag-lalakad bigla ay nakaramdam ako ng gutom.
Tsk masiyado ako nalibang sa pag lilibot nalimutan ko nang hindi pa ako kumakain mula kaninang tanghali.
Kaya sa halip na umuwi ay dumeresto ako sa bahay ng aking kaibigang si Bertha dahil walang pag kain sa aking munting tahanan.
"Aay kaloka aga ng bisita natin ahh." Mataray na ani ni Bertha ng makita akong papasok sa kanilang bahay.
Imbes na lingunin at sagutin siya ay dumeresto ako sa kanilang hapag at nag hanap ng kanin at ulam
"Hoy bakla ano taray gabing gabi kung bumisita akala mo bahay niya hindi man lang ako pinansin." Masunagit na ani saakin ni brent "Wala nang kanin at ulam." Masungit na ani ni brent ng mapansing naghahanap ako ng makakain.
Agad na nanlumo ako dahil sa kaniyang sinabi. Dahil talagang gutom na ako. Pero hindi ko ipinakita sa kaniya ang aking panlulumo. Nanatiling walang mababasang emosyon sa aking mukha.
"Ganon ba." Walang gana kong sabi
"Ikaw naman pupunta punta ka dito kung kailang wala kanang malalamon." Masungit na ani ni brent "At bakit naman kasi hindi ka nag sabi na pupubta ka dito. Edi sana nakapag tira ako ng pag kain mo!" Dagdag pa niya
"Psh paano ko naman sasabihin sayong pupunta ako dito ngayon ha?! Ehh hindi naman tayo nag kita buong araw." Maangas namang sabi ko.
"Aba aba. Baklang to! Ano gutom ka? Ha?! Bahala ka! Mag tiis ka sa gutom. Itulog mo nalang yan. Dito kana matulog. At bukas kana kumain. Diyan ka matulog sa upuan." Ani ni brent habang naka pa maywang.
"Siya nga pala saan ka naman nanggaling? Tingan mo nga yang itsura mo. Ang dungis dungis mo! Kung saan saan ka nanaman siguro nag punta ano?"