41

166 20 0
                                    

Nagising si Kris sa sinag ng araw na tumatama sa mata niya. He's sure that he close the curtains before going to sleep so why is it open now?

Kusot-kusot niya ang mata niya habang tumatayo sa kama. Tiningnan niya ang orasan at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang oras.

"Fuck! It's already 11 am?!" Sigaw ni Kris sa gulat na may kasama na namang mura.

Tss. Naiinis na ang author sa dalawang bida ng storya na 'to ha. Puro mura na lang daw sila eh super good girl 'nung author. Super innocent pa.

Anyways, agad na bumaba si Kris  habang sinisisi ang sarili kung bakit ba hindi siya nagising ng maaga. Early bird naman siya. May bird den. Ops. Kaya hindi niya alam kung bakit hindi siya nagising ng maaga or ginising man lang ni Tao or Gavin.

Nadatnan ni Kris si Gavin sa sala. Playing with his toys.

"Daddy!" Bati ng anak niya. Lumapit siya dito at p-in-at ang ulo nito.

Inilabot niya ang mga mata sa kabubuuan ng bahay, and he saw no traces of Tao.

"Gav, where's your dada?" Tanong niya sa anak.

"Umalis po siya kanina Daddy. Kasama po si ate Baekhyun." Sagot ng anak niya.

Pero wtf?! Ate? Feel na feel ni Baekla ang pagiging girl no.

"Saan naman daw pupunta?"

"May kikitain daw pong lalaki e, sabi ni ate Baekhyun." Naalarma agad si Kris sa narinig.

Nangunot agad ang noo niya at ready to burst out na sana nang magsalita ulit ang anak niya.

"Pero sabi ni Dada, si tito Suho lang daw po ang kikitain nila."

Doon nakahinga ng maluwag si Kris. Akala niya daw kasi may iba na si Tao. Nice, nahiya naman si Tao sa Hera niya.

"Kumain ka na ba? Bakit hindi mo ako ginising?" Ang dami namang tanong Kris.

"Yes po. Nagluto po si Dada bago po siya umalis. Saka, si Dada din po nagsabi na wag na po ikaw gisingin eh. Baka daw po pagod po ikaw sa work niyo."

Muntik ng sumabog ang puso ni Kris sa mga narinig niya. Simpleng pag-aalala lang ni Tao sa kaniya pero pakiramdam niya sasabog na ang puso niya. Ang haharot ha.

"Kain na po ikaw Daddy. You missed breakfast na po." Napangiti siya sa sinabi ng anak. Masaya siya na kay Tao namana ni Gavin ang ugali nito na madaldal and always care for others. Syempre 'no. Imaginin niyo kamukha na nga ni Gavin si Kris tapos kaugali pa? Edi ang laking sakit sa ulo kay Tao 'non.

Iniwanan muna ni Kris si Gavin sa sala at agad na dumeretso sa kusina para kumain. Na-tantsa na ni Kris na mamaya pa uuwi si Tao dahil nagluto na rin ito ng pang-tanghalian nila. Agad siyang kumain at hinugasan ang pinagkainan niya bago bumalik sa sala at makipaglaro sa anak.

Hindi pa sila tumatagal ng ilang oras nang may mag-doorbell sa pinto nila.

Iniwan muna ni Kris si Gavin at agad na tumungo ng pinto.

He saw Chanyeol and Sehun.

"Bro!"

Binati siya ni Chanyeol at nakipag-manly hug sa kaniya, same as Sehun. Pinapasok niya ito sa bahay nila habang nagtataka.

"Anong meron? Bakit dumadalaw?" Tanong niya sa dalawa.

"Nagyayaya 'tong si Chanyeol eh. Bonding naman daw tayo. Eh dahil isa ka ng butihing asawa, dito na lang kami. Hindi naman kami mag-iingay." Naglakad silang tatlo papuntang sala at duon naabutan ng dalawa si Gavin habang naglalaro.

"Wow! Ito na ba si Gavin? Ang laki na ah!" Masiglang sabi ni Chanyeol habang dali-daling nilapitan si Gavin.

May mga sinabi ito kay Gavin na ikinangiti ng bata. Nailing na lang si Kris. Mahilig kasi sa bata iyang si Chanyeol. Pag nakakakita ng bata 'yan, nagiging isip-bata din.

"Kamukha mo ha." Komento ni Sehun sa tabi niya na ikinatawa niya. Tinitigan niya si Gavin. Magkamukhang-magkamukha nga silang dalawa. Kahit limang taon pa lang si Gavin, kitang-kita na ang Kris sa mukha nito.

Kawawang Zitao, kahit eyebags man lang hindi pa namana.

"Nasaan pala si Tao?" Tanong ni Sehun.

"Umalis eh. Kasama yung mga kaibigan niya." Tumango na lang si Sehun saka sila nanahimik ng dalawa at pinagmasdan na lang sina Chanyeol at Gavin na maglaro.

"Anong gagawin niyo pala dito? Bawal uminom ha." Tanong muli ni Kris makalipas ang ilang saglit.

Umupo naman si Sehun sa sofa nila habang si Chanyeol ay nakikipaglaro pa rin kay Gavin.

"Nood tayo movie. Kain."

"Wala kaming stock ng snacks ngayon."

"Mahirap ba 'yon? Edi bibili." Napakamot na lang siya ng ulo sa sagot ni Sehun. Evil maknae nga.

Napagpasiyahan nila na sabay-sabay bumili para na rin makagala sila ni Gavin. Malapit lang naman ang convenient store sa kanila kaya naglakad na lang sila.

Bumili agad sila ng maraming snacks and softdrinks saka naglakad pauwi. Naglalakad pa lang sila pauwi nang makarinig sila ng isang matinis na boses.

"Channie~"

"Channie~"

Boses ng isang baklang maharot ang narinig nila. Sabay-sabay silang napatingin at nakita nila si Baekhyun na tumatakbo papalapit sa kanila...

Kaso muntik ng madapa. Buti na lang hindi natuloy dahil jusmiyo buntis ang bakla baka mahulog ang bata! Ang lampa naman kasi.

"Shit." Rinig nilang mura ni Chanyeol.

Okay. Naguguluhan sila. Kilala ni Kris si Baekhyun dahil sa kaibigan ito ni Tao pero hindi nila alam na magkakilala pala si Baekhyun at Chanyeol.

Parang may namimiss silang chapter ng story.

"Hi Channie~ Hi Kris~ Hi baby Gavin~ and Hi pogi~" bati ni Baekhyun sa kanila habang nag-ipit pa ng buhok sa tenga nito. Akala mo naman mahaba ang buhok. Napairap naman si Chanyeol.

"Hi Ate Baekhyun!" Bati ni Gavin kay Baekhyun.

"What are you doing here?" Tanong ni Chanyeol sa galit na tono. Nagulat naman sila.

Hindi si Chanyeol yung tipo ng tao na nagagalit kaya hindi nila malaman kung bakit galit na galit ang tono nito kay Baekhyun.

Baekhyun pouted.

"Napadaan lang! Kasama ko kasi si Tao kanina e, tapos nakita ko kayo!" Pasigaw na sagot nito. Akala mo, e, sobrang layo nila sa isa't-isa.

Nagpantig ang tenga ni Kris dahil sa "Tao" na narinig niya.

"Where's Tao?" Tanong ni Kris.

Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero iba ang naiisip niya. Iba ang kutob niya.

"Kanina pa umuwi ah? Kanina pa kami tapos eh!" Pasigaw ulit na sagot ni Baekhyun.

Tumakbo na agad si Kris habang buhat ang anak. Hindi maintindihan ng tatlo pero sinundan pa rin nila si Kris.

Agad silang napatigil sa pagtakbo nang makarinig ng sigaw.

"Tangina mo! Matigas ka talaga ha!"

Sabay sabay nilang sinundan ang boses hanggang sa makarating sila sa eskinita na shortcut papunta sa kanila. Ibinigay ni Kris si Gavin kay Baekhyun saka pinasok ang eskinita.

And there he saw Tao, habang hawak sa kwelyo ng isang matandang lalaki.

"Tao!"

Sigaw niya. Napatingin agad sa kaniya si Tao na huminga ng maluwag.

"Y-Yifan."

Huling sinabi ni Tao bago nila sugurin ang lalaki.

OTP SERIES #1: KRIS // completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon