Chapter 2

66 6 0
                                    

Naiinis pa rin si Jha pag naalala ang lalaking iyon pag naiisip niya ang sinabi nito.Sino ba kasing hindi maiinis na sabihan ka na mag diet dahil hiningal lang naman siya at napag iiwanan na ng mga kasama that time.Hindi naman siya mataba at proud siya sa katawan niya.Hindi siya mataba malaman lang siya at may kurba naman ang katawan niya kaya sexy pa rin siya kung tutuusin.

Ayaw rin naman niya ng payat na parang patpat.Sumama lang naman siya sa trekking para maexperience ang umakyat ng bundok bukod pa sa pagpapawis para maging healthy ang katawan.
Regular din siyang nag jogging every morning.Healthy conscious siya mahirap na kasing magkasakit sa panahon ngayon kaya nag iingat siya.

Nasa isang Chinese Restaurant si Iago nang makita niyang palapit sa table niya ang kaibigang si Rochelle.

"Hey Iago!bati niya dito ng makalapit sa dalaga.

"hey baby girl andito ka rin?"tumyo naman ito at pinaghila ng upuan ang dalaga.

"Nope anino lang itong nakikita mo!" biro ng dalaga na nagpatawa sa binata.

"Timing ang dating mo join me here."Kalalapag lang ng mga pagkaing inorder niya.

Pinaunlakan naman ito ng dalaga dahil nagugutom na rin daw ito.Masaya silang nag uusap at napaparami rin ang kain ng dalaga.Hindi alintana na masama na ang tingin ni Bruno sa table na pinag iwanan niya sa binata.
Napansin ito ni Iago kaya tinuro nito ang binata gamit ang nguso nito.

"Baka sapakin ako nun ano ka ba iniwan mo naman iyong tao"ani Iago.

"hmpp...yaan mo siya naiinis ako eh."tugon ng dalaga habang kumakain.

"tsskk....ang bad girl mo baby Chelle ooppps mukhang galit na ang Prince mo ayon oh umalis na."

"huh?nilingon niya ito mukhang balak pa siyang iwan ng binata.

"Naku mauna na ko sa iyo Iago salamat sa food ha,mabuti pa sundan ko na iyon".anang dalaga na kinuha ang kaniyang sling bag.

"Your welcome baby Chelle bilisan mo baka hindi mo maabutan si Prinsipe Bruno mo hahaha"aniya.

Naiiling na siya sa inaakto ng dalaga,alam naman niyang gustong gusto nito ang binata.At malamang pinagseselosan din siya ng binata dahil sa dalaga.Hindi na siya magtataka kung bigla na lang siya nitong sasapakin.Kung siya ang tatanungin wala naman itong dapat ikaselos sa kaniya dahil alam naman niya kaibigan lang ang meron sila ng babaeng gusto nito.

Naghahanda na si Iago ng mga damit na dadalhin.Hindi niya masabi kung ilang weeks or months siya sa Ilocos.May panibago siyang assingment na kailangan mabigyan ng kalutasan.Isang drug laboratory ang kailangan niyang manmanan at kailangan mapasok ng team niya.Mahigpit ang warehouse na ginagawang drug laboratory sa Santa Barbara.

Isang linggong siyang nag stay sa isang transient sa Ilocos at may kalayuan sa Santa Barbara hindi rin naman advicesable na maghotel siya para sa mission niya bukod sa kakain ito ng ilang oras sa byahe patungo sa kaniyang target.

Ilang beses na rin niyang inikotan ang nasabing warehouse.Nalaman niyng mahigpit ang bantay sa gate at hindi basta basta nagpapasok.Bukod sa matataas ang mga pader at gate nito mahihirapan siyang manmanan ang galaw nito sa nasabing warehouse na ginawang drug laboratory.Kailangan din nilang malaman kung sino ang mga nasa likod ng nasabing drug laboratory.Malayo rin ang mga kabahayan dito para umupa siya dito.Masyadong malayo ang Santa Barbara sa Transient na tinutuluyan kailangan niyang gumawa ng paraan upang mas mapalapit sa kaniyang target.

Pauwi na si Jha sa kaniyang munting flower.Naisipan niyang lakarin na lang ang pauwi ang bahay mula sa kaniyang pinuntahan.30 minutes niyang lalakarin ito not bad dahil  hindi naman mainit kahit alas tres ba ng hapon.Gusto niya ring maglakad para dagdag ehersisyo sa katawan.Naghatid siya sa isang kakilalang Ginang na bumibili sa kaniya ng mga dried fruit with flower na ginagawang dried/fruit herbal tea for detox.

Napasigaw si Jha ng muntikan ng masagi ng isang motor na sakay ang isang lalaki na nakasuot ng helmet.

"Hoy walanghiya ka!Ang lawak lawak ng kalsada at balak mo pa ata akong sagasaang hinayupak ka!!talak ng galit na si Jha.Huminto naman ang lalaking nakamotor at hinubad ang full face helmet nito.

Pumutol siya ng sanga ng malunggay at pinaghahampas ang lalaki.

"Outch aray teka Miss magsosorry sana a--ikaw

"I-ikaw!ikaw na naman!Napakawalang hiya mo talaga believe din ako sa kapal ng mukha mo.Hindi ko alam kung marunong ka ba talaga magmotor at balak mo talaga ako sagasaan."inis na inis siya dito.

"Alam mo Miss mag sosorry na nga sana ako sa iyo pero dahil pinaghahampas mo amanos na tayo,so no need to say sorry right?"nakangisi ito sa naiinis na dalaga.

"Kahit mag sorry ka pa hindi ko tatanggapin ang sorry mo.Tsaka mukha namang hindi k nsaktan sa palo ko sa laki ng katawan mo arte nito."anang dalaga na itinapon ang sanga ng malunggay na lagas na lagas ng mga dahon.

"Bwesit ka pati malunggay nasayang sa iyong hudas ka!"

"So aminado kang maganda ang katawan ko?"nakangising pang aasar niya sa dalaga.

"Wala akong sinabing maganda ang katawan mo,ang sabi ko sa laki ng katawan mo malabong nasaktan ka sa malunggay na inihampas ko sa iyo."inirapan niya ito na nakangisi lang sa kaniya.

"Gwapo sana antipatiko naman."bulong ng dalaga.Iyong gwapong pagmumukha nito ba ay makakalimutan niya.Ito lang naman ang lalaking nakasama nila sa kanilang trekking na sinabihan siya mag "diet daw"sexy naman siya noh!

"Its a small world huh!Dito pa talaga tayo nagkita."anang binata na hindi na siya pinansin ng dalaga.Iniwan na siya nito at muling naglakad.

Hindi niya akalaing makikita niya ito sa Santa Barbara.Nakailang ikot na rin siya sa lugar at nakapagtanong na rin kung may paupahang bahay na malapit sa lugar sa malas wala daw.Hindi pwede sa tinutuluyan niya dahil masyadong malayo sa target area niya.

Kailangan niyang gumawa ng paraan upang magawa ang mission niya ng walang bulilyaso.Inikotan na rin niya ang lugar kung nasaan ang warehouse.Walang mga kabahayan sa lugar bukod sa matataas ang pader nito.Malabong maakyat niya rin ang pader nito sa sobrang taas.

Dahan dahan niyang pinaandar ang motor na hindi na sinuot ang helmet.Sinundan niya ang dalaga bahala na kung saan siya mapadpad.Kung taga dito ang dalaga mas may alam ito sa lugar.
Kung kanina galing siya sa kaliwa kung saan siya nag ikot sa naturang lugar kung saan nandoon ang warehouse.Kumanan naman ang dalawa at pataas na lugar na tinatahak nila.

Napansin naman siya ng dalaga kaya naka pamaywang na huminto ito.Huminto naman siya sa tapat nito.

"Ako ba eh sinusundan mo ha?"

"Excuse me bakit naman kita susundan?"anang binata na hindi nawawala ang ngisi nito.

"Liar!At sino naman ang pupuntahan mo sa teritorio ko aber?"nakataas ang kilay na turan niya.

"Teritorio mo?Nabili mo na ba ang lugar na pupuntahan ko?"anang binata.

"Of course teritorio ko iyon dahil iyong sinasabi mo n pupuntahan mo eh walang iba kundi ang aking maliit na flower farm.At for your information wala ka naman ibang lugar na pupuntahan doon dahil nag iisang lugar na iyon.Medyo sulok na at mataas na lugar na iyong lugar ko Mister ang dami mo palusot."paliwanag ng talaga.

Natigilan naman ito sa sinabi ng dalaga pero muling ngumisi.

"At pwede ba hindi ko gusto iyang ngiti mo!"anang dalaga.

"Ganun ba?"nakakalukong ngumisi ito.

"Ngiting aso!dyan ka na nga!"anang dalaga na muling tinalikuran ito.

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon