Bumalik si Iago sa bahay ng dalaga upang manghiram ng kumot at unan.Ber months na kaya sobrang lamig sa lugar lalo na at gabi na.
Nakailang ulit ng kumatok ang binata sa pagkatok niya umawang ang pinto na hindi naman pala naka lock.Muli niyang tinawag ang dalaga pero walang tugon dito.
Nangahas ng pumasok ang binata bigla siyang nag alala.Biglang napatili ang dalaga pagkalabas nito ng banyo ng makita ang binata.Nakatapis lang siya ng maiksing tuwalya at katatapos niya lang maligo.
"Anong ginagawa mo dito?" nataranta siya hindi niya alam kung paano tatakpan ang katawan oo nga at nakatapis siya ng towel pero hanggang kalahti lang ito ng hita niya.
"Kanina pa kita tinatawag pero wala kang tugon at hindi naka lock ang pinto.
Pwede sa susunod mag lock ka naman paano kung may masamang loob na pumasok dito ha?"sermon ng binata."Teka teka bakit ikaw itong nanenermon ha?ikaw itong pumasok sa bahay ko?"
"Hindi naka lock iyong pinto mo natural pumasok ako ng umangat iyong pagkakalapat.Kaya sinasabihan kita para sa susunod matoto ka mag lock ng pinto."anito na napalunok ng madaanan ng tingin ang katawan ng dalaga.
"Iyang mata mo dudukutin ko iyan!"inis na turan niya dito ng mahuli niyang naglakbay ang mata nito sa katawan niya na dahilan ng pagkapula ng mukha niya.
Natawa si Iago,"Magbihis ka nga baka marape kita ng wala sa oras"biro nito.
"hoy at sa tingin mo papayag ako na marape mo?"bulyaw niya dito.
"At sa palagay mo may nagpapaalam na mangrape na kailangan pumayag?"nakakalukong tugon nito.
"Geh na magbihis ka na!"taboy nito at kampanteng naupo sa sofa.
"Ano ba kasing kailangan mo?"tanong ng dalaga.
"Gusto mo bang kausapin ako na ganyan lang ang nakatakip sa katawan mo?Well its fine with me uhmm nice view."nakakalukong saad nito.Malakas na tumawa ito ng batuhin siya ng dalaga nang nadampot nitong throw pillow na malapit dito.
Nagmamadaling nagbihis ang dalaga kung ano na lang nadampot niyang damit sa closet.
Nabubwesit siya kay Iago lalo na ang mga nakakalukong ngiti nito sa kaniya."So anong kailangan mo sa 'kin?"tanong niya sa binata ng makalapit dito.
Napalunok ang binata ng bumaba ang tingin niya sa mga hita nitong bilugan.Nakashort lang ng maiksi ang dalaga at sando na litaw ang cleavage.
"What?Ano papalitan mo ang suot ko?hoy lalaki matutulog na 'ko inistorbo mo lang ako."ani Jha.
Mahinang napamura ang binata dahil bigla siyang nag init.Nagtitimpi lang siyang hilahin ito.Lalo na at ilang linggo na siyang walang sex life.
"Kailangan ko ng unan at kumot masyadong malamig sa tree house."anito ni Iago na umiwas ng tingin sa dalaga.
"Wait lang po boss ha kukuha lang kita."anang dalaga na sinundan naman ng tingin ng binata.
"Shit!!"mura niya ng makaramdam ng kakaibang init sa katawan pati sundalo niya sumasalute.Tumayo siya at kumuha ng malamig na tubig sa ref baka sakaling mawala ang pag iinit na nararamdaman niya.Inubos niya ang tubig sa baso at muling binalik ang babasaging bote na may tubig.
Lumabas siya ng bahay ng dalaga hindi alintana ang lamig ng simoy ng hangin.Mas okay ng dito siya mag hintay sa labas at baka kung anong kahalayan pa ang tumakbo sa utak niya at magawa niya pa sa dalaga.Maaga pa lang lumuwas na sila ng Maynila upang maideliver ang mga bulaklak na gagamitin sa isang kasal. Si Iago ang personal driver niya dahil ito ang kapalit ni Mang Boyet.Alangan na alangan siya na maging driver niya ito.No choice naman siya dahil wala siyang ibang driver at kailangang makarating ang mga bulaklak na supply sa kaniyang kliyente.
Maliit man ang flower farm niya marami naman siyang client na nagtitiwala sa kaniya kaya naman ginagawa niya ang lahat wag lang masira ang tiwala ng mga ito sa kaniya.Samantala kahit abala ang mga tao sa maliit na farm ng dalaga ay patuloy pa ring ginagampanan ni Iago ang kaniyang trabaho.Patuloy niyang minamanmanan ang mga tauhan ng nasabing warehouse na tanaw na tanaw niya sa kaniyang kinatatayuan na tree house.
Nagawa na rin niyang bumaba at tinawid ang ilog at naglagay ng mga spy camera sa sa labas ng warehouse dahil hindi niya pa magawang pasukin ang loob nito.Nasilip niyang marami ding tauhan ang nasabing warehouse na ginagawang shabu lab ng isang negosyante na may kapit sa isang opisyal ng goberno.Ingat na ingat rin ang binata dahil hindi niya pa alam kung sino ang kaniyang binabangga.Bumutas sa pader si Iago para makalabas at may kataasan ang lugar ng kinaroroonan niya.Umiiskapo siya sa farm at bumaba sa maliit na ilog upang tawirin ang hanggang binti niya ang tubig nito.May kataasan rin naman ang pader sa likod ng warehouse kaya naman gumawa siya ng butas upang masilip ang looban.Ingat na ingat siyang wag lumikha ng ingay.Ang maliit na butas ay unti unti niyang palalakihin upang makapasok siya sa loob pag may pag kakataon.Itataon niyang tulog na ang mga tauhan ng nasabing warehouse na pinag hihinalaang ginagawang shabu laboratory ng isang Chinese Businessman.
Hindi naman nahirapan ang binata dahil ang pader ay may kalumaan na at basa lagi ng tubig kaya madali na siyang nakagawa ng butas sabandang ibaba upang madaling matakpan ng mga damo.Gumawa rin siyang butas nanilagyan niyang spy camerang hindi siya mahirapan sa pag monitor ng mga tauhan upang makapag plano siyang makapasok nang hindi papalpak.
Matapos niyang maikabit ang spy camera muli niyang inakyat ang lugar kung saan ang farm.May kataasan kasi ang lugar kaya medyo nahirapan siya umakyat at nadudulas pa siya pabalik.Binungkal na lang niya ang lupa upang makagawa ng maapakan na hindi siya madudulas paakyat.Nang makarating sa itaas at makasuot sa butas ng pader ay muli niyang tinakpan ng mga damo at mga pinutol na sanga ng kahoy ang ginawa niyang butas sa pader,upang hindi mahalata kung sakaling may tauhan sa farm ang maligaw sa gawi nito.
"Fuck!!"napamura siya ng makita ang itsura ng suot niya.Ang puting tshirt niya ay natalsikan na ng putik.
Dahil nga sa umulan kagabi madulas ang lupa.Kaya nga lalo siyang nahirapan umakyat kaya binungkal niya ang lupa upang gumawa ng maapakan na magiging daan niya paakyat at pagbaba sa susunod na papasukin na niya ang nasabing warehouse.Natanaw niya ang si Jharine na papalapit sa lugar niya kaya naman dali dali siyang lumayo sa lugar na kinaroroonan niya ng hindi nito mapansin ang binutas na pader.
Muling napatingin sa suot at muling napamura kaya hinubad na niya ang suot na tshirt.
Kanina pa hinahanap ni Jharine si Iago dahil may biglaang deliver ng mga bulaklak at ibang ornamental plants na kailangang maihatid kaya naman naisipan niyang puntahan sa tree house ang binata.
Kung bakit kasi hindi niya kinuha ang numero nito upang itext o ang matawagan ito pag kailangan niya.
Hindi iyong mukha siyang shunga na kailangan pang hanapin ito o puntahan.Napataas ang kilay niya ng makita ang hubad barong binata.
"Shit na pandesal!Ang aga aga ginugutom siya bakit ba kasi naka balandra sa paningin niya ang katawan nito.
Lalo naman tumikwas ang kilay niya sa itsura nito maputik ang mamahaling tsinelas nito at may mga putik ang mga paa at binti nito.
"The last time I check flower farm ang farm ko at hindi palayan.You looked like nagtalok sa itsura mo."ani Jha sa binata.
Muling tumingin sa ibabang parte niya ang binata at muli ring binalik ang paningin sa dalagang kaharap.
"Ah nadulas kasi ako!"ani Iago na itinuro ang parteng madulas.
"Ay tanga gwapo nga tanga naman!mahinang bulong ng dalaga.
"Are you saying something?"tanong ni Iago na nag paangat sa kilay nito.
"Ah wala sabi ko baka pwede unahin mo trabaho mo bago ka magliwaliw dito sa farm ko."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ng dalaga.Napalunok sa itsura nito.
Maiksing short lantad ang bilugang hita nito at naka spagetti na sando lang ang dalaga kaya naman litaw na litaw ang cleavage nito na nagpapalunok sa binata sabay iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Stolen Heart
RomansaNaisipang mag joiner ni Jharine sa isang grupo upang sumama sa trekking sa Mt.Balagbag.Ok naman siya for beginners kaya go ang dalaga bukod sa budget friendly lang ang lugar. First time niyang sumama mag trekking kaya naman madali lang siyang hingal...