Chapter 4

70 6 0
                                    

Kahit kulitan niya ang dalaga ay hindi ito pumayag hindi naman niya maaring sabihin dito ang dahilan kung bakit nagpupumilit siyang mamalagi sa flower farm nito baka mabulilyaso pa ang mission niya kung may makakaalam na iba.

Ilang araw na rin siyang pabalik balik sa flower farm ng dalaga.Ayon naman sa isang informant niya hanggang ngayon ay wala pa ring lumalabas sa warehouse na ginagawang drug laboratory.Wala daw schedule ang labas dito.Itinatawag lang ng big boss kung kailangan maglabas ng mga drugs ng hindi napapansin.

Napansin niya si Mang Bhoyet na galing pa ng bayan upang bumili ng gamot ng asawang may sakit.
Napag alaman niyang may trangkaso ang asawa nito na si Aling Beth.
Pinuntahan niya at binisita niya ang pamilya nito.

Sa naisip niya sa gagawin niya no choice ang dalaga na tanggapin siya bilang trabahador nito.
Si Mang Bhoyet ang nagsisilbing driver ng dalaga pag lumuluwas ng bayan at ng Metro Manila upang idelever ang mga bulaklak at ibang halaman na pambenta.At dahil si Mang Bhoyet lang ang nag iisang tauhan niya na marunong magmaneho mapipilitan ang dalaga na tanggapin siya kahit ayaw nito.

Nag offer ang binata sa pamilya ni Mang Bhoyet na malabong tanggihan nito.
Bukod sa nagkakaedad na ang mag asawa naisipan niyang mag offer ng bakasyon ng mga ito na siya ang gagastos.Nag bigay siya ng 50 thousand for two months allowance ng pamilya nito plus sagot niya pa ang
accommodation at pagkain ng mga ito.

Sa edad ng mga ito mabibigyan niya pa ng chance na makapag relaks ang mag asawa at makapahinga sa trabaho nito bukod pa sa galing sa trangkaso si Aling Beth mabibigyan din nito ng sapat na panahon at makaka pagbonding kasama ang asawa nitong si Mang Bhoyet at nag iisang anak nila na binatilyo na nasa edad na mag lalabing isang taong gulang.

Nung una nag aalinlangan ang mga ito na tanggapin ang offer niya.

"Mang Bhoyet,Aling Beth wag po kayong mag alala iyong trabaho niyo ako po muna ang sasalo kahit iyong sasahorin na ibibigay sa kin ibibigay ko po sa inyo.At makakaasa po kayo matapos ang bakasyon niyo sinisiguro ko po na may trabaho pa kayong babalikan."kumbinsi ng binata sa mag asawa.

Sa isang beach resort ng La Union niya dinala ang pamilya ni Mang Bhoyet.Personal niyang hinatid ang mga ito at binigyan niya ng cellphone upang makontak niya ang mga ito.

"Wow ang ganda dito 'Nay"bulalas ng binatilyong anak ng mag asawa.
Makikita sa mga mukha nito ang saya na para bang ngayon lang nila naranasan ang makapunta sa ganung lugar at makaranas ng bakasyon na walang iintindihin kung hindi ang magsaya at magliwaliw sa buong buhay nila.

"Sir Iago maraming maraming salamat po.Kung hindi ho dahil sa inyo hindi namin mararanasan ang ganitong bakasyon na hindi namin iisipin na lilipas ang mag hapon na hindi kami kakayod upang may makain.Maraming maraming salamat sir Iago."Naluluhang nagpasalamat si Mang Bhoyet sa binata.

Tinapik naman ng binata ang matanda.
"Wala ho iyon wag ho kayo mag alala iyong iniwan niyong trabaho ako na ho ang bahala.Ako na po bahalang mag paliwanag sa amo niyo.

Isa rin sa dahilan kaya nawala ang pag aalinlangan ng mag asawa dahil sinabi niyang girlfriend niya ang amo ng mga ito.Napag alaman niya kasing wala pa itong boyfriend kaya niya nasabi iyo para makumbinsi ang mag asawa.Hindi lang siya madalas makita ng mga ito dahil busy siya sa Manila at ang dalaga ang bumibisita sa kaniya.Iyon ang palusot niya sa mag asawa kaya.

Sinabi niyang luluwas ng Maynila ang dalaga para idilever ang mga fresh flowers sa flower shop ng kaibigan nito.

Kinahapunan nagtungo si Iago sa flower farm ng dalaga.
"Ikaw na naman?Anong ginagawa mo dito?"ani Jharine ng makalapit ang binata sa kaniya.

Binagsak nito ang dalang bag sa bakanteng upuan.Tumaas ang kilay ng dalaga sa dala nito.

"Kung kukulitin mo lang ako sinasabi ko sa iyo hindi ko kailangan ng panibagong trabahador."aniya.

Napangisi naman ang binata na umupo sa katabing upuan nito at ininom ang tea na iniinom ng dalaga.Siguro naman wala itong kung anong iniligay sa sariling inomin kaya safe siya kung inumin niya ito.

"Akin iyan bakit mo ininom?"tinapik niya ang kamay nito.

"Wala akong tiwala sa ibibigay mo sa akin."nakangisi niyang tugon dito na inirapan siya.

"Bakit nga nandito ka na naman?"

"Lets just say na Im here because you needed me."he wink at her.

"Wag mo nga akong pinaglulukong bwesit ka!"naasar siya pag ngisi nito na para bang may kalukuhang gagawin.

"Well,let's just say Im proclaiming myself as a new hired employee,laborer or your  personal driver whatever."anito

"Pinagsasabi mo dyan!Nandyan naman si Mang Bhoyet."

"Oh I forgot to say na hindi nga pala makakapasok sa trabaho si Mang Bhoyet at Aling Beth.Pag pasensiyahan mo na kung hindi nakapag paalam sila sa iyo."

"Ano?Alam niyang kailangan ko siya bukas may deliver kaming mga bulaklak sa Quezon City.Magagalit si Marian pag hindi na deliver iyon bukas."

"Dont worry baby nandito naman ako."he wink na nagpairap sa dalaga.

"Ako ba talaga pinagluluko mo?nag uumpisa na siyang mainis ulit dito.

"Hindi ka ba naawa dun sa mag asawa?May edad na sila at galing sa trangkaso iyong asawa ni Mang Bhoyet kaya binigyan ko sila ng bakasyon na makakapag relax sila after two months pwede na ulit silang bumalik sa trabaho nila.Sana naman ay wag mo silang tanggalin dahil sa ginawa ko.Naawa lang naman ako sa kanila gusto ko lang maranasan din nila mag relaks ng walang iniintindi na kailangan nilang kumayod sa isang araw para may makain."paliwanag ng binata.

"Naawa or sinabotahe mo lang talaga ang trabahador ko para makuha ang gusto mo?"anang dalaga.

"uhmmm....both!ngumisi ito sa kaniya kaya hinampas niya sa braso ang binata.

"aww..nakakailan ka na sa akin ah!Isang hampas pa at hahalikan kita."banta ni Iago.

"Subukan mo at baka hindi ka na makaapak sa lugar ko."

"hey nagbibiro lang ako"ngumiti ito sa dalagang naiinis na naman.

"Bakit ka ba nakikialam ha,problema ko tuloy kung sino mag drive may deliver bukas ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal."

"Hey baby Im here I'll help you!"ani Iago.

"Dont call me baby!"

"Alright sweetheart!nakangisi ito.

Sinamaan ito ng tingin ng dalaga.
"I have no choice kundi ang tanggapin ka.But the problem is hindi kita pwedeng patuluyin sa bahay at wala ring bakanteng bahay na tutuluyan mo."anang dalaga.

"No problem I can stay at the tree house anito na itinuro ang tree house na abot tanaw.But you need to feed me baby"nakangisi itong naglakbay ang mata sa katawan ng dalaga ng tumayo ito.

"Bastos!reak ng dalaga ng mahuling naglakbay sa katawan niya ang mga mata nito.

"Ako bastos?Im just thingking about food baby."anito na nakangiti sa pagkaasar ng dalaga.

"Food my ass iba iyang tingin ng mga mata mo!tusukin ko iyan or baka naman sabihan mo pa 'ko na mag diet bwesit k!"

"No!You are sexy and there is no doubt about it."anito na natawa ng maalala ang sinabi niya nung nag trekking sila.

Inirapan lang ito ng dalaga at sinabihan na kailangan mas maaga silang makaalis para lumuwas ng Metro Manila.

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon