PART I - SULAT

14 0 0
                                    

SIMULA.

May dalawang magkapatid na nag ngangalang bryce at juli si bryce ang panganay at nasa ika siyam na baitang na ito ng highschool at si juli naman ang bunso.
Na, nasa ika anim na baitang.

Isang hapon ..
Kakauwi lang ng mag kapatid sa kanilang bahay..

(Bryce): Maaa?... paaa?...

(Sigaw ni bryce,
ngunit walang sumasagot ng may makita si juli na papel na nakadikit sa ref nila..)

(Juli): kuya! may iniwang sulat sila mommy para saatin oh..

(Bryce): Patingin nga!

(Sulat) : Anak umalis lang kame saglit ng papa niyo wag kayong mag alala pagkagising niyo andyan na kame, Oo nga pala andiyan ung ulam sa dining table iinit nyo na lang sa microwave, At i lock nyo ang mga pinto at Siguraduhing nakatanggal lahat ng saksak bago kayo umakyat at matulog, pinagbilin ko rin kayo sa ating kapit bahay na silip silipin ang bahay natin. Oh sya dito na lang i love you mga anak! see you bukas at huwag masyadong mag puyat. Goodnight.

(Bryce): oh bukas na daw uuwe sila mommy.. Halika na kumaen na tayo, At mamaya may ituturo ako sayong bagong laro.

(Si bryce ay isang makulit na bata at mahilig itong mag experimento ng mga bagay bagay)

(Juli) : hay nako kuya, Ano nanaman yang mga gagawen mo! tsk tsk..
puro ka kalokohan kuya!

(Bryce) : hindi, maganda to tinuro saken to ng barkada ko, promise! Basta bilisan mo na kumaen at ikaw ang maghugas ah !

(Juli): andaya mo talaga kuya lageng ako !! Hmmpff!

(Natapos ng kumaen ang magkapatid at naghugas na ng pinggan si juli .
Pagtapos niyang maghugas nag palit na sila ng kanilang pantulog.)

(Bryce): oh ano na?! Halika na! Hawakan mo yung kamay ko..

(Juli): ehhhh ano ba ang gagawen naten ?

(Bryce): wag ka ng madaming tanung kumapit ka na!

(Planong takutin ni bryce si juli sa pamamagitan ng pagtatawag ng espirito, natutunan niya ito sa kanyang kaibigan,
si bryce ay hindi naman talaga naniniwala dto kaya naman susubukan niya ito.)

(Bryce): pumikit ka juli , (at si juli ay pumikit) , espirito tinatawagan kita. Mag paramdam ka sa amin. "IYUM TARUM SAN DENANDUM CUMBONG SIERRA LA POR DAEMONIUM" ..

(pag babasa ni bryce sa mga salita na nakasulat sa maliit na pirasong papel, ibingay ito ng kaibigan niya sakanya, kung sakaling gusto niya itong gawin ito ay uulitin ng 13 na ulit upang gumana raw ito, pinaulit ulit ni bryce ang dasal, Ngunit walang nangyari..)

(Juli) : wala namang nangyayare eh hahaha nananakot ka lang Hindi na ako natatakot noh ang laki laki ko na kaya!

(Bryce) : Tssss.. lika na nga umakyat na tayo!!Inis nitong sabe ..

(Pagkaakyat nila sa kanilang kwarto ay agad agad silang nakatulog ..)

-3:15 am-

(Na gising si juli at nag papasama ito kay bryce sa cr sapagkat naiihi na daw ito,
Ngunit ang kanilang cr ay nasa baba pa kaya naman natatakot si juli. Di nagtagal si bryce ay naawa kay juli dahl mangiyak ngiyak na ito.)

(Bumaba ang dalawa binuksan nla ang ilaw at agad na tumungo si juli sa cr. Habang nasa cr si juli pumunta si bryce sa ref upang kumuha ng tubig. Ngunit bago niya buksan ang ref ay may bigla siyang narinig na mahinang iyak at tawa sa kanyang likuran !!!
Bigla siang kinilabutan at parang nanlalaki ang kaniyang ulo at tila hnd siya makagalaw dahil sa sobrang takot ! Dahil ang iyak at tawa ay parang palapit ng palapit sa kanyang tenga at batok!!!
Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob at biglaan siyang humarap sa kanyang likuran na pinanggagalingan ng nakakakilabot na tunog laking hinga niya na ang tanging nakita niya ay ang kapatid niyang si juli..)

(Juli): oh?.. Bakit parang gulat na gulat ka? bakit pinag papawisan ka kuya?

(Bryce): Wala nagulat lang ako sayo! tahimik mo kase gumalaw.. (pag kakaila nito)
Teka nga kukuha lang ako ng tubig!

(Juli): Sige, kuya?... uhmmm...
May naririnig kabang kakaiba kanina?
Para kaseng may umiiyak tsaka tumatawa?
ang akala ko un ang dahilan kung bakit parang kinakbahan ka...

(Biglang napatigil si bryce sa kaniyang narinig kinabahan ulit sya.. sapagkat totoo pala ang kanyang narinig akala niya ang guni guni lamang niya ito..)

(Bryce): OO! na.. na rinig ko un akala ko imahinasyon ko lng hindi pala!!!

(Ng binuksan niya na yung ref at kumuha ng maiinom ay agad agad niya itong nilagok napansin ni juli parang may gumagalaw sa loob ng baso !!!)

(Juli): AAAHHHHHHHHHH!!!! KUYAAAAA YUNG INIINOM MO PURO UUOOD!!!!!!

(Biglang itinapon ni bryce ung tubig at sumuka! Habang sumsuka si bryce ay meron nanaman silang narinig na tawa yung tawa na yun ay kakaiba sapagkat nagiiba iba ito ! Minsan ang tawa ay parang tawa ng bata na bglang magiging tawa ng matandang babae tapos biglang magiging malademonyo yung tawa !!
Takot na takot ang dalawang magkapatid sa kanilang naririnig hindi nila alam ang kanilang gagawin. Ng may marinig ulit silang naglalakad at tila bata dahil sa maliliit na hakbang nito!!
Nagulat sila dahil tila naaninag nila ang hugis ng katawan nito tila maliit na hugis at papalapit sa kanila ng bigla itong nagsalita ng malademonyong boses ang gamit !!)

(Bata): TUMAKBO NA KAYO!!!! Hahahahaha!! Pagbilang ko ng "13" HAHABULIN KO NA KAYO 1 ... 2... 3 ... 4... 5...6..... HAHAHAHAHA!!!

(Takot na takot ang magkapatid! Iyak sila ng iyak habang tumatakbo paakyat sa kanilang kwarto, Tila dahan dahang sumusunod and demonyong bata..)

(Bata): HAHAHAHA SIGE LANG TAKBO ! 7..... 8..... 9 ..... 10.....

(Nakaayat na sila sa kanilang kwarto at dali daling inilock ang pinto !!
Hingal na hingal silang umupo sa kama at nagisip ng gagawin tila hindi din makapaniwala sa mga ngyayari sakanila ..
Biglang nakita ni bryce ang telepono! At naisipan niyang humingi ng tulong sa mga pulis !!
Bigla silang nabuhayan ng loob !!
Dinial ni bryce ang emergency number. At bigla itong nag ring .
Ring .
Ring.
Ring.
Ring.)

(Ng mayroong sumagot ....)

abangan...

DASALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon