Cirrus 27

146 5 0
                                    


Chapter 27
SORRY

Tinitigan ko ang maputlang mukha ni Merlinda sa hospital bed. Tulala ako buong gabi. Ni hindi ako nakaramdam ng antok pagkatapos naming isugod si Merlinda sa hospital.

She was poisoned from the pineapple juice. Hindi sira 'yong pineapple juice kaya hindi mula sa pagkasira nito ang pagkalason niya.

The poison was mixed there... intentionally.

Pumikit ako nang mariin nang maalala si Sojin. Siya ang nagkukumahog kanina na isugod si Merlinda sa hospital.

Hindi ko siya kinausap. He was asking all the time if I'm okay pero hindi ko talaga siya magawang kausapin. Alam kong hindi tama lalo na dahil hindi ko naman napatunayan... pero siya lang talaga ang pwede kong pagdudahan ngayon.

"Tash..." It was Ulysses who's beside me, watching me the whole time. "You need to sleep now, baby."

Hindi ako sumagot.

Nakakatitig lang ako sa kasambahay kong halos nagmumukha ng patay sa kama.

I was so scared... that's the truth. Hindi ko maatim na magpahinga ngayon pagkatapos ng nangyari.

The pineapple juice is supposed to be mine... Nakakatakot isiping kapag hindi ko 'yon tinanggihan kay Sojin, ganyan na ganyan ang itsura ko ngayon... kagaya ni Merlinda.

Kumalabog ang pinto nang pumasok mula si Sojin doon. Lumabas siya kanina sa kwarto at hindi ko na inalam kung bakit.

"I've got the juice investigated already. Malalaman natin bukas kung anong klaseng lason ang nasa juice at bakit ang bilis agad ng epekto nito." aniya.

Nangingilid ang luha ko. Gusto kong maiyak sa pagod, takot at pagkabigo. I stood up and face Sojin with my face full of dreadful reaction.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Sinalubong niya ang mga mata ko at seryosong tumango. "Gusto rin kitang makausap."

"Sa labas."

He nodded again. I was about to walk out the door nang biglang may pumigil sa kamay ko.

"Saan kayo pupunta?" Ulysses walked closer to me.

Pagod ko siyang tinitigan. "Sa labas."

"Bakit hindi rito?" mahinang tanong niya, ang mga mata'y mapupungay na nakatitig sa akin. "Hindi ko ba pwedeng marinig?"

"This is our business."

"Your business is my business too... I..." He sighed miserably. "Hindi ba talaga pwede?"

"Dito ka na lang, Captain. Bantayan mo si Merlinda. Babalik din naman kami." si Sojin.

Sinulyapan niya si Sojin at tiningnan ulit ako. He stared at me deeply. Matagal pa bago niya ako tuluyang pinakawalan.

Dire-diretso ang lakad ko papalabas ng hospital. Nang nasa parking na kami'y hinarap ko agad si Sojin.

Parang pinipiga ang puso ko nang makita siyang wala man lang kakurap-kurap na sinalubong din ang mga mata ko.

"W-We're friends right, Sojin?" My voice cracked. I can't help it.
My heart is aching so much.

"Best friends. Best buddies. Best pals. Hindi lang naman tayo basta magkaibigan lang, Atasha." He smiled and again, my heart broke.

Nanginginig akong tumango. "Kaya ba ginawa mo 'yon? Dahil best friend ang turing mo sa akin tapos ako, kaibigan lang ang turing sa'yo?"

"Kaibigan lang din ba talaga ang turing mo sa akin?" He smiled again but I can see that his eyes getting sadder and sadder. "Am I being accused, right?"

Tent in the Cirrus (Cloud Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon