Chapter 1

23 9 1
                                    





"Zerah!! Matagal kapa!!" Sigaw ni Jessa. Nandito pa ako sa kwarto ko. Nag aayos ng buhok ko.

"Ito na bababa na!"

Bumaba na din ako dahil first day of being a senior students ko ngayon. Inayos ko na ang backpack ko. Di ako nag uniform, first day pa naman e! Kaya nagpantalo ako at naka vneck tshirt. May cap na black pa akong suot. Ready for school na.

Namg makababa ako ay nakita ko si Jessa na nakapamewang sa baba ng hagdan. Naka uniform. Ang uniform ay maiksi hanggang gitna ng hita lang ang palda tapos mahabang manggas ang sa ibabaw. Black coat siya tapos puti ang sa ilalim.

Napairap naman ako dahil di ko maimagine na magsusuot ako ng ganon. Eh sa wattpad ko lang nababasa yon, na may ganong klaseng uniform na makikita ana ang tinatago mo. Natawa naman ako sa naisip ko.

Well, in wattapd there nothing is impossible. Author's will do everthing they want to writs there story.

"Tagal mo ah!" Bungad niya sa akin.

"Hinanap ko pa to oh." Turo ko sa cap ko.

"Yan na naman. Eayos mo nga kung saan mo yan ilalagay. Ano kaba!"

"Alright ate," pang iinis ko. Umirap nalang siya at diretso na kami palabas. Naabutan namin si Auntie na nasa counter ng carenderia.

Pag may klase kami ni Jessa ay may makakasama naman si Auntie dito. Kilala lang din namin, pero pag wala ay kami ulit dalawa ni Jessa.

"Ma, alis na kami." Nilingon naman kami ni Auntie ng magsalita si Jessa.

"Auntie babye! Ingat kayo dito." Kinaway ko pa kamay ko sa kaniya at ngumiti. Sinamaan naman ako ng tingin ni Tita, napangiti naman ako.

"Oh sige ingat kayo ah. Bantayan mo yang pinsan mo!" Banta niya pa ng na kay Jessa ang paningin. Napangiwi naman ako dahil doon.

"Mama naman, di na naman yan bata."

"Kahit na! Kilala mo naman yan."

"Auntie naman, di naman po ako magwawala doon sa school at sasagutin ang teacher ko." Nakanguso kong sabi.

Babatuhin sana niya ako ng sandok pero pumunta ako sa likod ni Jessaat nagtago doon.

"Ikaw bata ka. Huwag ka lang talagang pasaway doon, dahil nako.. nako.. malilintikan ka sa akin."

Umalis naman ako sa likod ni Jessa at tumingin kay Auntie at ngumiti

"Oo naman po."

"Oh siya, sige na baka malate pa kayo. Ingat!"

"Sige po ma.."

Nag abang kami ng trycicle dito sa tapat ng bahay namin. Pero nagulat ako dahil may umakbay sa amin. Paglingon ko si Miggy, nakangiti sa amin.

"Buti nakita ko kayo, sabay na tayo." Masiglang sabi niya.

"Oh sige," ako ang sumagot. Nang may trycicle na ay sumakay na kami doon, sa likod ng driver si Miggy at kami ni Jessa dito sa loob.

Ang kinuha kong course sa grade 11 ko ay Accounting business and Management. Wala na akong choice e! Oo, wala na akong choice.

Ayokong kumuha ng TechVoc, ayoko din ng GAS, mas ayoko naman ng HUMS at ito lang nagustuhan ko.

Ano nga bang nakakagusto sa pagkuha ng course na numbers? Natawa naman ako sa naisip ko. Wala akong kaalam alam dito, pero alam kong mahirap to. Accounting palang, baka magmukha akong number nito. Business? Siguro may alam ako. May carenderia naman si Auntie. At kung Management naman? May alam ba ako sa pagmamanage eh lagi nga akong napapagalitan ni Auntie. Kinukurot niya pa singit ko.

REYALIDAD AT IMAHINASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon