Chapter 1

5 0 0
                                    

Una

"WAHHHHH!!"

"MAMA!!!"

"AHHHHH!"

"AYY BUTIKI!"

"HOY LAYO!! SHENG-ENA NIYO!"

Sa nangyayari ngayon sa buhay ko hindi ko na maalala kung ano ang magiging ambag ng sitwasyon na to sa pagiging isang studyante ko.

"WAHH! ANO BA! AMPA-PANGET NIYO HUHU!"

Halos mabingi na ako sa ingay dito sa loob ng Horror booth, panay ang sigawan nila—

—or 'namin' pala. Kasama pala ako dun. Pero hindi na ko sigurado kung ang sigaw ba nila ang nagpapabingi sakin gayong may upbeat sound and booze na ata sa dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko!

"Sheng-ena!! Sino nga ulit yung nag ayang pumunta dito! Akala ko ba bearable!?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Eh pinipilahan kasi eh kaya akala ko masaya! Tsaka hindi lang naman yun yung dahilan kung bakit eh, diba nga dahil sa mga poging civil engineering student na nakaassign dito?" Sagot ni Shay na una atang nirereport-an pag tungkol sa civil engineering student or let me specify it, pag tungkol sa mga POGING studyante ng civil engineering department.

Hindi ko maalala kung bakit ako sumama sa kanila in the first place. I became aware sa paligid namin, ina-anticipate ang mga studyanteng naka balat kayo bilang mga nakakatakot na elemento. I bet matataas ang grades nito after, kinareer ba naman tong horror booth na ito na sa sobrang galing at realistic nila ay magkaka heart attack na yung susubok pumasok!

"Oo nga pala! AYY PUTEKK!! WAHHH!"

Napasigaw kaming magkakaklase sa biglaang paglitaw ng pugot ulong babae, sheng-ina oh! Manong sinabihan muna kami na lalabas na siya! Di kami prepared!

"Wahhh wala nakong pakee sa mga poging yun! Gusto ko nalang makalabas dito! Aatakihin nako sa puso!"

Lakad takbo na ginagawa namin at nahati narin kami, pito kami nung pumasok dito at ngayon apat nalang kami.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Shay nang dumako kami sa isang parte ng horror booth na mas madilim kesa sa dinaanan namin kanina. Kahit alam kong peke lahat ng ito hindi ko mapigilang matakot talaga lalo pa ng makarinig ng nakakatindig balahibong tunog na madalas ay napapakinggan sa mga horror movie pag lalabas at magpapakita na ang multo!

"Huhuhu! Ayoko na! Wala bang medic dito? Aatakihin na talaga ako!"sabi ng isa sa mga kasama ko

"Nagbayad naman tayong lahat ng insurance diba? Insured naman na tayo kaya sagot na tayo ng school niyan" Biglaang sabi ni Shay

Napatingin ako sa kanya. Well... Sa banda niya ata? Di ko na siya makita sa sobrang dilim eh.

Parang gusto kong matawa dahil sa sinabi niyang yun kung di lang ako natatakot ngayon

"WAHHHHHH!!! MULTO!!!!"
"AHHHH!!!"

Napatakip ako sa mata ko dahil sa kilabot ng masaksihan ko ang nakakagulat sa takot na istura ng isang to, lalaking may hawak ng itak at duguan. Wari mong initak ang sarili sa bandang tiyan dahil sa kitang kita na  lasog lasog na internal organs. Sheng-Ena!! Bakit parang totoo!? Tumutulo pa yung dugo!

Hindi ko namalayan kung gaano katagal na ganoon ang reaksiyon ko dahil pag tanggal ko ng mga kamay ko sa muka ko, putek wala nakong kasama!

"Shay!?"

"Nadia!? Shay!? San na kayo? Sheng-ena naman oh!"

Parang gusto kong maiyak dahil dito, ang kaalamang hindi naman to totoo nalang ang pumipigil sa malikot kong isipan na umiyak dahil sa takot

BRING SADNESS TO MY LIFE Where stories live. Discover now