Naglalakad ako sa madilim na pasilyo ng paaralan ng Guistavo Senior High School kung saan ako nagtuturo at kung saan din ako nagtapos ng senior high, nang makaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin sa likod ko. Ewan ko ba, napakahilig ko kasing umuwi ng gantong oras dahil ayaw kong nagdadala ng trabaho ng paaralan sa bahay.
Habang pasakay na ako nang sasakyan ko ay nakaramdam nanaman ako ng tila may umihip na hangin sa gilig ng aking kaliwang tenga. Kalalake kong tao pero hayop ‘tol, nakakakaba.
“Sir Ace Vlad Lassitter!” tinig na nagmula sa likod ko na agad ‘kong ikinalingon. Sino namang tatawag sa akin ng alas nuebe ng gabi sa eskwelahan na ‘to? Malabong si Kuya Migz ang tatawag sa akin dahil hindi pa oras ng pag-ikot non sa eskwelahan.
Isinara kong muli ang nakabukas na pinto ng sasakyan ko upang siyasatin ko kung sino bang herodes ang tumawag sa akin. Tinig pa man din ng isang babae, baka mamaya ay may nalock palang estdyante dito at hindi napansin.
“Sino ‘yan!?” pasigaw na tanong ko upang kahit malayo man ang taong tumawag sa akin ay marinig niya ako.
“Sir Ace Vlad Lassitter!” pag uulit lamang nito sa pangalan ko.
“Sino ka ba? Lumabas ka kung nasaan ka man at mag-usap tayo. Anong oras na nasa eskwelahan ka pa,” panenermon ko dito.
“Sir,” ganon na lamang ang gulat ko nang ang tinig ay tila nasa likuran ko na lamang. Agad akong napalingon at tumambad sa akin ang isang babaeng estudyante na sa wari ko ay hindi din naman nalalayo sa edad ko. Bente anyos pa lamang ako at sa wari ko, ang babaeng kaharap ko ay nasa edad disiotso.
“Anong ginagawa mo dito sa eskwelahan ng ganitong oras? At isa pa, parang hindi kita kilala? Parang hindi naman kita estudyante?” tanong ko rito ngunit imbes na sumagot siya ay ngumiti lamang siya sa akin saka ako biglang nilundag ng yakap na napakahigpit.
“YES! YES! YES! ATLAST, I FOUND SOMEONE WHO CAN SEE ME!” sa gulat ko ay bigla ko siyang naitulak na agad naman niyang ikinasibangot. “You’re such a snob!”
“Ano!?” halos hindi ko masabayan ang mga pangyayari. Anong pinagsasabi ng batang ito. “Iha, mabuti pa umuwi ka na. Anong oras na, hindi ka ba hinahanap ng parents mo?” usisa ko.
“Nope! I’m living on my own Sir,” wika nito sa akin saka muling ngumiti. Doon ko napagmasdan ng mabuti ang itsura ng dalagang nasa harap ko. Maganda ang hubog ng kanyang mapupulang labi, mapungay ang kanyang mga mata na animo nangungusap, maganda ang pagkakalapat ng kanyang ilong, at maganda din ang malasutla niyang balat at mahabang tuwid na buhok.
“A-Anong ginagawa mo dito?” hindi ko alam pero bigla na lamang akong nautal ng mapagtanto ko ang kagandahan niya.
“Well honestly Sir, I’ve been waiting for you to notice me but it looks like na after six months ngayon mo palang ako napansin,” may himig pagdadamdam ang tinig nito.
“Anong ibig mong sabihin? Six months ago? Eh kakapasok ko pa lang noon sa eskwelahan na ‘to,” pang uusisa ko dito.
“Hay naku Sir, basta. Ang mabuti niyan Sir, isama mo muna ako sa bahay mo at doon ako magpapalipas ng gabi,” suhestyon nito na ikinalaki ng mata ko.
“What are you saying?”
“I’m saying Sir that I want to spend the night in your house,” confident na sagot naman nito.
“Are you insane?” hindi ko napigilang wika ko dito. “Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan mo.”
“Is that even a problem Sir? E ‘di magpapakilala ako. I am Anaiah Nizhel Hemsworth,” saka pa siya humalukipkip na tila nagmamalaki.
