ISANG umaga ako’y nagising sa isang malakas na tunog ng patak ng ulan. Agad akong tumayo at nagtuloy sa kusina. Nadatnan ko siyang nakatingin sa akin habang nakangiti at nakaupo sa pandalawahang lamesa na para lang talaga sa aming dalawa.
“Ang aga mo yatang nagising Drew?” puna ko dito na sinagot lamang muli nito ng ngiti kaya't humarap na lamang ako sa lababo para mag ayos ng aming agahan.
Sanay naman na ako na ganyan si Drew, madalang magsalita. By the way, I'm Yla Buenavista and he's, Drew Villafranca my bestfriend. Apat na taon ang tanda ko sa kanya. I’m 28 at 24 naman siya.
Siguro nagtatakha kayo kung bakit magkasama kami sa iisang bahay ni Drew, ano? Sapagkat sa iisang kompanya lang kasi kami nagtatrabaho ni Drew kaya't napagdesisyonan namin na magrenta nalang dito sa isang apartment na malapit lamang sa aming pinagtatrabahuhan. Mas madali din kasi sa amin ang makapasok at iwas hassle na din sa trapik dahil walking distance lang naman. Awkward diba dahil babae't lalake kame? Pero hindi. Sapagkat sanayan lang naman 'yan. Isa pa halos sabay na din kaming lumaki ni Drew.
Natapos na akong magluto kaya't inihapag ko na sa lamesa ang pritong itlog at sinangag kong kanin. Nakita ko naman na napatingin siya sa mga ito kaya nagsalita ako. “Baliw na ito,” patawang pagsambit ko. “Kain na. Wala namang lason 'yan. Porke't ngayon lang ako nagluto ganyan ka na makatingin?” wika ko saka ngumiti.
Naupo na ako at nagsimula ng kumain habang siya ay ramdam kong nakatingin lamang sa akin. “Kain na uy!” bulyaw ko dito ngunit sa halip na tuminag ay nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagtuloy na lamang sa pagkain.
Patapos na sana akong kumain nang magsalita siya. “Yla...”malamig ang tinig na pagtawag nito sa akin.
“Hmmmm?” tugon ko nang hindi man lamang tumitingin sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagkain.“Kailan..... Kailan pa Yla? Kailan mo pa balak bumitaw?”
Bigla akong napabitaw sa kutsara't tinidor na hawak ko at mariin siyang pinagmasdan. “Ano ba talaga Drew!? Hindi ba't sinabi ko nang huwag na huwag mo ng i oopen up 'yang usapan na 'yan!? Hindi ka ba talaga makaintindi!?” gigil na tugon ko dito saka na tumayo at tinalikuran siya. “Iligpit mo nalang 'yan pag tapos ka na,”
Nagtuloy lang ako sa kwarto ko. Nalanghap ko nanaman ang pamilyar na amoy dito. Sabagay, sanay naman na ako kaya't wala na sa akin ang amoy na 'to. Sanay na sanay na. Dumeretso na ako banyo at nag ayos ng sarili.
...Hinding hindi ako bibitaw Drew. Hindi kahit kailan pabulong sa aking sarili...
- FLASHBACK –
“Yla, tala na tase madlalo na tayo!” dinig kong sigaw sa akin ng 4 years old na si Drew mula sa bakuran ng bahay nila. Napakaganda niya talaga. Kahit pa sa kanyang murang edad ay lumalabas ang kanyang angking ganda.
“Sandali lang Drew, inutusan kasi ako ni Mommy na magpaligo ng aso,” wika ko dito na naging dahilan ng pagkakasibangot niya.
“Ladi ladi mo nalang ato ayaw kalalo. Ladi ladi lalang itaw nagpapalido ng ato tapot ato ladi ladi nalang aantay tayo,” mapagtampong sigaw niya sa akin saka niya pa binato sa akin ang hawak niyang manyika.
“Promise Drew pagkatapos ko ditto ay maglalaro na tayo,” pag aaro ko dito.
Sa halip na matuwa ay tinalikuran lamang ako nito saka nagtuloy tuloy na pumasok sa kanilang bahay.
Kung alam niya lang gaano ko siya kanais na makalaro at makasama ngunit lagi nalang kasi akong inuutusan ni Mommy. Ayaw pa naman ni Drew na hindi nasusunod ang gusto niya lalo na sa paglalaro.
