The Reason Why

108 0 0
                                    

The Reason Why.

Patakbo akong lumabas sa garahe ko nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa loob ng bahay.

"Xavier?" Nag- aalalang tawag ko sa aking oh so yummy boyfie.

Mahigpit kong hinawakan ang payong na nakuha ko mula sa sulok nang matanggal ko ang high- heeled sandals ko. Mahirap na! Baka rapist ang nakapasok sa bahay ko ano!

Unti- unting kumalma ang sistema ko nang makita kong ayos naman ang bahay at walang nawawalang gamit.

"Siguro nag- aayos lang ng kung ano si Xavier." Bulong ko sa sarili ko.

Ngunit halos lundagin ko ang kinaroroonan ng mga kutsilyo sa kusina nang may mas malakas na kalabog na nanggaling sa kwarto namin ng boyfriend ko. My ghad! Gusto kong isigaw ang pangalan ni Xavier pero nagpigil ako, baka makatunog ang masasamang loob na nandito na ako!

Masasapol ko ang kung sino mang naglakas loob na pasukin ang home sweet home namin! Aba! Gold medalist kaya ako sa archery noong High School at College! Doon din kami nagkakilala ni Xavier, my loves! Ay chaka! Mamaya na ako kikiligin, baka hinuhurt na nila ang cupcake munchkin honeypie goodie yummy ko!

"Ahhhh!" Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng ungol mula sa loob ng makatapat ako sa pintuan ng silid namin.

Hindi kaya? Pero imposible! Teka siguro nga! Siguro nga nanunuod lang ng porn si

cupcake munchkin honeypie goodie yummy ko!

Napangisi ako. Ang naughty naughty niya talaga! Ahihihi.

Alam ko na! Papasok nalang ako bigla tapos maglalaro kami! Ahihihi. Hoy ha! Larong pang- matured lang yun, wag kayong chaka!

Nagbilang ako ng tatlo saka biglang binuksan ang kwarto, pero hindi siya ang nasurprise. Ako! Ako ang ponyetang nasurprise ng gagong cupcake munchkin honeypie goodie yummy ko!

"Hayooooop!" Sigaw ko na siyang nakapagpatigil sa kababuyan nila.

Agad kong ipinukol sa kanila ang kutsilyong hawak ko. Tumarak iyon sa headboard ng kama namin kung saan sila bumubuo ng tyanak.

" Cupcake munchkin honeypie goodie yummy ko! Let me explain!" Parang napapasong lumayo si Xavier mula sa babaeng kanina lang ay nagwa- wild ride sa ibabaw niya.

"Honey who is she?!" Malanding usisa ng haliparot na cowgirl na nasa silid namin.

Nagdilim agad ang paningin ko at nilundag ko ang kama saka ako pumaibabaw sa kanya.

"Alam mo favorite ko din ang nasa top ako e!" Singhal ko sa kanya bago ko siya sinapak- sapak, sampal, at sabunot.

Siyempre lumaban siya pero wala e! Brutal ako! Para saan pang Loyola ako!

Pilit kaming pinaghiwalay ni Xavier at nang magkaroon ng pagkakataon ang malandinh higad, agad siyang nagtatakbo palabas. Totally forgetting that she is nude! Sinundan siya ni Xavier pero tumakbo din ako pasunod sa kanila... dala syempre ang alas ko.

Huminga ako ng malalim at agad binato ang kutsilyo sa paanan ni Xavier. And bongga! Tinamaan siya at natumba.

"cupcake munchkin honeypie beautiful sexy ko, sorry naman na!"

"Sorry?! Sorry?! Matapos kong isuko ang Bataan sa'yo dahil akala ko worth it ang 2 years relationship natin!" Binato ko siya ng unan. "Sorry?! Sorry matapos akong lumandi ng kay aga dahil sa'yo?! 20 lang ako pero nagsama na tayo, kasi akala ko love mo ako! Letche ka! Lumayas ka dito!"

Padabog akong pumasok sa kwarto at kinuha ang mga damit niya mula sa closet. Lumabas ako at nakitang iika- ika siyang lumalapit sa akin.

"Why don't we start over again Betty?" Nagpapaawa niyang sabi.

"Aww. Ang cute mo boyfie!" Kunyari ay kinikilig kong sabi. Lumapit ako sa gagong boyfriend ko na nakuha pang ngumiti. "PERO AYOKO!" Binato ko sa kanya ang mga damit niya at kinuha ang bow and arrow na nakasabit sa tabi ng pintuan ng kwarto. "Lumayas ka na bago kita panain na parang baboy ramo sa gubat!" Singhal ko sa kanya.

Agad siyang tumakbo palabas ng bahay.

And that is the reason why. Ang rason kung bakit mas pinili kong maging ganito. Because one failed relationship destroyed my faith in happily ever afters.

Bitchy BettyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon