Para akong sisiw na mababalibutan ng mga agila pagdating ko sa bahay. Dinaig ko pa ang bawang sa panggigisa sa akin ng dalawa kong kuya! Chaka! Si Daddy nga nakaupo lang sa rocking chair habang painom- inom ng Milk Tea!
"At ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi gawain ng matinong babae ang pagpakaladkad na lamang sa parking space at ibigiay sa isang estranghero ang kanyang puri!" Litanya si Kuya Varick.
Blah... Blah... Blah. Ikakasal na nga siya next month, sex life ko pa din ang pinagkakaabalahan niyang pakialaman.
"Paano kung mapahamak ka? Paano kung may Aids yung lalakeng iyon? O serial killer? Bethany naman!" Dagdag pa ni Kuya Austin.
Ayaw ko na. Nasstress ako sa stress nila sa pagkastress sa mga stress ko! Wala akong pakialam kung ilang beses ko nasabi ang salitang stress! Basta nakakastress sila!
"Mga kuya! 21 na ho ako. Keribombom ko na ang pagkereng- keng! Hindi naman pwedeng forever tigang na ako! Ikaw Kuya Austin, hanapan mo na ng nanay yang anak mong si Jolo at baka maunahan ka pang magkagirlfriend ng pamangkin ko!" Kumunot ang noo ni Austin. "Ikaw naman Kuya Varick, ikakasal ka na next month at alam ko ding bago ka nabaliw sa demonyita kong hipag-to- be eh sa kung saan saang flower ka din dumapo."
"At ano ang point mo Betty?" Sa wakas ay umimik si Daddy.
Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Let it go mga boys. Malaki na ako. Hindi ako prinsesa, hindi ko kailangan ng tagapag- ligtas. I'm a smart assed bitch, I can shake this off so well. Chill lang. Keribombom ko ang life."
Nagtinginan silang tatlo saka bumuntong hininga ang mga kapatid kong praning at inaya nila ako nina daddy sa isang corny pero heart warming na group hug.
"Betty anak. It has been a year, magmove- on ka ng tama. Stop being naughty na hija, you're a grown up now." Mahinahong sabi ni daddy bago kami nagkalas- kalas.
Tumango na lamang ako para hindi humaba ang usapan. Umakyat na ako sa kwarto ko at doon nag- moment.
Oo nga, isang taon na pala. Isang taon na mula nang sakyan ako ng inaakala kong knight in shining armor ko. Bwisit kabayo pala siya kasi naman nahuli kong sinasakyan siya ng pugitang cowgirl.
Maswerte ako at may pamilya akong mga pogi. Magkakaiba kami ng nanay nina Kuya pero mahal na mahal nila ako, and there was never a day that I forgot to thank God for giving me those idiots as my brothers. At si Daddy? Oo, dakilang playboy yan noong mga Robin Padilla days niya pero ngayon, sabi nga niya ako nalang ang importanteng babae sa buhay niya. Kiber ko naman sa mother dear ko, sumama na sa iba yun kaya never mind.
"Hay Xavier, buhay ka pa kaya? Sana oo. Kailangan kasing malunod ka pa sa sarili mong laway kapag nagkita tayong muli." Anas ko bago ako nagpahila sa antok.
----
Daig ko pa ang makikisali sa beauty pageant nang babain ko sa sala ang maiingay na kalalakihan ng Loyola Residence.
Naabutan ko sina kuya, daddy, at ang pamangkin kong si Jolo na naglalaro ng Xbox. Hindi nila pinansin ang presence ko nang nagpunta ako sa kusina. Mga chaka!
"Mga panget! Kakain na!" Sigaw ko mula sa kusina nang matapos akong magluto ng pananghalian, late na kasi akong bumangon kasi nga napuyat ako kagabi sa sermon ng trio- tagapayo.
Nagtakbuhan sila, pati si daddy, papunta sa mesa at nagpatuloy sa kaingayan kahit pa kumakain na kami. Kaya hindi malungkot ang bahay na ito e, ubod ng kulit ang housemates ko!
"Ahem." Pagpapapansin ko kasi nga nakakaout-of- place na ang usapan nila dahil tungkol na naman sa basketball ang usapan nila. Ibang basketball skills kasi ang namana ko e kaya chaka!
"Ay oo nga pala bunso!" Napainon ng tubig si Kuya Austin bago tumakbo palabas at dali- dali rin namang bumalik hawak ang isang envelope.
"Ano to?" Tanong ko.
"Buksan mo kaya tita?" Pilosopong sabad ni Jolo sabay high- five kay daddy nang makitang nainis ako.
"Ano to? Bakit passport at pera laman nito?" Takang tanong ko sa kanila.
"Lalayas ka na sa bahay na ito." Seryosong sabi ni Daddy.
I turned my gaze to my brothers but they just gave me a serious look and then shrugged their shoulders. Oh no!
BINABASA MO ANG
Bitchy Betty
General FictionMaganda ka? Mas maganda ako. Matalino ka? So what, I'm the smartest girl in town. Sexy ka? Dfq with you girl! I have a body to die for! Hihirit pa? OMG. So BITCH ka kamo? Lemme shove a fact to your ugly face! I AM BITCHY BETTY... and no one can be b...