Chapter One

17 3 4
                                    



One'



"bakit kasi hindi tayo humingi ng tulong kay papa ma?"  pabalang na tanong ni kuya zaidan kay mama na kasalukuyang nilalapag ang mga plato sa lamesa.

" oh! Eh anong gusto mo aber? Habulin ko yung tatay mo doon sa espanya upang manghingi ng sustento?" sagot naman ni mama habang naka hawak pa ang dalawang kamay sa magkabilang bewang. Umiling naman ako. Paulit ulit na lamang na iyan ng iyan ang pinag tatalunan.

" bakit hindi ma. Eh may pamilya at mga anak siyang iniwan dito sa pinas! Marapat manlang na mag bigay siya ng tulong sa atin, responsibilidad niya iyon bilang ama!" giit ni  kuya zaidan at padabog na pinalamanan ang slice bread na naka hain sa hapag.

Ako naman ay itinuon ang atensyon sa pag aayos ng ilang papers sa envelope na siyang kakailanganin ko sa pag aapply ng trabaho. Muli ko pang sinulyapan ang suot kong plain gray jump suit na may kalakihang ribbon na disenyo sa bewang at beige sandal na kupas ang kulay, inayos ko rin ang pag kaka bun ng natuyo kong buhok na hanggang bewang ang haba bago ko napagdesisyunan na tumungo sa kusina upang dumulog sa agahan.

"nako! Zaidan. Kung naisip yan ng magaling mong ama sa tingin mo ba iiwan tayo non? Walang pakeelam yang magaling niyong ama sa inyo. Kita mo! Sumama na nga sa ibang babae" naabutan kong sambit ni mama, imbis na pansinin sila ay dire diretso akong tumuloy sa bakanteng upuan at nag sandok ng kanin at ulam upang simulan ang agahan.

Infairness! Hindi pa naman kami ganoong nag hihirap sa tingin ko dahil may nakahain pang tapa, bacon hotdog at sunny side up. Taray!


"kahit na ma! Kita mo mag cocollege na si cycy. Kahit manlang pang bayad ng tuition ang maitulong niya" Dugtong pa ni kuya. Oh? Bakit sakin napunta ang usapan  aber? Hindi ko naman kailangan ng tulong ni papa. Kaya nga ako mag tratrabaho para may maipambayad ng tuition kung sakali mang palarin ako na makapag aral next year.

Napag desisyonan ko muna na huwag mag aral lalo nat malaki ang kakailanganing pera sa kursong gusto kong i persue. I wanted to become a professional designer that's why kahit anong pilit ni mama na mag enroll ako sa ibang course ay umayaw ako. Its my future were talking about, ayokong may pagsisihan. So i better work hard to achieve it.


"mag tigil kanga kuya. Sino ba kasing nag sabi na kailangan ko ng tulong ni papa! Kaya nga ako mag tratrabaho diba at hihinto ng isang taon para mag ipon" pag singit ko na ikinatigil nilang dalawa.

Umirap ako at muling hinarap ang kinakain.

"... And besides tama si mama. Tingin mo ba kung may pakielam pa si papa sa atin iiwanan niya tayo at ipagpapalit sa iba?for sure naka hanap na doon yon ng mayaman na americana" Dugtong kopa at sinubo ang hotdog.

" ewan ko sayo cy, Akala moba madali ang mag hanap ng trabaho?alalahanin mo eighteen kapa lang" umikot ang mga mata ko sa sinabi ni kuya. Pano ko malalaman kung hindi ko susubukan. Ang nega rin kase eh!

"bakit ikaw ba ang mag tratrabaho? Ako naman ah, Wag mong problemahin iyon. Ang problemahin mo ay iyong mga babaeng nag hahabol sayo diyan sa labas" at iminuwestra ko ang bukas na pinto kung saan tanaw na tanaw ang iilang kababaihan na kalandian ni kuya. Napa iling nalang ako babaero talaga.

Namutla naman ang buong mukha ni kuya at namuo ang butil ng pawis sa kaniyang noo.

"ayan! Napaka landi mo kasi eh!" pang aasar ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni kuya at itinuro ako gamit ang hintuturo niya.

Inirapan ko siya.

"hoy! Cyshell umayos ka nga ng pananalita mo. Anong malandi ang pinag sasabi mo diyan" namumutla na sambit niya. Napa ngiwi naman ako. Sus! Totoo naman.

Profoundly Inlove Where stories live. Discover now