Chapter Fifteen

12 0 0
                                    









Fifteen'






Halos umikot ang buong sikmura ko sa lasa ng inumin na iniabot sa akin ni kahlen.

"gaga! Ininom mo?" tanong ni mon. Ngumuso ako at naka ngiwing tumango.

"gaga ka! Hindi ka naman marunong uminom eh. Baka malasing ka kaagad." hysterical na pagalit pa niya sa akin.

"hindi masarap! Ang pait, bakit ganon mapait pa sa oregano ang lasa." i said wanting to puke. Pinunsan ko ang aking labi gamit ang aking kamay.

"siraulo! Alak nga eh." singit ni jaseff at binatukan ako, napa nguso naman ako. Malay koba sa lasa ng alak diba?

"baby pa kasi kaya walang alam." pang aasar ni kahlen inirapan ko siya.

"baby damulag." pag sang ayon pa ni mon. Madali lang talaga silang nag kasundo lalo na pag dating sa pang buburyo sa akin. Mga toh!

"tigil tigilan niyo ko. Pag ako natutong uminom hahamunin ko kayo." mayabang pa na sambit ko. Nag palakpakan naman sila at halatang pinag kakatuwaan ako.

"hanggang softdrink ka na nga lang yata eh!" natatawa ring ani ni lucid. Sumimangot ako.

"softdrink no! Di nga nakakatulog yan ng di umiinom ng gatas. Hahaha." lalo akong sumimangot ng ilaglag ako ni mon. Hanep! Mukhang bad idea yata na isinama ko pa siya.

"awte! Hahahaha baby nga." humagalpak sa tawa na ani ni kahlen, inirapan ko siya.

"pero di mo baby!" sarcastic na banat ko. Napa oww naman ang iba naming kaibigan.

"nako. Nako. Ikaw ah, baka naman crush mo ako?" mapang asar pa na dugtong ni kahlen, umirap ako.

"taas naman yata ng self confidence mo, bakit ka gusto gusto kaba?" pag banat ko. Nagtawanan naman ang iba sa amin.

"burn!" lucid said while raising both of her hands. Mukhang may tama na.

"monalisa, sayaw tayo dali!" tili pa niya at hinatak hatak si mon. Pinigilan ko naman ang matawa ng makita ang bahagyang pag ngiwi ni mon.

"anong monalisa? At masakit wag mo akong hilahin lucifer!" napapa pikit na ani ni mon.

Pumalatak naman kami sa tawa. May kanya kanya na silang endearment sa isat isa, ayos yan.

Nang makatayo ang dalawa ay agad akong umalalay kay mon. Halata ngang lasing na siya dahil sa pamumula ng kaniyang mukha.

"hayaan mo sila." jaseff said laughing, napa iling nalang ako. No way mamaya ay mapahamak pa silang dalawa.

Ganon nalang ang pag protesta ko ng hilahin ako ni kahlen paupo sa tabi niya.

"let them be." naka ngising ani niya at nag palitan ng titig kay jaseff, mukhang may kalokohan na naisip ang dalawa.

"hoy! Ano yang naiisip mo?" naka simangot na tanong ko.

"relax ka lang masaya to." sambit niya at nakipag high five pa kay jaseff, pareho naman kaming nag kibit balikat ni caia na walang idea sa na gaganap.

Wala na iyong dalawa at nang tignan namin kung saan nag tungo ay ganon nalang ang pag laki ng mata ko.

Pareho silang nasa stage sa ibaba at sumasayaw ng kung ano ano. Mon even twerk na siyang ikina ngiwi ko at ikinatawa naman ng mga baliw kong kasama.

"yari kayo sakin! Bukas lang kayo hahahaha." parang sira na ani ni kahlen at kinuha ang kaniyang cellphone. Vinideohan niya ang dalawa sa ginagawa nilang pag sayaw ng malalaswa at kung ano ano. Meron pang inagaw ni lucid ang mic sa dj at kumanta ng rock song, ewan ko kung kanta nga bang matatawag iyon dahil halos sigaw lang siya ng sigaw. Si mon naman ay nag hehead bang pa at kung ano ano ang ginagawa.

Profoundly Inlove Where stories live. Discover now