CHAPTER 1

3K 128 9
                                    

Disclaimer: this is a work of fiction names, characters, businesses, place, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.






Amelia is a women who love to write romance and fantasy stories.  She prefers books over men. One day, she meets a man, kio who truly loves her, Inside the story.






"Mama!" Pagtawag ni nico kay mama nya. "Si ate hindi pa gising." Rinig na rinig ko ang sigawan mula sa ibaba ng bahay.






Rinig na rinig ko ang hakbang ng paa ni mama na papunta ng kwarto ko. Sinundan pa ito ng malalakas na sermon nya sa Umaga.






"Amelia!" Sigaw nito na halos makarating na sa kapit-bahay nila. "Kailan ka ba makikinig bata ka at lagi ka nalang nag pupuyat. Puro pag susulat ng kwento ang inaatupag mo. Bakit hindi ka mag aral? At nang may matutunan ka." Sigaw nya sa harap ng kwarto ko.






"Tatayo na po." Saad ko habang kinukusot ang mga mata.






Itinuloy ko kasi ang kwento na Binibini ni Kio. Napakaganda talaga ng kwento na iyon, sana mag karoon din ako ng ganong lalaki. Napangiti ako sa harap ng salamin habang nag susuklay.






Habang papasok sa paaralan ay nasalubong ko ang aking kaibigan na si bee, Alexandria ang totoo nyang pangalan pero pinag-titripan ko sya kaya bee ang ipinangalan ko sa kanya.






"Lia, kailan ka mag update ng story mo? Hinahabol ka na ng mga readers mo." Tumawa sya nang malakas kaya nag tinginan ang mga tao sa paligid namin. Mariin ko syang siniko.






"Bukas mag-uupdate ako. Sadyang busy lang talaga sa research kaya nawalan ng update."





"Talaga lang ha? Baka naman may kinikita ka na dyaan sa tabi-tabi, isusumbong kita kay ate Ami."






Inirapan ko sya.






"O sya dito na ako. May klase pa kami baka mag kita nalang tayo ulit bukas bye-bye" Kumaway nalang din ako sa kanya.






Ang kinuha ko na course ay ABM, napagtripan ko lang ang sarili ko kahit ang hilig ko ay mag sulat ng libro at gusto ko rin ang journalism pero parang panandalian lang talaga.






Pagkauwi sa bahay ay dating gawi, mag bibihis, kakain at mag susulat ng kwento. Itutuloy ko ang Binibini ni Kio.






Habang nag iimagine ng scenario sa utak ay pakiramdam ko ay may tumatawag sa pangalan ko. Itinigil ko ang pagsusulat at sandaliang pinaringgan ang paligid, pero wala naman kaya ibinalik ko ang tingin ko sa notebook pero ganon na lamang ang gulat ko nang makita ang nakasulat doon.






My love, Amelia.





- Binibining Lara

His Love, Amelia | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon