CHAPTER 8

748 71 0
                                    

Nang matapos namin mahugasan ang mga pinagkainan ay pinapaalis ko na si kio pero ayaw nya.


"Sige na kasi bukas nalang ulit, kio. Malalim na ang gabi inaantok na ako."


"Inaantok na rin ako, Amelia kaya dito na ako matutulog." Mabilis itong pumunta sa sofa at nag kumot.


Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang inis.


Nag hilamos muna ako at nag palit ng damit sa banyo at bumalik na sa higaan. Nakita ko naman na nasa sofa si kio at mahimbing lang na natutulog.


Next day, Nauana akong gumising kay kio. Nag timpla lang ako ng kape at kumuha ng tinapay sa refrigerator. Lumabas ako at doon kumain sa may mahabang upuan.


Nang makita ko si kio sa gilid ng pinto mukhang hindi nya ako nakita dahil nakakunot ang noo at nasa busangot. Nang tinawag ko sya ay humarap ito sa gawi ko at lumiwanag ang mukha.


"Andyan ka lang pala. Uuwi na pala ako, Amelia. Ang sarap ng tulog ko dito kagabi." Ngumiti sya sa akin.


Tumayo ito at bumaba na ng kubo.


"Hindi ka mag kakape?" Lumingon ito sa gawi ko.


"Sa bahay nalang." Tamad nyang sabi.


"Uuwi ka na?" Lumiwanag ang mukha ko nang tumango sya. "Pwede ba ako sumama?"


He sighed.


"Fine, sandali ka lang doon. Iuuwi kita mamaya." Nag mamadali akong pumasok sa loob at nag hilamos tsaka
nag palit ng damit.


Nakita ko naman syang nakatingin lang sa dagat habang inaalon ang buhok nya ng malakas na hangin.


"Kio!" Tinawag ko sya kaagad naman nyang narinig kaya tumakbo sya papalayo sa akin at papunta sya ng highway.


Hinihingal ako nang maabutan ko sya kaya hinampas ko sya sa balikat nang maabot ko sya.


"Napagod ako, Gago ka"


Huminto kami sa malaking bahay puti iyon at hanggang dalawang palapag lamang. Katulad ng sa kwento ko.


"Tara pasok." Binuksan nya ang gate at hinayaan akong makapasok sa loob. Pag pasok ko sa loob ay may nakita akong katawan na mahimbing ang tulog sa sofa.


Nang maramdaman nya ang aming presensya ay tumayo ito at kinusot ang mga mata.


"Oh! Kio, sino sya?" Magiliw na tanong ng babae kay kio. Halatang nag aalangan na mag salita si Kio.


"Ah Megan, sya si Amelia. Kaibigan ko."


Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi nya. Tama nga naman ano pa ba kami edi kaibigan.


Plastic akong ngumiti sa harapan ni Megan. Oo nga pala, wala akong karapatan mag selos dahil ako mismo ang gumawa ng kwento nila.


"Anong gusto nyo kainin? Okay what time na ba?" Tumingin sya sa orasan na nakalagay sa pader. "Oh! Its eight am pa lang. Siguro mamaya nalang, ipagluluto ko nalang muna kayo. Upo ka Amelia." Umupo ako sa sofa tumabi naman doon si kio. Mariin itong nakatingin sa akin.


Nang matapos mag luto si Megan ay nilapag nya na ang omelette sa harap ni ko at ni kio.


Namangha ako sa sobrang sarap ng omelette na luto ni megan.


"Masarap ba, Amelia?" Sunod-sunod akong tumango.


Lumipas ang oras na puro daldal lang si megan habang kami ay nakikinig lang sa kanya.


Inikot nya ang bottle sa sahig.


"Let's play truth or dare." She clapped her hands.


Sinimulan nya na inikot ang bote at natapat ito sa akin.


"Truth or dare?" Tanong sa akin ni Megan.


"Truth."


Nilagay nya ang daliri sa baba na kunwari ay nagiisip.


"Hmm. Sino ang gusto mo?" Nakatingin ito nang diretso sa akin at nakangiti.


"Wala." Nalungkot ang mukha ni Megan.


"What? Amelia, nakikita ko sa mata mo na inlove ka." Umirap ito sa akin.
"Okay, next."


Sinimulan nya nang paikutin ang bote.


"Next is" Hinintay nyang matapos ang umikot ang bote. "Kio! The question is who is your first crush?"


"Anong klaseng tanong yan megan pang-bata."


Ngumuso si megan pagkatapos ay nagsalita muli.


"Let's go tomorrow sa los libros y el café, maganda doon Amelia for sure magugustuhan mo doon."


"Ah" Mapakla akong natawa. "Sige susubukan ko baka kasi may gagawin ako."


Tumango-tango lang si megan. "Okay lang pero sana ay makapunta ka. Okay? Kasama natin si kio." Tumaas-taas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

- Binibining Lara

His Love, Amelia | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon