CHAPTER 2

2.2K 127 1
                                    

Narito kami sa bahay nila bee ngayon dahil bored lang ako sa bahay. Buti nga ay pinayagan ako ni mama na pumunta.






"Hi bee, hello Amelia!" Kumaway sa amin si Jake mula sa video call. "Gusto nyo ba sumama bukas museum tour tayo. Kasama ko si Jared."






Kapatid nya si Jared, ex ni Alexandria.






"Oo sasama kami ni bee!" Ako nalang ang nag salita dahil mukhang natigilan si bee dahil sa binanggit ni Jake yung kapatid nya.






Nang binaba na ni Jake ang call ay kaagad akong hinampas ni bee sa balikat.






"Gago ka talaga ayaw ko sumama, bawiin mo yun Lia."






Natawa ako sa reaksyon nya.






"Hmm. Ang akala ko naka moved on na ang bubuyog namin?" Mas lalong lumukot ang mukha nya kaya mas lalo rin akong natawa.






"Oo sige na pero wag mo akong ishiship ulit sa gago na yun, mapapatay na talaga kita Lia" Umirap sya sa akin.






Naalala ko na naman ang araw na shinip ko sila sa isa't isa, nag katuluyan sila.






Dumating ang kinabukasan na normal lang sa akin, panigurado na hindi normal kay bee. Mag kikita kasi sila ng ex nya. Natawa nalang ako nang maalala yung araw na nag kahiwalay si bee at Jared.






Tumakbo nang tumakbo si bee sa gitna nang ulan papalayo sa amin ngunit, wala pang tatlong minuto ay bumalik na ito dahil walang mapupuntahan. Natatawa man kami nung araw na iyon ni jade pero sinarili lang namin.






Mabuti nalang at wala pa ang bunganga ni mama nang magising ako. Hinatid nya kasi si nico sa school.






Niligpit ko lang ang aking higaan at bumaba na ng kwarto para kumain ng agahan. Kumuha lang ako ng itlog at iniluto iyon at hindi malilimutan ang kape sa Umaga.






Pagkatapos makakain ay kinuha ko ang walis at sinimulang linisin ang kalat na iniwan nila mama. Wala kaming pasok tuwing Wednesday kaya free ako ngayon.






Naligo lang ako pagkatapos mag linis. Naglagay ng light make up at nag palantsa ng buhok para may kaunti itong wavy na part.






Sakto naman na nasa labas na ako nang tumawag si bee sa akin.






"Nasaan ka na Lia? Ang tagal mo nandito na kami."






"Papunta na, nag hahanap pa ako ng masasakyan na jeep." Ibinaba ko ang tawag. Alam naman nilang pahirapan ang sumakay ng jeep dito dahil bihira lang ang dumaan o kaya naman ay  puno ang loob ng jeep.






Nang makarating sa tapat ng museum ay kitang-kita ko sa di kalayuan ang nag papaypay si bee gamit ang panyo na hawak nya habang nakakunot ang noo.






"Napaka tagal mo talaga, halos isang oras na kaming naghihintay dito. Sa aming lahat ikaw ang pinakamatagal dumating." Umirap sa akin si Jake.






"Tara na." Pag pasok palang namin sa lugar ay sobrang namangha kami sa mga paintings at iba't ibang obra maestra.






Napakalaki ng paligid kaya napagpasyahan namin na hindi nalang muna mag sama-sama para ma-solo namin makita ang bawat paintings.






Napansin ko naman ang pag sunod ni Jared kay bee. Paniguradong kinakabahan na naman iyon.






Umupo muna ako sa gilid at inilabas ang phone at notebook ko kung saan ako nag susulat ng kwento. Kinuhaan ko ng litrato ang isang painting na two worlds apart. Nasa kabilang mundo ang dalawang tao.






Nang makaisip ng scenario sa kwento ay kaagad ko itong isinulat sa notebook. Habang nag susulat ay tinawag na ako ng mga kaibigan ko sa kahabaan ng hallway nagmamadali kong inilapag ang notebook na hawak para kuhain ang phone na nasa tabi at kaagad linisan ang lugar na iyon.






- Binibining Lara

His Love, Amelia | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon