I'm on the way to meet him, after 8 fucking consecutive months without seeing him. I wonder gaano kalaki na kaya ang pinagbago nya? Lalo kaya syang gumwapo? Tumangkad kaya sya lalo? Mahaba na ba ang buhok nya? Napangiti ako sa naisip pero agad din napalitan nang kirot. Kirot na alam kong nanggagaling sa mga tanong na patuloy na bumabagabag sa'kin.
What if he push me away again? What if he wouldn't allow me to come back to his life? What if someone already have his heart? Damn, I'm devastated. The thought of him having a good relationship with another woman makes me sick.
While I'm getting near in our meeting place, I feel an unfamiliar feeling growing inside me. Yung makita sya sa picture nalulula ako, pero yung makita yung pamilyar na bulto nya, patuloy na naghuhuramentado ang puso ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, alam kong hindi nya pa ako natatanaw dahil na rin siguro sa hindi pumipirmi ang katawan nya. Palinga-linga animong may pinagtataguan na kung sino. Pakiramdam ko ang layo layo ko pa rin kahit na ang totoo iilang hakbang na lang ang kailangan kong gawin.
"Uhmm, hi. Pasensya kung pinag-antay kita." Nakangiting salubong ko sa kanya nang tuluyan na kong makalapit.
"Hi Rae, It's been a while. How are you? By the way don't feel sorry, you're just in time. Napaaga lang ata dating ko." Gumanti sya ng ngiti subalit halata ang pagiging pilit nito, ni hindi man lang umabot sa mata.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, baka kasi kapag nagbukas pa ako ng ibang usapin ay piliin nya na lang ang umalis agad at baka tuluyan na akong mawalan ng tyansang makausap pa sya.
"Gusto ko sagutin yung tanong mo.." Natawa ako ng bahagya. Pilit na tawa. "Kaso...Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tanong mo. Sa totoo lang kasi hanggang ngayon nahihirapan pa ko. Hindi ko maintindihan yung sarili ko pero gulong gulo pa rin ako." Pag-amin ko na halata namang ikinabigla nya.
"Oh I thought you've already moved on. 2 years na. Rae, alam mong ayoko pakinggan kung saan man papunta ang usapan na'to. Ano bang dahilan para magkita tayo? Look, to be honest with you, wala na kasi talaga akong mahitang dahilan eh." Mahinahon ang pagkakasabi nya pero mahihimigan ang iritasyon. Akala ko rin eh. Pero tangina, hindi eh, hindi pa rin. Hindi na ata. Wala na talaga dapat ako sa harap mo ngayon.
"I'm so sorry nagbabakasali lang naman ako. Sumusubok lang ako ulit. Gusto ko ulit magtry. Kasi hanggang ngayon wala akong maintindihan, hindi ko alam kung paano tayong nagkagan--"
"Hindi ko pa ba nalinaw sayo? Hindi ko pa rin ba naipaintindi? Rae, I loved you. Minahal kita, totoo yon. Pero hindi ko alam basta isang araw nagising na lang ako na wala na kong nararamdaman para sayo kundi purong awa. Hindi ko alam kung anong nangyari pero may nagustuhan ako." Mahinahon lang ang pagkakasabi nya pero hindi ako nakasagot agad sa takot na baka putulin nya na naman ang sasabihin ko.
"Minahal kita Rae, pero siguro hindi naging sapat yung pagmamahal ko para maalagaan kita. Pasensya na."
"You loved me, yes I heard it right. You loved me, but why can't you just give me a second chance? Kung pakiramdam mo kulang yung maibibigay mo. Hayaan mong ako yung pumuno. Bumalik ka lang sa'kin. Sige na please." Nagsusumamo kong sabi. May namumuong bukol sa aking lalamunan senyales ng matinding pagpipigil na mailabas ang luha.
"Tama na Rae." Maikli lang yun, tagalog rin, pero bakit parang hindi ko maintindihan?
"Sige na. Parang awa mo na. Kahit habulin kita ayos lang kahit magmukha akong tanga."
"Damn Rae, I said stop it! Stop this shit! Stop the chase.Tumigil ka na sa kahibangan mo! Hindi ka aso! Tao ka Rae, Tao. Maawa ka naman sa sarili mo." Nagulantang ako sa biglaang pagsigaw nya, may diin ang bawat salita.
Hanggang ngayon hindi ko pa din kasi talaga matanggap, 2 fucking years since we cut the tie between us pero heto ako nagmamakaawa na naman sa kanya na bumalik sya.
"Ace, please I'm begging you! Gagawin ko naman lahat e." My tears fall continuously as if it was a broken faucet. "Magbabago ako, sige na. Ibibigay ko lahat. Mahalin mo lang ulit ako ng kahit 1 percent ako ng bahala sa 99 percent."
I'm so fucking desperate to get him back, to win him back, I badly want him to be mine again.
"Aurae, Gaano ba kahirap intindihin yung salitang tapos na tayo, hindi na ko babalik sayo. Hinding hindi na ko babalik sa dati para sayo! Mahirap ba intindihin? Tagalog na yun Rae. Tangina naman!" Hindi nya na napigilang magbigay ng mahabang litanya. "Dalawang taon na nakalipas pero heto ka at naghahabol na naman. Wala ka bang delikadesa?"
Mahirap intindihin yun para sa'kin. We have each other for almost 4 years. I can't just accept the fact that he chose someone he just like. Siguro nga pati yung pride na natitira sa'kin tinanggal ko na sa sarili ko. Hindi ko kasi talaga kaya. Sobra akong nasanay sa kanya. Sinanay ko yung sarili ko kasi akala ko sya na yung taong para sa'kin.
Hindi pa rin tumitigil ang luha ko. Hindi ko alam, hindi ko sya kayang pakawalan. He promised to be with me through my ups and downs. He promised me a lifetime.
"Marami akong gustong gawin, maraming paraan ang pumapasok sa isip ko makalimutan lang kita, pero kapag naaalala ko lahat ng pinagdaanan natin, nagbaback to zero ako."
"Pilitin mo yung sarili mo na kalimutan ako Rae, pilitin mo na masanay na wala ako, hindi ko na kayang ibalik sayo e. Hindi ko na kayang pilitin yung sarili na makasama ka." Naluluha nyang sabi.
"Hindi ko kaya, hindi ko kaya, nahihirapan akong gumising na ang bubungad na isipin sa'kin ay wala ka na, nahihirapan akong isipin na paggising ko wala ng bubungad na mensahe mo o hindi ko makikita yung mukha mo, natatakot ako isiping ikaw yung nakikita kong kasama ko hanggang sa hinaharap pero mawawala ka na." Halos hindi ko na marinig ang sarili ko sa pagitan ng paghikbi ko.
"Sorry, pero hindi ikaw yung nakikita kong makakasama ko sa future." Bumagsak ang balikat ko sa narinig.
Pakiramdam ko pasan ko ang mundo ngayon sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko mahinuha. Gusto kong maglupasay kakaiyak. Gusto kong lumuhod, pero parang naging bomba yun na naging dahilan para tumigil na sa pinaggagawa ko.
"Hindi ko na ba talaga mababago isip mo? Hindi mo na ba talaga ko mahal? Wala na ba talaga ko dyan? Said na said na ba? Kasi tangina Ace after all those years. After those fucking years hindi ko pa rin maintindihan kung paano mo nagawang itapon yung almost 4 years na yun e. Hindi ba talaga ako naging sapat? Kulang pa ba? O sumobra ako?"
"Rae, kasi wala na e. Napagod na ko, sumuko na talaga ko. Hindi ko alam pero isang araw paggising ko wala na kong nararamdaman para sayo. Kung hindi mo matanggap yun bahala ka. Pero tandaan mo minahal kita. Minahal kita kasi ikaw yan, pero wala na yung pagmamahal na yun ngayon. Kaya pasensya ka na. Deserve mong sumaya. Humanap ka ng taong kayang higitan yung pagmamahal na kaya mong ibigay. Hindi kasi ako yung tao na yun e." Tumigil na sa pagtulo yung luha ko, pero yung bigat ng bawat salitang binitawan nya nakadagan sa puso ko.
Gustong gusto kong bumalik sya pero hindi natin mapipilit ang isang tao kapag ayaw na talaga. Hindi natin sila mapipilit na mahalin tayo pabalik. Hindi natin sila mapipilit na piliin tayo ng paulit-ulit. Maraming bagay tayong gustong maging atin pero hindi lahat makukuha natin.
Niyakap nya ko sa huling pagkakataon. Hindi ko na sya mayakap pabalik kasi alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko yon, hindi ko na sya kayang pakawalan pa.
"Mag-iingat ka palagi, ingatan mo yung sarili mo. Ingatan mo yung puso mo. Kasi wala na ko, hindi kita maiingatan katulad ng dati kong ginagawa sayo. Bitawan mo na ko kasi ako matagal na kong nakabitaw sayo. Pasensya na ah. Salamat sa lahat." Kasabay ng pagbanggit nya sa mga katagang yun ay ang pagluwang ng yakap nya.
Humakbang sya paatras, tumalikod hudyat ng tuluyan nyang pag-alis, hindi ko na sya mahabol. Hindi na ako nakaiyak, binilang ko ang hakbang nya palayo sa akin. Nang hindi ko na matanaw ang bulto nya humakbang na ako palihis sa daang tinahak nya. Alam kong sa dulo nito hindi na kami muling magkikita pa.
Pero kung sakaling babalik ka, hayaan mo kong ihanda muli yung puso ko, sakaling masaktan man ulit ako nang dahil sayo.
-----
BINABASA MO ANG
Love Hound
RomancePosible bang magkaroon ng limitasyon ang paghahabol sa isang taong minahal mo ng sobra? Sapat bang basehan ang tagal ng pinagsamahan para masabing kailangang mapanindigan? O hahayaan mo na lang bang ang puso mong kusang lumimot at humilom sa paglipa...